Chapter 12

147 4 3
                                    

We're done

Unti unti kong minulat ang mga mata ko dahil na din sa ingay sa paligid ko.

Puting kisame ang bumungad sa akin.

"Owemji Lia you're awake! Tita Lou, gising na si Lia"

"Lia,"

Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mukha nila.

"Ano pong nangyare?"

"Nawalan ka ng malay anak, overfatigue daw. At...."

Kitang kita ang pag aalinlangan sa mukha ni tita Lou.

"Buntis ka, Lia"

Laglag panga ko silang tinignan.

Imposible!

"Po? Pero imposible po yun"

"Lia, sigurado ka bang nainom mo lahat ng pills?"

"O---"

Napatampal ako sa noo ko dahil sa naalala. Hindi ko nainom ang pills ko noong nasa resthouse kami.

Doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko.

"Im---Im sorry tita Lou. Hindi ko po sinasadya"

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap nila Yannie at tita Lou.

"Congratulations, Ms Reyes! You're 3 weeks pregnant!" Pagkumpirma ng doctor sa sinabi nila tita Lou

I'm pregnant?

Hindi pwede.

Hindi pwede ito.

Paano ko naman bubuhayin ang batang ito?

Mahihinto ko ang modelling ko once na magpakita na ang baby bump, wala naman akong ibang pwedeng pasukan na trabaho na may malaking sahod.

Tanging ang doctor lang ang sinabihan ko tungkol sa totoo kong pagkatao. Kilala niya kasi si dad kaya kilala niya ako. Sinabi ko din ang sitwasyon ko kaya naintindihan niya kung bakit Lia Sandoval ang naregister sa papers ko nung naiconfine ako.

Pinagpahinga pa ako ng ilang oras bago pinayagan na madischarge.

"Lia, hindi mo kasalanan okay? So you dont need to say sorry. Naiintindihan ko ang nangyare. Papakiusapan ko ang higher ups na huwag ka alisin sa trabaho, hindi ako sigurado kung papayag sila pero titignan ko ang magagawa ko"

"Salamat po, tita Lou"

"Anong balak mo gurl? Sasabihin mo ba kay Mr. Angeles?"

Sasabihin ko ba? Ilang araw na syang hindi nagpaparamdam si Kiro. Pakiramdam ko ay hindi talaga sya seryoso sa akin.

"Hindi ko alam. Ilang araw na syang hindi nagpaparamdam sa akin"

"Hindi namin alam ang totoong estado ng relasyon niyo, Lia. Pero may batang involved na, deserve nya naman malaman na magkaka anak kayo."

Naalala ko bigla ang sinabi ni manang Belinda patungkol sa pagkakaroon ng anak ni Kiro

'Kilala ko ang batang yon, kahit na naging maloko, alam kong pananagutan nya ang sinomang babae na mabubuntis nya. At mas lalong hindi sya ang tipo ng tao na papatay ng sanggol na walang kamuwang muwang.'

His Model (Leviste Series 2)Where stories live. Discover now