"CRUSH"

24 3 0
                                    

"Dalian mo naaa!!"
muntik na akong matumba dahil sa lakas ng tulak ng bestfriend ko.

"Putek kinakabahan nga kasi ako!"

"Kinakabahan? Ikaw? Hahahahaha seryoso ka?,"
I rolled my eyes at chineck ang love letter na hawak ko.

Okay, explain ko lang ng mabilis.
I'm planning to confess my feelings to my crush.
Para magawa yun,sinama ko bestfriend ko which turns out to be a bad idea.

"OKAY,it's now or never.....kaya ko to!"

I know it's kinda weird and like 'ew, coz' i'm the one to confess but I don't mind.

Tinanaw ko sa huling beses ang crush ko.
Ang tindig nito,at ang ayos ng uniporme ang nagbibigay lakas ng loob sakin.

"Bes,pagkatapos kong gawin to ......sana...bestfriend pa rin kita ah,"

Dahan dahan akong lumingon sa likod nang wala akong matanggap na sagot mula sa magaling kong bestfriend.
Nakita ko na lang itong tumatakbo pabalik sa classroom namin.

/facepalm

Gago ka talaga kahit kailan Jonah

Naalerto ako ng magsimulang maglakad si crush papuntang gate.
Kaya walang pagdadalawang isip ko siyang hinabol.

"Wait !!",

Hawak ang dalawang tuhod kong hinahabol ang hininga.

Shuta, ilang hakbang niya pa lang yun hiningal na agad ako.

Ilang segundo rin ang lumipas nang mapagdesisyonan kong sabihin ang pakay ko. Besides kanina pa hindi gumagalaw tong lalaki sa harap ko .
Hindi man lang naisipang humarap sakin.

Umayos ako ng tayo at dalawang kamay na hinawakan ang love letter.
Pumikit ako bago sabihin ang mga katagang....

"Crush kita!!"

Shemsss lupa,lamunin mo na ako now na.

Kita ko ang dahan dahang paggalaw ng mga paa ng lalaking nasa harap ko.
Nanlaki ang mata ko nang marealize kong mali ang taong nasabihan ko ng feelings.

Ayyy putek w-wrong send.

"Wtf! Ikaw?!"

Bulalas ko dahil ang lalaking kaharap ko ay ang mortal kong kaaway.

He smirked, just then i realized kung anong kagagahan ang nagawa ko.

"Crush mo ako? Hahaha...sabi ko na nga ba eh..."
Nag-init ang mga pisngi ko sa kahihiyan.
Hindi ko namn pwedeng sabihin kung sino dapat yun baka mabuking ako.

"Oi gago,hindi ikaw yun! Namali lang ako!.....tsaka...bakit ba kasi nagpalit ka ng kulay ng buhok mo ah!"

Pilit kong tinatago ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Umasta akong matapang kahit ang totoo gusto ko nang tumakbo at ngumawa pero dahil itong gunggong na to ang kaharap ko,syempre hindi ako papatalo.

"I changed it,kasi isa sa rules ng school ang no other hair color allowed ..dimwit"
Sabay duro ng hintuturo niya sa noo ko.

"Wow, ngayon ka pa nagpalit.... .baka nakakalimutan mong three years kang pumapasok sa school ng blonde ang buhok......and baka nakakalimutan mong matigas ulo mo kasi papa mo ang principal natin dito!!"
I don't care kung lumalaki na ang butas ng ilong ko. Gusto ko lang talagang ilabas ang galit ko.
Si Jake talaga dapat yun. May beloved Jake .

one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon