Chapter 5

190 2 7
                                    

Date

Matapos kong mag ayos sa bahay ay nagtungo na ako sa ospital na sinend ni tita Lou. Doon daw kasi ako naka schedule for check up.

"All the tests went good Ms. Sandoval. You can buy these pills on the pharmacy downstairs. I will see you after 2 weeks for another check up"

"Thank you doctora"

"No problem"

Sanay na sanay sa pag aasikaso ang doctor sakin. Mukhang alam na nya na ako ang bagong model ng L & A Clothing Line. Binigyan din ako ng diet plan na susundin.

Matapos kong mabili ang pills ay dumiretso na ako sa building ng L&A.

"Light make up muna tayo for the shots."

Tumango ang make up stylist ko at sinimulan na ang pag aayos sakin.

Summer collection ang imomodel ko. Mostly, ang ipinakita saking design ay puro sleeveless at shorts. May 5 pieces lang na summer dress at 2 long dress na naka ayon sa summer collection. Ang sabi ay para sa runway iyon na mangyayare sa last week ng modelling ko.

"Okay, fierce, Lia"

Mataray ang awra ng mukha ko kaya hindi na mahirap para sa akin ang mag pose ng fierce.

Naka 30 shot muna ako bago nakapag break. Mamaya ay ang ikalawanag set naman ang isusuot ko para makunan.

We had a peaceful lunch. Ang iba ay abala sa pakikipag usap sa kapwa namin model. Ako ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pag budget ng mga gastusin ko sa pasukan pati na ng kay Julie.

"Good afternoon Mr. Angeles" narinig kong pagbati ng lahat at naramdaman ko na ang presensya niya sa likod ko. Isinara ko na agad ang listahan ko bago bumati sa kanya

"Good afternoon Mr. Angeles"

"Good afternoon, Lia. Kamusta ang photoshoot?"

He held my waist at hinila ako palapit sa kanya. He planted a kiss on the side of my forehead bago sya naupo at tinignan nya ang mga gamit kong nakakalat sa mesa.

"Uh, maayos naman po"

Naiilang akong tumingin sa kanya.

"Relax, Lia. I don't bite, so be comfortable to talk around me"

Tumango na lang ako sa sinabi niya at nagpunta na sa fitting room para sa next outfit na kukunan.

Kanina ay white short shorts iyon at isang pink spaghetti top. Ngayon ay isang yellow floral skirt at puff sleeve off shoulder na kulay lilac. Pinagsuot naman ako ng isang beach sandals na babagay doon sa outfit.

Paglabas ko sa fitting room ay abala si Sir Kiro sa pagtingin sa mga pictures kanina. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil talagang pinatigil niya ang picture sa solo take ko na naka fierce. Kung tititigan mong mabuti ay mukha akong nakikipagtitigan sa sinomang tumitingin sa larawan ko.

"Lia, let's retouch your make up" pagtawag sakin ni Jen. Napansin ko namang napalingon sakin si sir Kiro kaya nagmadali na akong dumiretso sa vanity table ko.

"I'll be staying. I want to see you work" napadilat ako sa bulong na iyon ni Sir Kiro. Natanaw ko syang nasa sofa na nakaready dito sa set. Mataman siyang nakatingin sakin kaya nagiwas na ako ng tingin.

Since outdoor ang theme para sa outfit na ito ay may props na kami tulad ng payong, hat at sun glasses.

Mabuti at hindi nakaapekto sa performance ko ang presence ni sir Kiro. Talaga naman kasing maiilang ka dahil buong oras na nagpho photoshoot kami ay nasa akin lang ang mga tingin niya. Matapos ang takes ay agad akong dumiretso sa fitting room para makapag palit na din.

His Model (Leviste Series 2)Where stories live. Discover now