10

9 2 0
                                    



Nairaos nila ang saya ng gabing iyon, sobra pa sa ini-expect nila Mika.


Lahat ay nagagalak sa mga kaganapan, ni hindi na nga nila gusto matulog ngunit pagod ang lahat at kailangan nilang magising ng umaga kinabukasan kaya alas dyes palang ay pinatulog na sila.


Magkakaiba ang dorm ng lalaki sa dorm ng mga babae. Kaya kahit sa ibang school ay kasa kasama nila matulog sa isang rest house na kung saan, marami namang higaan.


Hindi rin naman maiiwasan na may makilala silang iba at magkakaroon sila ng mga bagong kaibigan.



Kinabukasan maagang nagising ang lahat, meron nang naligo kahit malamig ang tubig, meron naman ng nagkakape.



Lahat ay excited sa mangyayari sa ikalawang araw nila.


Si Mika ay nag-asikaso na rin. Naligo at nag-ayos.



Sa agahan magkakasabay sila magkakaklase. Naroon pa rin ang kulitan at tawanan, ni hindi na nga maramdaman ni Mika ang pelay n’ya dahil kagabi palang ay maayos na ito.



Pagsilay palang ng araw nagsimula na ang unang laro. Ang tumakbo para sa kanilang ehersesyo.


Pangalawang laro ay team work. Kung saan hahanapin nila ang kani-kanilang flag, may iba ibang kulay ng flag depende sa kung anong kulay ang naka-asign sa kanila.


Iba iba ang magkakagrupo kaya ang iba ay nahihiwalay sa kanilang mga kaklase at ang iba naman ay nagkakaroon ng mga bagong kaibigan.


Pangatlo nilang ginawa ay ang volleyball na kung saan malaking bola ang gamit nila.


Kailangan nilang ipasa ang bola sa kabila ng hindi nahuhulog, na sa sobrang laki nito ay napakahirap ngunit nagging masaya.


Pang-apat naman ay kung saan sasakay sila sa bike ngunit tatawid sila sa ilog na may maliit na tulay doon dadaan ang bike.


Ito naman ay pili lang ang mga pinili, kung sino lang ang malalakas ang loob o kaya ang gustong sumubok. Safe naman ang laro ngunit talagang napakahirap lalo kung napakaliit lang ng dadaanan at magalaw pa.



Marami pang nagging laro para sa umaga na ‘yun, pero ang panghuli nilang laro ay kung saan magpupuno sila ng tubig sa drum na malaki gamit ang mga tabong malilit, hindi lang 'yun dahil kailangan nilang dumaan sa mga pagsubok para makapunta lang sa drum.


Masaya ang nagging laro lalo na nang nagbasaan na ang mga bata at binabasa na rin sila ng truck na may kargang tubig.


Isa sa mga karanasang hindi makakalimutan ni Mika.



Naging memorable ito para sa kaniya at nadagdagan pa ang kaniyang mga kaibigan.


Pagkatapos ng laro ay saka naman nag-asikaso ang lahat para maligo o magpalit ng damit na nabasa.




Matapos ay nagpunta sa canteen para kumain.



Sa hapagkainan hindi inaasahan ni Mika na nasa table rin nila sila Rhy at mga kaibigan nito.




Nahuli kasi sa pagkuha ng pagkain si Mika kaya huli na siya nakapwesto, talagang nireserbahan pa s’ya nila Nichole at Sam para magkasabay sabay silang magkakaklase kumain.



Hindi nga lang alam ni Mika kung sadya ba ito o nagkataon lang.















Itutuloy.....

BUS 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon