C H A P T E R [8]

4.1K 119 6
                                    

CHAPTER 8

GULAT AKONG napatingin sa mukha niya at napanganga. Pucha! Ang gwapooooo! Para syang familiar kaya kunot noo ko syang tinignan. Nag tagpo ang aming mga mata. Nakaramdam naman ako ng kunting ilang ng ngitian nya ako na ngayon ay lumabas na ang pantay-pantay nyang mga ngipin sa ginawang pagngiti. Shit! Para akong nabato at hindi maka galaw ng dahan-dahan syang yumuko at pinagpantay ang aming tangkad kaya ngayon ay ang lapit-lapit na ng kanyang mukha sa aking mukha habang hindi parin nito inaalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Miss me?" nang aakit nitong sabi habang pinanlalakihan nang mata ng unti-unti kong makilala ang gwapo niyang mukha.

"Fuck!" na imura ko na lamang.

"Hahaha..." tawa nya sa reaction ko.

"Is that you Gino?" paniniguro kong tanong dito.

Maligalig naman syang tumango na hindi parin inaalis ang matamis nyang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Agad ko syang tinalon at niyakap ng mahigpit. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg nya. Medyo napaatras pa sya ng kunti pero nakarecover din agad naging maagap rin ang kamay nyang humawak sa hita ko para hindi ako mahulog. Nakabukaka ako na parang palaka na umakap sa kanya.

"Ginooo! Ang bunso ko!" parang bata kong sabi at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Ukkk... an-ang higpit..." bulas nya.

Kaya mabilis akong kumalas sa kanya. Lumayo ako sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kabouhan nya. Heneed-to-foot ko sya na medyo ikina ilang pa nya.

Nakasuot lang sya ng denim na polo na naka in tack paloob sa pants nyang kulay puti na may punit sa gilid na bumagay naman sa kanyang matipunong katawan habang tenernuhan nya ito ng kulay white na nike shoe. In short ang gwapo nya! Kaya nag niningning ang mata ko ng dumako ito sa makinis nyang mukha. Ang gwapo nya talaga!

"Kyaaaaaaaaah!" sigaw ko at mahigpit na yinaka sya ulit. Bigla akong napasimangot at tinignan sya.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya at pinakita sa kanya ang mukha kong naka simangot. Nagtataka naman sya. Inis ko syang kinurot sa tagiliran.

"Aray Kuya..." reklamo nya.

"Tse! Hindi ka man lang nag sabi na uuwi ka!" nakapandikwatro ang mga braso kong tumalikod at nakangusong nagtatampo sa kanya. "Tsaka ang tagal mo nang hindi ako kino-contact! Nakakainis na ah! Tapos ngayon kalang dumating mahigit tatlong taon na!" nagtatampo kong sabi. Pero tinawanan lang ako ng kumag.

"Hahahaha... Ang kyut-kyut mo parin kuya pag nagtatampo." sabi nya at pinaharap ako sa kanya.

Sinapo nya gamit ang dalawa nyang kamay ang mukha ko at marahan itong pinisil. Hindi ko sya tinignan at nakanguso parin dito. Inilapitlapit pa nya ang mukha nya saakin pero inaalis ko iyong tingin sa kanya. Pero tumigil na rin ako at itinagpo ang mga mata naming dalawa. Ngumiti ulit sya ng pag ka tamis kaya humawak nalang ako sa bewang nya.

"Kase kuya hindi muna ako pinapatawag ni Mama sa pinas. Tsaka na grounded akong nung last nating call at sinabi ko doon na hindi na ako makaka pag call diba. Nakalimutan mo na ba?" nakalabi nya na ring ani.

Umiling ako. "Hindi ko nakalimutan at tsaka grounded ka ba ng tatlong taon para hindi ako contakin! Alam mo namang mamimiss at mamimiss kita diba kahit hindi ko man sabihin." pagtatampo ko parin.

"Pero atleast andito na'ko... diba?" makahulugan nyang ani habang nakangisi.

Kaya hindi ko rin mapigilang mapangisi. "Kyaaaaah! Namiss kitaaaa!" parang bata ko ulit na sigaw at yinakap sya.

Cousin's with Benefits [BXB] [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon