"UNFAMILIAR FEELING" (part 2)

21 1 2
                                    

"mukhang masaya ka ata,kanina ka pa nakangiti oh...hindi ba nangangalay yang mga labi mo? Hindi na napigilan ni Abby ang magtanung. Pansin ko rin ang kanina pa nitong nakakunot na noo.

"Hahahaha..wag mo ngang pakunutin yang noo mo..hindi na magbabago yan malapad pa rin yan..bwahahaha,"
Pang-aasar ko.

Ang totoo,hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin kay Abby ang namamagitan samin ni Athena, o samin na lang yun.

"Ano?!..wag mong inaano tong noo ko ah  hindi ka inaano nito...." umirap ito sabay baling sa notebook niya.

Tumingin ako sa harapan at tanging likod lang ni Athena ang nakikita ko.
Dodukdok na sana ako sa armchair nang may maisipan ako.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa likuran ni Athena sabay bulong ng...."Paglumingon ka,akin ka,"

Tutok ako sa pag-antay ng paglingon ni Athena.

"A.SA.KA," bulong ni Abby.
Napaayos ako ng upo at kunwaring walang narinig.

Kung alam mo lang sana Abby....

Napangiti ako nang maalala na namn ang nangyari kahapon.Hindi pa rin mawala ang kakaibang kiliti sa tiyan ko.Parang
panaginip lang lahat. Isang magandang panaginip.

Hindi ko namalayan,breaktime na pala....as usual,kanya-kanya nang labasan ang mga kaklase ko.

"C'mon Jade,"pag-aya ni Abby.
Tsaka ko lamang napansin na wala na pala si Athena sa upuan nito.

Isang sandwich lang ang dinampot ko at pagkatapos bayaran ay dumeritso ako sa harap ng pine tree umaasang makikita si Athena.

Inilibot ko ang paningin ko sabay kagat ng sandwich.

Saan na ba yung babaeng yun?

"Miss me already?"

Napaubo ako dahilan para sumiksik ang maliliit na piraso ng sandwich sa ngalangala ko.

As in...nasa ilong ko na

Agad namang nag-abot si Athena ng isang bote ng tubig.

"May tissue ka ba jan ?"
Sa halip na sumagot ay tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"Penge ako....may sumiksik kasi sa ngalangala ko... " ngumiti ako ng malawak sa kanya.

"Gross...," habang abala siya sa paghagilap ng tissue sa bulsa niya ay sakto rin ang pag-tawag sakin ni Abby.

"Balik na tayo sa room?," malambing na tanung ni Abby.

Pansin ko ang pagtigil ni Athena na nasa likuran ni Abby.Tumingin ito ng deritso sa mga mata ko...na para bang may sinasabing babala.

"Ah-Ahmmm.....wait lang...kailangan ko kasi ng tissue," pagdadahilan ko kay Abby.

Bumaling ako kay Athena na nakatayo lang na parang nanunuod ng boring na palabas.

"Tissue?..right..meron ako dito...,"
Inabot sakin ni Abby ang tissue ang siya namng talikod ni Athena.

"Wait Athena!...,"

Lumingon ito sabay sabi ng..."Mauna na ako..total may tissue ka na,"

Akmang susundan ko na siya ng pigilan ako ni Abby.

"Is there something between you and Athena?" seryosong tanung niya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Huminga ako ng malalim at inisip kung alin ba ang una kong sasabihin, ang nangyare sa amin ni Athena, or ang malabo naming relasyon...i mean wala pa kaming label so wala pa talagang "kami"

Pero parang kakampi ko ata ang tadhana at timing tumunog ang bell.
Hudyat na... breaktime is over.

"Never mind, mukha rin namng wala kang balak sabihin sakin,"

Nagdulot na kunting kirot sa puso ko ang sinabing yun ni Abby.

Naiwan akong nakatayo habang si Abby naman ay naglalakad papasok ng classroom.

Kailangan ko munang makausap si Athena,bago ko sabihin lahat kay Abby.





5:30 p.m

"Hindi,wag na pa...magpahinga ka na lang jan...maglalakad na lang po ako,"
Palusot ko kay papa nang tumawag ito upang itanung kung susunduin na ba niya ako.

Isa-isa ko nang binitbit ang libro at nagsimula ng maglakad palabas ng classroom.

Nauna na ring umuwi si Abby na hindi man lang kumibo sakin buong maghapon.

May ilang estudyante pa ang  nakikita ko sa campus.Siguro sila yung mga officers ng club or kabilang sa SSG na busy lagi.

Nahinto ang paningin ko sa babaeng nakatalikod at may kausap  na lalaki.

Athena...


Naglakad ako papalapit sa deriksyon nila at walang sabi-sabing hinila ang braso ni Athena.

"Wtf?!...malakas na wika nito.
Binawi niya ang braso niya at akmang babalik doon sa lalaking kausap niya kanina.Pero bago pa siya makahakbang ay pinigilan ko na ang mga kamay niya.

"Let's talk," naging sapat ang salitang yun para mapatigil si Athena at humarap sakin.

"Wag dito,"

Ilang minuto ang nilakad namin ni Athena bago marating ang tinatawag niyang santulan.
May bench mismo sa ilalim ng punong santol.

Kaya naman pala santulan ang tawag nila dito dahil marami palang puno ng santol nakapalibot dito....
Tskk malamang ...alangan namang mangga eh santulan nga dba?..vovo ka self?

Naupo ako sa bench dahil napagod ako sa mahabang lakaran naming dalawa.
Ilang kilometro rin kasi ang layo ng lugar nato sa mismong school namin.
Bago pa marating to,kailangan munang dumaan sa tulay.

"Gusto mo ba ako?," biglang tanung ni Athena. Nanlaki mata ko nang makitang wala manlang kareareaksyon ang mukha niya.

"Ako ba gusto mo?" tanung ko pabalik sa kanya.
"K-kasi ako oo......gusto kita Athena,"

Napatitig ako sa mga mata niya.Umaasang doon ko makikita ang mga sagot na nais kong matanggap.

Napasandal ako sa bench at deritsong tumingin sa puno ng santol sa harapan nang walang matanggap na salita mula sa kanya.

"First day of school pa lang.....

"Gusto rin kita,"
Pagputol sakin ni Athena.

Dahan-dahan akong lumingon sakanya at iniisip kung tama ba ang narinig ko.

Dugdug.dugdug.dugdug.dugdug...

"Y-you mean....?tayo na? girlfriend na kita?...

Tumango si Athena at siya namang lundag ko.

Hinila ko ang mga kamay niya niyakap siya ng mahigpit.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Pagmamay-ari ko na si Athena.

"Thank you....,"
Isang ngiti lang ang iginanti niya pero isang libong paru-paro sa tiyan ko ang naging dulot nun.


Madilim na nang napagdesisyonan naming umuwi dahil wala na ring masasakyan.
Sulit ang mahabang lakaran na yun dahil mahaba din ang oras na nakasama ko siya.

Hanggang sa bahay ay hindi pa rin mawala wala ang ngiti na pati ang papa ko ay naweweirduhan na rin sakin.










*comment na lang kung gusto mg part 3 hahaha
















one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon