6

11 2 0
                                    



Nang nasa gitna na nang byahe ay nagsalita ang isa pang guro na kasamali nila.


“Dahil malayo pa naman tayo. Gusto n'yo bang maglaro muna tayo?”


Bawat isa ay naghiyawan dahil sa anuns'yong iyon lahat ay nagagalak, maski si Mika ay hindi na makapaghintay upang sumali.


May isang babae ang nagtaas ng kamay.


“Maam ano naman pong laro?”


Natawa naman ang guro ngunit sinagot rin ang bata.


“Syempre unahin muna natin ang pinakasikat na laro.”


Lahat ay nagtaka at tila di-mawari ang sinabi ng guro.


“Ang walang kasawaang bring me.” Pagsagot naman ni Gng Martha.


Ang iba ay natawa ang iba naman ay kinabahan ngunit lahat ay masaya.


“Maam!” sigaw ng isang estudyante, nakataas pa ang kamay nito kaya lahat ay napatingin sakaniya.


Hindi tuloy nakaiwas sa paningin ni Mika si Rhy na katabi lang pala ng lalaking sumigaw.


“Yes?” sagot na tanong nang guro.


“Ano naman pong price maam?” muli pang tanong ng lalaki.


“Dahil nga importante ang pagkaiin ngayon, ang ibibigay sa mananalo ay pagkain.”


Lahat ay naghiyawan dahil sa balita ng guro.


Nang nagsimula ang laro iilan lang ang nakisali ngunit ng tumagal halos lahat ay nakikisali na.

Hanggang napunta ang laro sa bawat litra na bibigyan ng pangalan. Katulad ng letrang A, lahat ng nagsisimula sa A mapabagay man 'yan o tao, maski lugar.


Nasa litrang R na nang magsasalita si Mika, sa sobrang kaba ang nasabi niya ay “RHY”

Lahat ay tinukso si Mika maging si Rhy.

Naging center tuloy sila ng asaran kaya si Mika ay hiyang hiya na para ng kamatis sa sobrang pagkapula.


“Ikaw ha! May pagtingin ka pala kay Rhy ha.” Tukso sa kaniya ni Nichole.


“Crush mo siya noh!” pang gagatong naman ni Sam.


“Ayieeeeee si Mika!!! May lihim na pagtingin.” Asar naman ng mga kaklase ni Mika.


Kung maaari lang maglaho ay naglaho na sana si Mika sa sobra n’yang pagkakapahiya.


‘Bakit naman kasi sa dinami rami ng pwedeng banggitin pangalan pa ni Rhy!’


‘Nakakahiya ka Mika sa ginagawa mo! Nakakahiya ang sinabi mo!’


Nagtatalo pa ang isip ni Mika ng magsalita si Rhy.


“Huwag ninyong asarin si ate, Baka hindi naman ako Rhy ang tinutukoy n’ya baka ibang Rhy ‘yun.”


Napalingon si Mika sa pwesto ni Rhy, hindi n’ya alam kung matutuwa ba s’ya sa sinabi ng lalaki o masasaktan dahil hindi niya tanggap ang sinabi nito at the same time, iniligtas siya nito.


Dahil ang totoo naman Rhy na binigkas n’ya ay ang Rhy na kasama nila ngayon, ang Rhy na nakasakay sa Bus 18.


“Tama, hindi naman siya ang tinutukoy ko. Ibang Rhy iyon.” Pagsasalita ni Mika sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig ng lahat.


Inalis na ni Mika ang kaniyang paningin kay Rhy at humarap na lang sa guro.


“Oh, tama na’ya. Ituloy na natin ang laro.” Pagsasalita ng isa pang gurong kasama nila.


“Nagdadahilan ka lang doon Mika eh, buti nakatakas ka ha!” bulong ni Nichole.


“Save by the bell ang peg mo girl. Ang taga pagligtas pa ay si Rhy.” Gatong pa ni Sam.


Sabay pa napahagikhik ang dalawa ngunit si Mika nanatili na lang tahimik dahil sa hiya.


Nagtuloy tuloy ang laro kaso hindi na sumali si Mika, Nakikitawa na lang ito at nakikipag cheer sa mga kaklase.


Kahit papaano nawala na ang pagkapahiya n’ya sa nangyari kanina.




















Itutuloy.....

BUS 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon