UNFAMILIAR FEELING (PART 3)

11 1 2
                                    

"Sorry nalate ako,dinaan ko pa kasi sa laundry ang uniform na gagamitin ni papa bukas,"
Isinabit ko sa gilid ng upuan ang chest bag ko at umupo.

"Okay lang,30 minutes lang naman akong nag-antay eh," wika ni Abby pagkatapos ilapag ang tasa sa lamesa.
Dahan-dahan siyang kumuha ng tissue at nagpunas ng labi.

"Sunday ngayon,pero tumawag ka para makipag-usap sakin...ano ba yun,"

Sumenyas si Abby sa waiter at agad naman itong lumapit.

"Espresso,right?,"
tanung nito sakin.Tumango lang ako bilang tugon.

"Ow,pakisamahan na rin ng two cinnamon bun" habol niya sa waiter.

Nag thank you ang waiter at agad ding umalis.

Napako ang tingin ko kay Abby,malaki na ang pagbabago niya.
Mula ulo hanggang paa,ibang-iba na.

"Parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan natin,"

Napaangat ng tingin si Abby at ibinaba ang cellphone sa tabi.

"Is it something about a guy you're into?," Pabiro kong tanung sabay irap naman ni Abby.

"No,and definitely not about My relationship," maarteng wika nito.

Napahinto kami at inalalayan ang paglagay ng order namin sa table.
Hinintay muna naming tumalikod ang waiter at tyaka namin tinuloy ang usapan.

"Sooo,you mean...wala kang boyfriend kahit ganyan ayos mo?,"
Pagsisimula ko.

"What do you mean?," she raised her eyebrows.

"Hindi ka nagsabi sakin na mag paparebond ka ng buhok,and hindi ka na nagsusuot ng glasses,nakacontact lense ka na for god's sake "
pagtuloy-tuloy ko.

"At bakit ko naman kailangan sabihin sayo lahat ng yan?," seryosong usal ni Abby.

Masakit pala pag ganito ang mga salitang naririnig mo sa taong pinapahalagahan mo.

Halos mag a-apat na taon na rin kaming magkaibigan ni Abby.
At sa pagkakaibigan na yun,wala akong ibang naramdaman kundi ang pagbabago niya at unti-unting paglayo ng loob niya sakin.

"Look,alam ko na ang lahat....
alam ko na ang sainyo ni Athena," dagdag niya.

Pinaghandaan ko 'tong araw na to.
Pinag-isipan ko na rin ang mga salitang aking bibigkasin pag dumating na sa punto na kailangan ko nang magpaliwanag.Pero ngayon,nabablangko utak ko, wala akong masabi.

"And ine-expect mo na sasabihin ko sayo mga plano ko sa sarili ko,eh ikaw nga 'tong mismo nagsesekreto sakin eh,"

Kumunot noo ko sa mga sinabi niya.

"Kung ang paglihim ko lang ng relasyon namin ni Athena ang ikinagalit mo,edi Sorry,"
Ngumiti siya na parang walang kwenta ang pinagsasabi ko.

Magsasalita pa sana ako nang mag-ring ang cellphone ko.

Babe calling...

"Si Athena," sumenyas siya na sagutin ko at tumayo naman ako para sagutin ang tawag.

Dumeritsyo ako sa labas,sa bandang  gilid ng café.

"Babe,kasama mo pa ba si Abby?," bungad ni Athena.

"Yes,why?,"

"After mo jan,punta ka dito sa bahay...nagluto lola ko,"
napangiti ako sa narinig.

one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon