Chapter 6

164 2 5
                                    

Sick

Buong gabi kong iniisip ang nangyare sa amusement park. Naka hawak pa ako sa mga labi ko.

"Ate A, ayos ka lang po ba?"

"Oo. Oo naman, Julie. Bakit? May kailangan ka ba?"

"Hmm, magpapatulong lang sana ako Ate, tingin mo, anong kulay ang bagay dito sa gown na ito?"

Ipinakita nya sa akin ang drawing nya. Libangan namin ni Julie ang pag gawa ng mga gown at mga damit. Weekend ngayon at wala kaming gaanong ginagawa kaya nagddrawing kami.

Nang nag 11:00 ay nagpasya na kaming maghanda para sa pananghalian.

Kapag weekend ay nag aayos kami sa bahay. Day off din nila tiya kaya sama sama kaming nananghalian. Sa hapon ay naglaba kami at naglinis.

Matapos namin sa gawaing bahay ay naligo na ako. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay may nagtext sa akin.

From: Mr. Angeles

I'll see you at Romantic Island at 8pm

Romantic Island?

Agad kong sinearch ang lugar na iyon at napag alaman kong isa iyong bar. Ginapangan ako ng kaba.

Ito na ba ang simula?

Kinakabahan man ay naghanda na ako.

Sa hapunan ay sabay sabay kaming kumain. Doon na din ako naglakas loob na magpaalam.

"Uh, tiya, tiyo, magpapaalam lang po sana ako na mag bar. Nag aya po kasi yung kasamahan ko sa trabaho"

"Okay. Mag iingat ka A, mabuti iyan ng makapag libang ka naman at hindi puro trabaho ka na lang"

7pm ay nag ayos na ako. Nagsuot lamang ako ng white french floral chiffon dress at isang black na heels. Naglagay lang ako ng light make up at hinayaan na nakalugay ang aking maalon na buhok. Inayos ko na din ang dadalhin kong bag. 7:30 ay umalis na ako. Nagulat pa ako dahil may sumundo sa akin na kotse.

Nagpakilala ang driver sakin bilang Bert, driver daw sya ni Kiro.

Pagbaba ko ay hinarangan naman ako ng mga bouncer, hinanapan ako ng id, mabuti na lang at dala ko ang id ko sa agency ko. 21 years old naman na ako pero hindi lang halata dahil hindi ako katangkaran at ang bata ko pa tignan.

"Pasok ka na"

Kukunin ko na sana ang phone ko para ipaalam kay Kiro na nandito na ako pero nagulat ako sa biglang may brasong pumulupot sa aking bewang at nakitang si Kiro iyon. May amoy na sya ng alak pero hindi pa ganoon na madami.

"Hey beautiful. Let's go. I want you to meet my business friends" at hinatak na niya ako patungo sa table nila

"Woah! The model and flavor of the month!" Kumento agad nung isang lalaki pagkadating namin sa table

"Hanep, ang bata naman ata nyan masyado Ki"

"Hi miss pretty, ako si Lloyd. Single and ready to mingle" naglahad sya ng kamay at kumindat pa

Makikipag kamay na sana ako pero agad hinawi ni Kiro ang kamay nung Lloyd

"Back off Lloyd"

"Okay, chill bro" natatawang sabi niya at naupo na ulit.

May mga babae naman sa table pero mukhang mga nagtatrabaho sa bar.

His Model (Leviste Series 2)Where stories live. Discover now