“Oh, Rhy sakto lang ang dating mo, paalis na rin tayo.”
“Pasensya na maam nahuli po ako.”
“Ayos lang maupo ka na.”
Mula ng makita ni Mika ang mukha ng lalaki talagang nawala ang pagkainis nito.
Napalitan ng pagkamangha at kasiyahan.
‘Ang gwapo!’Turan ng isip ni Mika.
Lalo pang namangha si Mika ng lumakad ang lalaki.
Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki, sa hindi inaasahan napatingin rin ang lalaki kay Mika at hindi na nagawang umiwas ng babae dahil para itong nagslow motion sa harap niya.
Tila ba ang lalaki na lang ang nakikita niya at parang nawala na ang tao sa paligid nila.
Lalong naramdaman ni Mika ang paghuhuramintado ng kaniyang dibdib nang ngumiti ang lalaki sa kan'ya.
Ngiti na kahit sinong babae ay talagang mahuhumaling.
Sa gulat ay di na nakaimik si Mika hanggang sa nawala ang lalaki sa harap niya.
“Ang gwapo talaga ni Rhy.”
Doon lamang natauhan si Mika ng marinig ang boses ng kaniyang katabi.
Kaya humarap ito sa katabi at saka nagtanong.
“Kilala mo ‘yun?”
“Oo naman! Halos lahat ng school mate natin nakakakilala kay Rhy.”
Tila proud pang sagot ng kaniyang katabi.
“Pero ako hindi.” Bulong ni Mika sa kaniyang sarili.
Ngayon lamang narinig ni Mika ang pangalang Rhy. Hindi naman siya introvert, sad'yang pili lang ang nagiging kaibigan niya.
Lumingon si Mika sa bahagi ng likalurang bus doon nakita niya ang nagngangalang Rhy na kapwa nakikipagtawanan sa mga kaklase nito.
Sa kabilang banda ng nakita ni Mika ang ngiti ng lalaki, natutuwa rin siya, tila nakakadala ang tawa nito.
“Alam mo bang marami ang nagkaka-crush kay Rhy? Ang gwapo niya kasi.”
Napaayos ng upo si Mika at muling ibinak ang tingin sa harap.
'Hindi na kataka taka kung maraming magkakagusto sakaniya. Sa hitsura niyang ‘yun lahat ata ay mabibighani kahit lalaki. Siguro ang mga katulad niya, na may magagandang mukha rin ang kaniyang tipo. ' sa isip ni Mika.
“Tama ka, gwapo nga siya. “
“Uhuh, bukod sa gwapo alam mo bang sobrang talino rin n’yan. Basketball player pa.” pagbibida naman ni Sam.
Nakikinig na rin pala sa usapan nila.“Hindi lang ‘yun!” pagsasalita ni Nichole saka yumuko, kaya napayuko rin sila Mika at Sam. “Mayaman rin sila.” Dagdag na bulong ni Nichole habang kinikilig.
Muling napalingon si Mika sa likuran kung nasaan ang lalaki kaso muling nabalik lamang sa harapan dahil sa sobrang gulat niya na nakatingin pala sakaniya si Rhy.
Halos makagat tuloy ni Mika ang kaniyang labi dahil sa pagkahiya.
“Maghanda na kayo, tayo ay aalis na.” anunsyo ng ginang.
Muli na lang ibinalik ni Mika ang kaniyang atensyon sa kaalamang sila ay aalis na.
Hindi nga nagtagal bawat bus ay nagsialisan na at dahil sila ang huling bus ay sila rin ang nahuling bumiyahe.
Sa byahe ay may kaniya kaniyang ingay ang bawat estudyante.
Usapan na kaperehas lamang sa kung ano ang inaasahan nila at kung ano ano ang kanilang mga dala.
Bawat isa makikitaan ng saya at excitement. Ang iba ay tinitignan ang bawat paligid na makikitaan ng kamanghaan.
Itutuloy.....