Chapter 7

159 4 17
                                    

Promises

"What are you thinking Lia?"

Tanong ni Kiro sakin. Nandito kami ngayon ni Kiro sa dinning niya sa condo habang nanonood ng isang love story drama. Kita kasi ang kanyang flat screen tv na nasa sala mula dito sa dinning.

"Wala naman. Naisip ko lang na masyadong nagpadalos dalos sa desisyon yung babae. Ni hindi pa nga sila legal sa pamilya nila tapos ibinigay na nya ang sarili nya pero sa huli iiwan din pala sya nung lalaki. Tapos nabuntis pa sya. Hindi din naman pala sya mahal nung lalaki"

"Why? Is it necessary na maging legal muna sa parents bago sila magdecide ng gagawin nila? And you know, in today's generation, you can have sex without being inlove to each other"

Napatitig ako kay Kiro. Nakatingin din sya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Para sakin, oo. Dapat na legal sa kanilang pamilya ang dalawang magkasintahan bago nila gawin yon. At dapat mahal nila ang isa't isa. Oo at iba iba tayo ng pananaw pero walang makakapagpabago sa pananaw ko"

"Tell me more,"

"Ayoko sa mga playboy at mga lalaking katawan ng babae lang ang habol. Tapos sa huli iiwan din naman pala"

"Well, you can't blame men. We have our needs"

"Naiintindihan ko yun. Pero pano kung nabuntis nya yung babae? Tapos hindi niya pananagutan. Kawawa yung babae at lalong lalo na ang baby. Kung tutuusin nga, kayong mga lalaki dapat ang naghihirap e. Nanahimik ang mga babae tapos guguluhin nyo. We also can't deny the fact na girls are weak emotionally pero pinagsasamantalahan pa din ng mga playboy na tulad nyo ang damdamin nila"

"Woah, easy there, woman. Wala naman akong ginagawa sayo pero inaakusahan mo na ako"

Tinaasan ko sya ng kilay

"Wala nga ba?"

"We'll see. But just so you know, I don't force women. If ayaw nila, then I'll stop. They just need to finish the contract"

"Oh, tignan mo nga. Wala ka pa ngang ginagawa sakin pero sa ibang babae meron na. Kawawa naman sila. Ilang babae na kaya ang dumaan sayo at inisip na ikaw na ang makakatuluyan nila? Na seseryosohin mo sila?"

Kaswal kong sabi habang nagpatuloy sa pagkain.

"So, you're an old fashion woman"

"Mas okay na ang tawaging old fashion kesa naman makagawa ng padalos dalos na desisyon. At tska, dapat naman talagang ibigay ang virginity ng babae sa lalaking pakakasalan sya at seseryosohin"

Hindi agad umimik si Kiro kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lamang sya sakin

"B-bakit?"

"Kung sasabihin ko ba sayong seryoso ako sayo, maniniwala ka?"

Ako? Seseryosohin nya? Impossible naman ata yon

"Liligawan kita. Ipapakilala kita sa pamilya ko. Pakakasalan kita at bubuo tayo ng sarili nating pamilya."

.
.
.
.
.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa showroom ng L&A para mag practice ng runway. May 2 weeks na lang kasing natitira bago ang event.

First time ko ang sumabak sa isang runway kaya kabado ako kahit na practice pa lang ito

"Chin up Lia! Lagi mo nakakalimutan!"

Sigaw nung trainor namin. Napabuntong hininga ako bago muling bumalik sa back stage para magsimula muli

Mahirap sa simula pero nung nakailang ulit kami ay nasanay na ang katawan ko sa ginagawa. Hindi na din ako nasisita at maayos kaming natapos.

Pagkatapos kong magbihis ay didiretso na sana ako pauwi pero nakita ko si Kiro na nakaupo sa sofa at mataman na nakatingin sa fitting room.

Nang nakita nya akong palapit na sa kanya ay agad siyang tumayo at sinalubong ako ng halik sa noo

"Tired?" Tanong nya sakin habang naglalakad kami palabas. Nanatili ang kanyang kamay sa aking likod

"Ayos pa naman ako."

"Let's have dinner. Where do you wanna eat?"

"Kahit saan"

"Where is that 'kahit saan'?"

Natawa kaming pareho pero masama ang tingin ko kay Kiro.

"Sorry. Im just teasing you. Let's just stay at our condo. I'll cook for you"

Tumango ako at nanahimik sa byahe. Nagtext na din ako kila tiya na late akong makakauwi ngayon.

"You can change first and freshen up. I'll prepare our dinner"

"I want to help"

"Okay. Just go freshen up first"

Tumango na lang ako kay Kiro at sumunod. Pumasok ako sa pangalawang pinto at doon nag ayos ng sarili. Pinili kong isuot ang isang floral pink dress, hanggang above the knee ang haba non. Nagsuklay lang ako at nagpabango tapos nagtungo na ako sa kusina para makatulong.

"Anong lulutuin mo?"

"Creamy garlic shrimp pasta"

Tumango ako at tumulong na sa pagbabalat ng shrimp. Si Kiro ay nag umpisa na mag luto ng sauce ng pasta habang pinakukuluan na ang pasta noodles

"Do you prefer courtship?"

Natigil ako sa ginagawa dahil sa pang out of the blue na tanong ni Kiro

"Syempre naman"

"What if I'll tell you that I'm courting you now?"

Ilang sandali akong hindi umimik, inaantay ko ang sasabihin nya na joke lang iyon

"Im serious about it, Lia. If you want, I'll introduce you to my family. Kapag nakabalik na sila. I promise. I'll meet your parents and ask for their permission. I like you, Lia, I really do. I promise you that I will do anything just to prove that I am serious"

.
.
.
.
.

Tahimik kong pinunasan ang mga luha ko. Ayoko naman magising si Matthew, paniguradong mahimbing na ang kanyang tulog. Napagod ito sa kakalaro kanina sa kanyang birthday party.

"What did you wish baby?"

"I wish for a papa, mama! A papa that will live with us everyday! So I have playmate always and papa helps mama!" Magiliw niyang sabi habang tumatalon talon pa.

I'm sorry baby, mama can't make your wish come true.

Mama promise you that you will always be love and I will provide all of your needs and wants. Mama will always protect you and won't let others hurt you. Mama can do that as long as you're with me baby. Always remember anak, Mama loves you.

Hinalikan ko sa noo ang anak ko at inayos ang kumot bago natulog.

His Model (Leviste Series 2)Where stories live. Discover now