C H A P T E R [18]

2.2K 56 7
                                    

CHAPTER 18

Rue's Point of View

HINDI KO NA hinintay na sunduin ako ni Kuyang Driver. Nag lakad nalang ako papuntang sakayan at nag para ng taxi.

Nang makarating ay agad akong pumalibot sa likod at umakyat sa mataas na bakod.

Dito na muna ako magpapalipas ng araw. Mamaya ng gabi siguro ako babalik sa kanila.

Mabuti nalang dala ko parin ang susi ng bahay. Pumasok ako sa back door at agad na umakyat sa taas patungong kwarto.

Malawak ang bahay namin dito sa Muntinlupa. Old house but full of memories...

That's what I really like the most. Mga bagay na hindi bago sa paningin ko. Mga bagay-bagay na naka sanayan ko.

Nang mabuksan ko na ang pinto ng kwarto ko agad na sumalubong sakin ang tahimik na silid. Gaya pa rin ito ng dati  hindi nag-babago. Hindi ko kase ka ugaliang pagandahin itong kwarto ko. Dahil naisip kong hindi naman lahat ng bagay sa mundo ay permanenti, may mawawala at may babalik. Tamang hintay lang siguro...

Pasalampak akong nahiga sa malambot kong kama. Namiss ko ang pakiramdam na ito. Iyong comfortable kang hihiga at makakatulog ng mahimbing sa kinagisnan mong higaan at bubungaran sa pagising ng nakagisnan ring kisame. Lahat nalang ba ay nakagisnan ko na? Ayoko nang panibago, mahirap ang mag move forward sa old days na much better to remember than to forget kesa sa simpleng new normal days ko na to. Ikaka-depress ko lang. O diba baliktad ako mag isip! Hayst, iwan! Just don't mind my shit. This is my way to emote...

Malakas na lamang akong napabuntong hinga.

Naisip kong pano pala ako napunta sa gantong sitwasyon?

Hanggang ngayon kase ay litong-lito parin ako sa nararamdaman ko sa kanya. Bakit parang nasaktan ako 'nong makita ko syang hinuhubaran ng iba? Ugh! This is insane!

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at napa tiim baga.

Napaisip.

Pero bakit hinayaan nya akong umalis? Bakit hindi nya ako pinigilan? Bakit hindi nya ako nilingon?! A-akala ko ba gusto nya ako, dahil ba sa libog ay nawala na agad ako sa isip nya? Hah! Boys still be boys ika nga nila, madaling matukso! Hindi ko na iyon maipagkakaila pa sa ugali nya, but still, lahat ng mga sinabi nya eh...

Lahat ng iyon pinaniwalaan ko pero parang nagkamali ako sa puntong umasa sa walang kwentang salita na lumalabas sa bibig nya e kung ganon lang rin naman pala mabuti na sigurong... iwasan ko na muna ulit sya.

Mas mabuti na rin lang 'yon para hindi ako umasa sa mga salita at mga pinapakita nya sakin.

Naiisipan ko na nga munang umidlip. Medyo maaga pa naman. Kilangan kong maka idlip kahit panandalian lang.

Bigla kong naisip si Tita. Baka mag alala 'yon.

So I texted tita na magagabihan akong umuwi. She reply naman agad ng "Okay Rue, just take care of your self..."

Pinatay ko na muna ang Cellphone ko at natulog.

Ilang saglit nga lang rin ay nakatulog na agad ako.

•••

BIGLA na lamang akong naalimpungatan sa ingay na ng gagaling sa labas ng aking kwarto.

Agad akong nakaramdam ng takot ng marinig ko ang yabag ng paa ng kung sino.

Magnanakaw!

Pano nya nagawang makapasok dito??

Cousin's with Benefits [BXB] [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon