"Pierced"

31 8 0
                                    

"Dre, mamaya daw sa tambayan," tumango na  lang ako kay Dave. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nakasali sa grupo nila. Busy ako sa pagsusulat ng panglimang kabanata ng noli me tangere dahil second subject ang filipino namin at kailangan na talagang ipasa.

Pagkatapos ng klase ay sinukbit ko agad ang bag sa likod at nagmadaling tumungo sa tambayan namin.

Nasa likod ng school ang tambayan namin. Kaya kung minsan ay dito kami pumupunta kapag inaantok kami at napagdesisyonang magcutting.

"Oh ayan na pala si Shastine,"agad kong nilapag ang bag at nakipagfistbump sa kanila.

Kompleto silang lahat...Si Dave, Si Austine ang founder, Si Jester na basagulero, si Mylvine ang tahimik sa grupo at si Jay Clift ang pinakabata samin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang bagong mukha. Bahagyang nakayuko ito at nakaupo sa tabi ni jay clift.

"May bagong ampon ka Austine,?" pabiro kong wika at naupo sa katabing sofa.

"Nagkakilala kami kanina lang, mahabang kwento....basta mula ngayon parte na sya ng grupo,"hindi na muling nagsalita si Austine sa halip ay kumuha sya ng beer at isa isa kaming hinagisan.

Napuno ang hapong yun ng pagpapakilala at biruan.

Hanggang isang gabi, nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag si Jester.

"P-pre,"kinabahan ako ng marinig ang humahangos na boses ni Jester.

"Anong problema?" napatayo ako at hinablot ang jacket na nakasabit sa headboard ng kama at mabilis na tumungo sa tambayan.

Naabutan ko sila Dave,Mylvine,Austine, at Jester na pinupulot ang mga kalat.
May nanloob sa tambayan namin at nanakaw ang ipon ng grupo. Nakakapagtaka dahil kami lamang an  nakakaalam ng kinaroroonan ng pera.

"san si Jay Clift?," mukhang alam na nila Austine ang nasa isip ko dahil napatitig sila sakin at walang binigay na sagot.

"Bukas nalang natin pagusapan to.
Ligpit lang muna natin dito...alas dose na delikado na rin." kalmadong suhestyon ni Dave.

Kinabukasan, pumasok ako ng maaga umaasang makausap ko agad si Jay Clift. Lalong nadagdagan ang pagdududa ko nang malaman sa kaklase niya na absent siya.

Tama nga siguro ang hinala ko, baka siya nga ang nagnakaw .

Breaktime nang magkitakita kami ng grupo sa canteen.

"Duda ko rin pre siya, kasi nung huling araw, naikwento nyang kailangan niya ng pera,"
Pagsasang ayon ni Mylvine pagkatapos kong sabihin ang nasa isip ko.

Buong araw ko iniisip kung ano ang gagawin at sasabihin pag kaharap ko na si Jay Clift.
Malaki ang panghihinayang ko dahil malaki na ang naipon ng grupo. Balak sana namin pangbili ng sariling van iyon. Pero nang dahil sa kasakiman ay hindi na namin magagawa yun .

Dapit hapon na nang magdismiss ng class si Maam Ferrer. Pababa na sana ako ng hagdan nang makita ko ang mama ni Jay Clift. Kausap ang adviser ng anak nito.

Lumapit ako upang itanung sana  kung saan ang anak nya ngunit napagtanto ko na umiiyak ito.

"Please Mrs. Anlap calm down,"
Mahinahong wika ng guro dito habang hinahagod ang likod.

"Hindi katanggap tanggap ang ginawa nila sa anak ko,"bigla akong kinabahan sa narinig ko. Parang may nangyaring masama kay Jay Clift.

"Ano pong nangyare kay Jay Clift tita?" nagulat si Tita sa biglaang pakikisali ko sa usapan nila.
Kita ko sa mata nito ang subrang lungkot. Kitang kita na rin ang itim sa ilalim ng mata nito. Halatang hindi pa natutulog.

one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon