Masiglang gumising si Mika at nagasikaso na may ngiti sa labi nito.
Sa hapagkainan ay maganang kumain, maging sa pagligo ay may pagkanta kanta pa ito.
Nang makapag-asikaso at makabihis hinatid pa ng ginang si Mika sa paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng anak.
Pagdating sa paaralan nakita ni Mika na siya na lamang ang hinihintay ng kaniyang mga kaklase.
“Magandang umaga!’ bati ni Mika.
“Magandang umaga rin!” bati naman ng mga kaklase nito.
Dumating si Ginang Martha at sinabi niya ang mga dapat gawin at paalala sa bawat magaaral na kasama.
“Natutuwa akong nakasama kayong anim. Pakatandaan niyo ang aking mga bilin, kahit pa kasama ako mabuting alam na ninyo ang mga dapat at hindi dapat gawin.”
“OPO!” sagot ng anim na bata.
Nagtungo na sila Mika sa bus na kanilang sasakyan kasama si Ginang Martha na siyang naka-asign sa kanilang lakad.
Ang pinakapunong guro na mangangalaga at mamamahala sa mga batang makakasama nito.
“18 … Bus 18 pala tayo.” Wika ni Mika.
“Oo Mika! Sobra akong natutuwa sa lakad na ito!” sambit ni Sam.
“Kami rin!” sagot naman ng iba.
Masayang pumasok sa Bus ang anim at umupo sa harapan dahil sila ang section na naunang dumating.
Sa kaliwa ang babae at sa kanan naman ang mga lalaki.
Hindi rin katagalan, nagsidatingan rin ang ibang section.
Bawat pagpasok ng mga estudyante ay pinananabikan ito ni Mika.
Talagang tinitignan niya ang dumadaan at hindi inaalisan ng tingin hanggat hindi nakakaupo dahil siya ay nakaupo sa gilig kung saan ang daanan ng bawat papasok.
Ang kaniyang kamag-aral na si Sam ang nasa tapat ng bintana nakaupo, si Nichole naman ang nasa gitna.
Ang kanilang upuan ay kas'ya ang tatluhan na kung saan, tatlo sa kanan at tatlo rin sa kaliwa.
“Narito na ba ang lahat?” tanong ni Ginang Martha.
Lalong nanabik si Mika sa kaalamang ilang sandali na lang ay maaari na silang bumiyahe.
“Maam! Wala pa po si Rhy!” sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ng bus.
Hindi tuloy napigilan ni Mika mapalingon roon at maiikot ang kaniyang mata.
‘Bakit wala pa? Paimportante agad?’ pagtataray sa isip ni Mika.
“Nasaan na ba si Rhy?” nakakunot noong tanong ng guro.
“Maam, malapit na daw po sila. May dinaanan pa po kasi.” Sagot naman ng lalaki.
“Sige hintayin na lang natin siya. Pero habang naghihintay tayo kay Rhy mag- attendance na lang muna tayo.”
Lahat ay masayang sumagot sa Ginang ng tinawag ang bawat pangalan nila.
Sakto lamang ng matapos ang ginang sa paga-attendance ng may isang lalaking nagmamadaling pumasok sa bus at hinihingal pa ito.
Itutuloy....