"A little bit psycho"

27 4 1
                                    

"Don't forget your meds Kiara!"

"I won't!!!" i shouted back.

Nagmadali na akong magsuklay ng buhok at isinuot ang black hoodie ko.
I grab my bag and went downstairs.

"Why are covering up yourself honey?"
Agad na tanung sakin ni mommy.
Of course I have to make an excuse.
The truth is my bagong scratches na nmn at pasa sa katawan ko and that is because of my illness.

"Nilalamig po kasi ako," kumunot ang noo ni Dad at agad na inilapat ang likod ng palad sa noo ko.

" Pero wala po akong lagnat ,"
Wala nang nagawa si mommy sa halip ay bumuntong hininga na lamang ito.

"I told you naman kasi Kiara...it's better kung dito ka na lang sa bahay mag-aral. Mag hahire ako ng mas magaling na teache...."

" Mom, you don't have to.
Besides ito rin naman ang recommended ni Dok diba? "

Pinagpatuloy ko ang pagaalmusal kahit ramdam ko pa rin ang titig nilang dalawa sakin.

"Mag-ingat ka Kiara, if alam mong hindi maganda pakiramdam mo, call me right away okay?,"
I nod and smile. Niyakap niya ako at ganun din si Dad.

Dumeritso na ako sa backseat at kumaway sa dalawa.
"Good morning Maam Kiara,"
Naagaw ang atensyon ko ng magiliw na bati ni Kuya Robert. Ang family driver namin.

"Good morning din po,"
Wala nang ibang sinabi si Kuya Robert dahil isa yun sa rules ni Dad.
Tinanaw ko na lang ang labas ng bintana. I lean my head and close my eyes.

Parang bago lahat. Simula nang iconfirm ni Dok na nagiging maayos na ang status ng mental health ko ay naging daan iyon para mag karoon ako ng pag -asa .
Pag-asang mamuhay ng normal at kalimutan ang lahat ng nakaraan.

Naramdaman kong huminto na ang kotse.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay siya namang bilis ng kabog ng puso ko.

You can do this Kiara!

Maraming studyanteng nagmamadali papasok. Isinukbit ko ang bag at akmang bubuksan na ang pinto nang magsalita si Kuya Robert.

"Isa sa gate, at isa naman jan sa harap ng tindahan,"

Agad hinanap ng mata ko ang tinutukoy ni Kuya Robert. Definitely his talking about my bodyguards.

"Just in case,"
Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na.

Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko at ituon ang sarili sa pag lalakad.






Dumeritso agad ako sa classroom..mabuti at wala pang tao sa loob.
Pinili ko ang pinakadulong upuan sa likod malapit sa bintana.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Excited na kinakabahan na parang ewan.

Lumipas ang ilang minuto at dumarami na rin ang mga estudyante.
Kanya kanya na rin silang kwentuhan at tawanan.
Nagiging maingay na ang paligid. Pero ako,heto nakayuko sa sketch pad ko.

Napatigil ako nang maramdamang may umupo sa tabi ko.Pasimple ko itong tiningnan at nagulat ng mapagtantong lalaki ito.

"Good morning class!"
Umayos ako ng upo at mabilis na tinago ang sketch pad sa bag.
___________________________________________

Walang naging problema sa unang araw ng pag-aaral ko.
Walang nakakaalam, walang nakikialam, walang problema.

"Sa unang activity ngayon ay magbabahagi kayo ng mga naranasan nyo o mga madilim na nakaraan na ayaw nyo nang balikan."

one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon