Nang tumigil ang bus sa bus stop nagkaniya kaniyang baba ang mga estudyante.

Merong mga nag-CR, meron namang bumili ng mga pagkain at meron ring kumain.


NagCR ang tatlong babae na sila Mika, Sam, at Nichole.


Sa paglabas nila ng matapat sila sa pintuan ng CR ng boys ay siya ring paglabas ng grupo ni Rhy.



Hindi napansin ng tatlong babae lalo na si Mika kaya nabangga siya sa isang bulto ng lalaki hanggang sa napaupo siya sa sahig.


Ramdam ni Mika ang pagsakit ng kaniyang pang-upo maging ang pagkasakit ng paa sa biglaang pagbagsak.


“Hala! Mika! Ayos ka lang girl?”


“Mika ayos ka lang?”


Tanong ng dalawang babae na kasama ni Mika ngunit isa man sa kanila ay hindi niya nasagot dahil sa sakit ng pang-upo niya at paa.


“Ayos ka lang ba? Tulungan na kitang tumayo.” Pagsasalita naman ng lalaki, kaya napaangat ang tingin ni Mika at saka niya nakita ang mukha ni Rhy na halos ilang pulgadang pagitan na lang kalayo sa mukha niya.


Nagpabilis tuloy ito sa takbo ng puso ni Mika.


“Sorry, hindi kita napansin.” Paghingi ng paumanhin ni Rhy.


“Ayos lang.” sagot ni Mika.


Sinubukang tumayo ni Mika, tinulungan siya ni Rhy, nila Sam at Nichole. Kaso sa sobrang sakit ng Paa at pang-upo nito ay muli lang napaupo sa lapag si Mika.


“Anong masakit sayo Mika?” tanong ni Nichole.


“May masakit ba sayo? Saan?” tanong naman ni Rhy na kakakitaan talaga ng pagaalala sa mukha.


“Masakit paa ko.” Sagot ni Mika kahit na kasama ang pang-upo niya sa masakit, paa lang ang sinabi niya dahil nahihiya siyang sabiin ito sa harap ni Rhy.


“Halika.” Umupo ang lalaki at tumalikod sa kaniya, saka nito pinat ang kaniyang likod.


“Sakay ka na lang sa likod ko ihahatid kita sa bus.” Dagdag pa nito.


Wala namang pagaalinlangang sumunod si Mika sa sinabi ni Rhy.



Sumakay ito sa likod ni Rhy pasapan, tinulungan sila ng mga kaibigan ni Rhy.


Sino ba naman si Mika para tumanggi pa. Si Rhy na mismo ang nag-alok.
Masakit man ang kaniyang pang-upo at paa ngunit mas nangingibabaw ang kaba ni Mika lalo na ngayon na hindi lang malapit sakaniya si Rhy kundi magkadikit ang kanilang balat.



Isa sa mga panalangin ni Mika na sana manatili na lang sa ganun ang ayos na nila at hindi na matapos ang oras na iyon.


Naging tampulan tuloy sila ng mga estudyante, ngayong buhat buhat ni Rhy si Mika at patungo sa kanilang Bus.


Dahil sa tampulan mas lalong bumibilis ang takbo ng puso ni Mika.


Alam niyang nararamdaman ito ni Rhy dahil hindi nakatakas sa kaniya ang pag-ngisi ng lalaki at ang pag-iling nito.


Napatago tuloy si Mika sa likod ni Rhy.
“YIEEEEE!”- tukso sa kanila.




















Itutuloy....

BUS 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon