"Bestfriend"

29 8 1
                                    

"Gabb, check mo kung si Nico ba yung nag door bell," dumeritso agad si Gabb sa pinto at tama nga..si Nico nga ang nasa harap ng gate.
Pagpasok ni Nico sa loob ay agad niyang inabot kay Earl ang alak.

It's already 12midnight but were all busy partying together with our batch mates and closest friends.

Kompleto kaming lahat 9 na boys at 5 naman na girls. Nico, Gab and Earl are classmates. Che,Ruby and Shantal are my batch mates and also my friends. Roy is the dj of our school kaya siya ang na assign sa sounds. Sina Peter, Dave , Taylor and Ron are Che's classmates.

"Che, sigurado kang next week pa uuwi parents mo ah,"

" Of course, I'm pretty sure they're busy with their business so.... you guysss should enjoy the party!!!

C'mon!!!"

Kasabay ng malakas na tugtog ay ang pagpalit palit ng kulay ng ilaw.
Hawak ko ang plastic cup na may lamang alak pero hindi ko inisip kung matapon man ito . Hinayaan ko ang sarili na lunurin ng saya. Isinayaw ko ang lahat ng nararamdaman ko.

Napatigil ako nang makaramdam ng hilo.
Lumapit ako sa mesa at inilapag ang baso.

Napatakbo ako sa cr nang maramdaman kong nasusuka ako.

"Naparami ata ako ng inum."

Dumeritso ako sa terrace ng bahay nila Che.
Napapikit ako sa lamig ng hangin.
Ngunit agad ding napamulat ng maramdamang may tao sa likod.

Nagulat ako ng makita si Benedict sa likuran ko.

" What the hell Ben!,"

Nagpakawala siya ng mahinang tawa sa naging reaksyon ko kaya natawa na rin ako.
Lumapit siya at tumayo sa tabi ko.
Tulad ko, ay napapikit din siya siguro dahil sa lamig ng hangin..pero..

" Dalawang taon na,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin sa harap.

"Dalawang taon na mula nang mawala ang  girlfriend ko,"

Ikinuyom ko ang palad ko at inilapat ang mga labi.
Pinipigilan ang sariling maibigkas ang mga salitang matagal nang nakabaon sa utak ko.

" Nakakatawa lang na ang bilis mong kalimutan ang pagkamatay ng Bestfriend mo," hindi ko alam kung ano ba ang gustong sabihin sakin ni Benedict pero alam kong may nalalaman siya.

"What are you trying to say? Na wala akong kwentang kaibigan dahil ambilis kong makapag move on?

Ano gusto mo? Magmukmok ako  sa kwarto at habang buhay ipagluksa ang kamatayan niya?! Ha Benedict!!.


Guilt.
Anger.
Envy.

Naalala ko pa nun kung pano ako nalunod sa inggit sa bestfriend ko. Na naging dahilan ng galit ko sa kanya. Na hanggang ngayon ay pinagdudusahan ko pa. Halos araw araw ako nagsisisi. Kahit na alam kong hindi na siya maiibalik ng mga luha ko.

FLASHBACK.....

"I was so surpriced when coach messaged me and said na bukas pwede na akong magtraining together with the team."

"congrats!"
Niyakap ako ng mahigpit ni Pam.
Pareho naming pangarap ang maging isa sa mga volleyball player ng school.
Sabay pa nga kaming mag try-out.
Pero siya lang ang nakapasok.

Sa aming dalawa di hamak na mas maganda si Pam  kaya naman mas maraming nagkacrush sa kanya kesa sakin.

Kasalukuyan kaming nasa canteen nang mapatili siya habang hawak ang cellphone niya.

"Bes! Waaahhhhh!!!Si Benedict!!!,"

Tinuturo niya pa ang cellphone niya.
Pinabasa niya sakin ang convo nila at confirm,liligawan na siya ni Benedict.

Matagal niya nang crush si Benedict kaya nmn ganun ang tuwa niya ng malamang gusto din siya nito.

"Anong plano mo?"
Tanung ko habang kumakain.

"Ano pa ba, edi sasagutin siya...
Wait..am i dreaming? Kurutin mo nga ako,"

Akmang kukurutin ko na siya ng umilag siya.

"Char lang..hahahaha,"
Napailing na lang ako sa ginagawa niya.

Halos buong araw siya nakangiti.
Na kahit senesermunan siya dahil wala siyang homework ay nakangiti pa rin siya.

Iba na talaga pag inspired.

It's quarter to five nang makauwi ako sa bahay.
Ibinagsak ko ang bag sa kama.
Hinubad ko ang uniform at sapatos.

Nasabunot ko na lang ang sarili ko dahil hindi ako mapakali.
May kung ano ano na naman ang tumatakbo sa isipan ko.

Tumungo ako sa cr at naghilamos.
Napatigil ako at dahan dahang inangat ang paningin at napatitig sa salamin.

Akin si Benedict.
Nasayo na lahat Pam..akin si benedict
Akin!!!

Napapikit ako ng mariin at napasinghap.
Dali dali kong binuksan ang cabinet at dinampot ang gamot ko.

__________________________________________

:
:
:
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang maging magkasintahan sina Benedict at Pam.

Na naging sanhi ng pag iisa ko .
Madalas silang may lakad na hindi ako kasama..

Kinakausap namn ako ni Pam tuwing gabi.
Pilit niyang ipinapaintindi kung bakit hindi niya ako lageng nasasamahan.

At nag aya siya ng sleep over para makabawi.

___________________________________________

"Andito na ako"

sinabi ni Pam na wala sila Tita at Tito dahil may inasikaso lang . Hindi na rin siya nakapag paalam na dito ako matutulog sa bahay nila ngayon.

"Okay lang nmn kila daddy na dito ka ngayon  matutulog. Para may kasama na rin ako,"





Nakadapa kami ngayon sa kama ni Pam at nanonood ng movie na " Nightmare on Elm Street". Tutok na tutok siya sa panonood lalo na pag nasa scene na si Freddie.

Napatayo ako nang tumunog cellphone ko.
Just then I realized na hindi ko dala ang gamot ko nang makita ang reminder sa cellphone ko.
Oras na para uminom ng gamot.
Nag-uumpisa nang bumilis ang tibok ng puso ko.



"Are you okay?"
Napalingon ako sa gawi Pam.

Humakbang ako papalapit dito.

" What's wrong?"

Ramdam kong natatakot na si Pam.
Sa bawat hakbang ko ay siya namang atras nito.

" This isn't funny anymore...
Tigilan na natin to. Ang creepy mo na."

Akmang tatayo na siya ng hablutin ko ang braso niya at itinulak siya sa kama.
Mabilis kung kinuha ang unan at itinakip sa mukha niya.

Sinubukan niyang manlaban ngunit mas lalo ko lamang diniinan ang unan sa mukha niya.

Ilang minuto rin ang lumipas nang mapagtanto kong hindi na siya gumagalaw . Hindi na rin siya humihinga.

Dahan dahan kong tinanggal ang unan at tiningnan ang mukha niya.
Nakadilat pa ang mga mata nito.

Tsaka ko lamang naramdaman ang kaba at takot. Nag simula nang manginig ang mga tuhod ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

___________________________________________

" Malalaman at malalaman din ng lahat ang totoo sa pagkamatay ni Pam,"

Lumakad palayo si Benedict. Napayuko ako at napaisip.




Isang patak ng luha ang dumaloy sa pisngi ko.

" Patawarin moko Pam,"



one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon