3

19 2 0
                                    


Maagang pumasok sa paaralan si Mika na may ngiti sa kaniyang mga labi.


Ngayon ang araw na pinakakahintay niya dahil ngayon malalaman kung siya ba ay kasama sa magaganap na school camp.


Ngayon ang araw na kung saan ilalabas ng paaralan  ang resulta ng mga estudyanteng napili upang makasama sa Iba Zambales.


Ang Iba Zambales ay pinanabikan ng mararaming mag-aaral dahil sa ganda at saya na maidudulot nito kung ikaw ay isa sa mga makakasama.


Pagpasok pa lang ni Mika sa kaniyang klasrom binati niya ang kaniyang mga kaibigan maging ang kaniyang mga mag-aaral.


Masaya ang buong klasrom at lahat kinakabahan kung sino ang mapipili ganun pa man lahat ay natutuwa.


Kan'ya kan'yang ingay at kwentohan ang bawat isa.


Merong naguusap kung ano ang dadalhin katulad ng mga pagkain, meron naman pinaguusapan kung sino ang mga makakasa at kung anong mangyayari sa Iba Zambales.


Ilang sandali pa lang ay pumasok na ang kanilang guro.


“Magandang umaga po Ginang Martha.” Bati ng bawat estudyante sa ginang.


“Magandang umaga. Maaari na kayong maupo.” Nakangiti naming balik bati ng ginang.


Naupo ang lahat maliban sa ginang na nanatiling nakatayo at nakangiti sa bawat estudyante.


“Alam kong excited kayong lahat kung sino sino ang aming napili kaya hindi ko na ito patatagalin…” 


Lahat ay naghiyawan sa sinabi ng kanilang guro at bawat isa makikita ang saya sa kanilang mukha at ang tension na mararamdaman sa loob ng klasrom.


“Meron tayong tatlong lalaki na makakasama at tatlo ring babae na mapapalad. Ang bawat makakasama ay magkakaroon ng kanilang review batay sa mangyayari sakanila sa Iba Zambales.”


“Ang makakasama sa Iba Zambales ay sila……


Samuel


Arnel


Luis


Ang tatlong lalaki na makakasama.


Ang mga babae naman ay sila…..


Nichole


Sam


at


Ang kaba na nararamdaman ni Mika ay halos ikalabas na nang kaniyang puso.


Tila may karira sa kaniyang dibdib.


Napapikit ang babae at nananalangin na sana siya ang huling babae na mapipili.


Mika.”


Halos magtatalon ang babae dahil sa tuwa.


“ Samuel, Arnel, Luis, Nichole, Sam and Mika bukas ay inaasahan na makakarating kayo rito sa ganap ng 6 ng umaga. Dito muna kayo magkikita kita sa room at susunduin ko kayo para sa mga announcement at paalala."



“Yes Maam!” sigaw nang anim na estudyante.



Lalong nagdiwang ang damdamin ni Mika dahil sa katotohanang isa siya sa mga napili kaya sa buong maghapon ng klase hinarap niya ang oras na may ngiti sa bawat labi.


Nang uwian ay nagkaroon pa ng meeting ang anim ukol sa magaganap bukas.


Pagkauwing pagkauwi ni Mika, sa pintuan pa lang ng kanilang bahay ay masaya na niyang tinatawag ang kaniyang ina upang ibalita na isa siya sa mga napili.


“Mommy! Mommy! Mommy!”


Kinakabahan naman ang ginang na humarap sa kaniyang anak ngunit ng makita ang saya sa mukha nito lahat ng kaba at takot ay nawala.


“Anong magandang balita ng aking munting prinsesa?” nakangiting tanong ng ginang.


“Mommy! Isa po ako sa napili. Isa po ako sa kasama sa Iba Zambales ang saya ko po!” halos magtatalon sa tuwa si Mika ng sambitin niya ito.


Nang gabi ring iyon, masayang tinulungan ng ginang ang kaniyang anak sa paghahanda ng mga gamit ni Mika.

Maging ang mga susuotin at pagkain na babaunin.

Alas kwatro pa lang ng umaga gising na ang ginang upang maipaghanda ang anak nang kakainin maging ang pagaasikaso rito kaya ng tumunog ang alarm clock ay ginising na niya si Mika upang magasikaso.



















Itutuloy....

BUS 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon