Nang malapit na sila sa Bus si Ginang Martha agad ang sumalubong sa kanila.


“Anong nangyari?” pagaalalang tanong ng guro.


“Nabangga ko po si Mika maam Martha.” Sagot ni Rhy.


Natuwa naman ang kalooban ni Mika hindi dahil sa sinabi ng lalaki kundi dahil sa katotohanang alam ni Rhy ang kaniyang pangalan.


“Ayos ka lang ba Mika?” tanong ng ginang sakaniya.


“Ayos lang po maam. Masakit lang po ang paa ko dahil sa pagkabagsak. Aayos rin po ito mamaya.” Pagpapaliwanang ni Mika.


“Mabuti kung ganun. Sige na Rhy, ihatid mo na si Mika sa loob, sa upuan nila upang matawag ko na ang iba at ng makaalis na tayo.”


“Opo maam.”


Hirap man sa pagkakapasan kay Mika ay naihatid pa rin ito ng maayos.


“Salamat.” Pagpapasalamat ni Mika nang siya ay maiupo ni Rhy sa kaniyang pwestong upuan.


“Pasensya na rin.” Sagot ni Rhy.


“Hindi ayos lang, kasalanan ko naman. Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko.”


Ngumiti na lang ang binata bilang sagot. “Mauna na ako.” Huling salita na binanggit nito at tuluyan na ngang umalis.


Sinundan pa ni Mika ng tingin si Rhy hanggang makarating sa mga kaibigan nito at makaupo.


Siya namang pagdating ng kaniyang mga kaklase.


“Ang sweet ni Rhy noh.” Nichole.


“At may pagsapan pa! Ang haba ng buhok ni Mika noh! Hahaha” sabay na natawa ang dalawa.


“Sira, tinulungan lang naman ako.” Ani ni Mika.


“Yieeeee!!! sana all!”


“Hoy! Ano ba kayo! Marinig kayo n’yan eh, mamaya ano pang sabihin.” Pagsaway ni Mika sa dalawa ngunit mas lalo lamang kinilig ang dalawang babae at talagang tinutukso tukso pa siya.


Lahat ay muli ng nakabalik at muli ng bumiyahe patungo sa Iba Zambales.


Hapon na nang marating nila ang Iba Zambales. Lahat ng pagod sa byahe ay napalitan ng tuwa at pagkagalak.


Lahat ay kakakitaan ng lalong pagkagalak sa mukha.


Nang huminto ang Bus ay isa isa nang bumaba ang mga estudyante kasama ang kanilang gamit.


Inaayos na ni Mika ang kaniyang gamit at ng sinubukan niyang tumayo ramdam pa rin niya ang sakit sa kaniyang paa.


“Kaya mo bang maglakad Mika?” tanong ni Nichole ng makita ang kalagayan ni Mika.


“Kaya naman ata, medyo masakit pa kasi.” nakanguso namang ani ni Mika.


“Ako na lang magdadala nitong bag mo.” Presenta naman ni Sam na hindi rin makatiis sa hitsura ngayon ni Mika.


“Nakakahiya naman.”


“Ano ka ba! Huwag kang mahiya ako lang to!” Sabay na natawa ang tatlo dahil sa biro ni Sam.


“Salamat.”


“Ano kaya mong bumaba?” muling tanong ni Nichole.


Ngumiti naman si Mika. “Kailanagang kayanin kesa naman maiwan ako ditto.” Sinabayan niya pa ng tawa upang maipalabas itong biro.

















Itutuloy.....

BUS 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon