Chapter 2

219 7 6
                                    

L & A Clothing Line

Mom, I miss you so much. Hindi man po tayo nagkasama, namimiss ko pa din kayo. Sana hindi na lang kayo nawala ng maaga.

Dad, miss ko na po kayo. Huwag po kayong mag alala, hindi po ako galit sa inyo. Naiintindihan ko po kayo, nagmahal lang po kayo kaya't ibinigay nyo ang lahat para sa babaeng mahal nyo.

Mom, dad, im sorry to disappoint both of you. Hindi ko po sinasadya na mabuntis ng maaga. Like you dad, nagmahal lang po ako. At hindi ko po alam na niloko niya lang ako.

I want my child to have a complete family, mom, dad. Pero ayoko po na lumaki sya na may ama na babaero at baka nga po may ibang pa syang nabuntis at hindi nya lang alam.

We will stay in L.A for good, mom, dad, kaya nandito po ako ngayon para magpaalam. Hindi ko po alam kung kailan ako makakabisita dito sa inyo.

Please guide me and my child. I love you both, mom and dad.

.
.
.
.
.

"A, this is ate Nely, Filipina din. Dati syang kasambahay ng kaibigan ko. Sya ang makakasama mo sa condo habang wala ako"

"Magandang araw po maam"

"Magandang araw din ate Nely"

Itinuro ni Theo kay ate Nely ang magiging kwarto nito bago ako hinarap ni Theo

"Theo, there's no need for that. Kaya ko ang sarili ko"

"I know that A, pero hindi ko hahayaan na mapagod ka lalo na at kapapanganak mo pa lang tapos magtatrabaho ka na. Huwag ka na makulit, A"

"Uwaaaah"

Pareho kaming bumaling ni Theo sa pinangalingan ng ingay at agad kaming nagtungo sa silid

My baby is now awake after a long hour of sleep. Napangiti ako dahil nang nakita ako ay agad niyang inunat ang kanyang munting mga kamay na tila nagpapakarga.

Binuhat ko ang anak ko at isinayaw sayaw.

"Aw, little Matthew misses his mommy"

Its been a year since we left. And its been 5 months since ipinanganak ko si Matthew.

The moment I saw my son, alam ko na agad na kamukhang kamukha niya siya. Tanging labi ko lang ang nakuha ng anak ko. I named my son Matthew James S. Reyes.

Hindi naging madali ang mga unang buwan ko bilang ina. Hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing umiiyak ang anak ko, sabayan pa na nagtatrabaho din ako kahit nasa bahay lang. Pero nalampasan ko ang lahat ng iyon sa tulong ni Theo.

Theo has been a good step brother to me and an uncle to Matthew. Kapag nakakatulog ako ng hindi ko namamalayan ay siya ang nag aasikaso sa anak ko.

Nang nakatulog ang anak ko ay inihiga ko sya sa crib nya na nasa living room ng condo.

"What do you want for dinner? Dito ka na mag dinner"

"Kahit ano, A. Lahat naman ng lutuin mo ay masarap"

"Sus, nambola ka pa. Sige, paki tignan na muna si Matthew. Maghahanda lang ako ng dinner natin"

Ate Nely helped me doing our dinner. Nakapag kuwentuhan na din kami ng iilang bagay patungkol sa kanya.

Sabay sabay kaming tatlo nag dinner. Doon namin ipinagpatuloy ang kuwentuhan. Nakilala din namin ang isa't isa.

"Sigurado ka bang ayaw mong dito na magpalipas ng gabi? May guest room pa naman at malinis iyon"

"Hindi na, A. May kailangan din akong asikasuhin sa condo ko. Text me if there's anything you need. Huwag na kayo lalabas, gabi na."

"Okay. Take care, Theo"

"Kayo din mag ingat kayo, okay? Update me, hmm?"

Tumango ako kay Theo at inihatid sya hanggang sa pinto, ayaw na talaga nya ako palabasin ng condo lalo at gabi na.

Nilinisan ko na ang anak ko at ibinilin muna kay ate Nely habang ako naman ang nag shower.

"Salamat ate Nely. Ako na ang bahala. Magpahinga ka na din"

"Sige maam A. Ano palang oras ang trabaho mo bukas at para maipaghanda kita"

"Naku huwag na po--"

"Ayy naku, hayaan mo na ako. Ipaghahanda kita at ako na ang bahala dito. Iyon ang trabaho ko. At tska, alam kong miss mo na ang mommy at daddy mo. Nandito lang ako ha, tatayo ako bilang nanay mo. Huwag kang mahihiya magsabi ng kahit ano sa akin, okay?"

Ngumiti ako sa kanya at nagyakapan kami.

"Salamat po"

Hinehele ko na ang anak ko sa tabi ko.

My pregnancy has been difficult. There are times na mag isa ako dahil kailangan si Theo sa company. Hindi ko napapagbibigyan ang paglilihi ko. Ayoko kasi na naabala ko si Theo lalo na at madalas ako mag crave noon ng hating gabi.

I never contacted anyone in the Philippines. Kahit sina tiya Maya, pero siniguro ko na maayos sila at nagpatuloy ang pagpapadala ko ng pera para sa kanila.

I swear to myself na hinding hindi ko ipapakilala sa anak ko ang ama nya, I am willing to lie at my son so I can protect him from his unloving father.

I was depressed on what happened to us, kung naging kami ba talaga. There are times before that I had suicidal thoughts, lalo na tuwing naririnig ko sa balita ang pangalan ng kumpanya nya o maging sa internet.

I never told anyone kung sino ang ama ni Matthew. And I will never be ready to tell anyone about it kahit na kay Matthew.

"Hi, you're Lia Sandoval right? You modeled for Ms. Lauren's designs, right?"

"Uh, yes" nahihiya kong sagot

"Great! I am Malou from Star Entertainment, we are recruiting new models,"

"Uh, pag iisipan ko po muna"

"Great! Here's my calling card. Message me anytime"

Nagkonsulta lang ako sa co models ko at nagpaalam kina tiya bago nagdesisyon na pumayag na mag karoon ako ng agency.

Naging maayos naman ang takbo ng pagiging model ko simula nang nagkaroon ako ng agency.

Mahirap magkaroon ng shoots noon dahil syempre, baguhan pa lang ako sa agency, small roles madalas ang ibinibigay sa akin.

"Lia, 8am tayo bukas, okay? May photoshoot bukas para sa isang collection, kulang sila ng 1 model kaya ikaw na lang ang nirecommend ko"

"Talaga po? Sige po, pupunta po ako"

"Good. Huwag kang male late ha, nako big client natin iyon"

"Anong company po ba iyon?"

"Ay nako, iyon ang pinaka malaking clothing line sa bansa, L & A Clothing Line"

His Model (Leviste Series 2)Where stories live. Discover now