Ngunit hindi alam ng tatlo ang pababang si Rhy ay narinig ang kanilang usapan kaya napahinto ito upang pakinggan sila. Hanggang sa nagsalita ang lalaki.
“Tulungan na kita sa pagbaba Mika.”
Gulat na napatingin ang tatlong babae kay Rhy.“Hindi na. Kaya ko naman.” Sagot ni Mika.
“Ano ka ba Mika. Magpatulong ka na kay Rhy.” Sabat naman ni Nichole.
“Oo nga. Diba masakit pa ‘yang paa mo.” Panggagatong naman ni Sam.
“Ha… ka-“
Hindi pa ni Mika natatapos ang sasabihin n’ya ng inunahan na ito ni Nichole.
“Sige na Rhy. Kahit pakialalayan na lang si Mika lumabas ng bus.”
Tumango ang lalaki kaya wala nang nagawa si Mika ng alalayan siya ni Rhy palabas ng Bus.
Nakahawak sa bewang ni Mika ang kamay ni Rhy. Ang kamay naman ni Mika ay nakaakbay sa braso ni Rhy.
Paika-ika man ang lakad nila dahil sa paa ni Mika nakaraos naman silang lumabas.
Rinig na rinig rin ni Mika ang pang-aasar ng kaniyang mga kaklase dahil sa hitsura nila ni Rhy.
Kaya ng makababa sila si Mika naman ang una ng umiwas rito.
“Ayos na ako rito.” ani ni Mika ng makapila sila sa pilahan ng kanilang mga grupo.
Hindi pa man nakakasagot si Rhy ay s’ya naming pagdating ni Ginang Martha, nila Sam at Nichole.
“Kamusta na ang paa mo Mika?” tanong ng guro.
“Maa-“ hindi pa man nakakasagot si Mika ng magsalita si Nichole.
“Maam, masakit pa rin po ang paa ni Mika.”
“Oo nga po maam, kaya kailagan n’ya ng aalalay.” Gatong naman ni Sam.
Gusto mang sawayin ni Mika ang dalawa ngunit iniiwasan siya nito ng mga tingin.
“Ganun ba? Gusto mo ipatingin natin ‘yan? May mga health workers naman ata rito.” ani ni Ginang Martha na agad inalmahan ni Mika.
“Hindi na po maam. Aayos na rin po ito mamaya.”
Pinakatitigan ng ginang si Mika ng makitang ayos naman ito saka ito tumango.
"Mabuti naman kong ganun, ayusin ko na muna ang iba. " saka inayos ng ginang ang iba pang estudyante.
Nang nasa pila sila, hindi iniwan ni Rhy si Mika.
Maski sa pagkuha ng kanilang name tag, pagcheck ng gamit at sa muling pagpila magkasama ang dalwa.
Tinutulungan ni Rhy si Mika sa paglalakad at sila Nichole at Sam naman sa gamit.
Kaya ang mga nakakakita sa kanila iba na ang iniisip merong iniisip na mag-jowa sila, meron naman kung nagliligawan ang dalawa at kung ano ano pa.
Ganoon na rin ang mga kaibigan ni Rhy na inaasar ang binata. Kesyo bagay raw sila.
Hindi na lamang ito pinapansin ni Mika. Kaya ng nagsama sama ang lahat sa pinaka event place saka na humiwalay si Rhys at pinilit rin naman ni Mika na sumama ito sa kaniyang mga kaibigan.
Kaya naman na ni Mika at saka ayaw niyang isipin na baka nakukonsensiya lamang si Rhy kaya siya nito tinutulungan.
Nang hapon na iyon, nagsidatingan narin ang ibat ibang school hanggang natapos ang orientation.
Matapos ang orientation saka sila nagtungo sa kanilang mga silid na nakalaan at muling bumalik sa kwadranggel.
Nang dumating naman ang gabi binigyan sila ng pagkain at saka sila nanood ng maikling palabas.
Sa gabi ring iyon nang may magshare ng testimony karamihan ay umiyak at ng sa matapos ang gabi saka nila naranasan ang magparty party kasabay ng maingay na tugtugin.
Itutuloy.......