79 6 0
                                    

Dear Kent,

Napagdesisyunan ko na lang na ikaw na lang susulatan ko.

Sasabihin ko na lang ang mga hindi ko magawang sabihin sayo ng harap-harapan dito.

Alam kong weird pero hindi kasi ako matapang.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Nagising na naman ako ngayong umaga na bangag.

Eh ang ingay-ingay mo eh!

Parang alarm clock slash megaphone! 

Hay nako, pasalamat ka crush kita.

Kung hindi, naku, nasapak na kita.

Kasama mo ako ngayon sa garden.

Kumakain tayo ngayon ng biniling pagkain kanina.

Pork Chao Fan, pareho nating paborito.

Nagkukwentuhan tayo ngayon.

Tungkol sa sinasabi mong lovelife ko.

Nagtaka naman ako sa tanong mo.

Bakit mo naman agad natanong yan?

Tumahimik na lang ako dahil nagtataka pa rin ako sa tanong mo.

Napansin mo ang pananahimik ko kaya mo ko kinalabit.

Di kita pinansin dahil alam kong pag nakita ko na naman ng diretsuhan ang mga mata mo,

Mas lalo kitang magugustuhan ng patago.

Pero dahil nga ang kulit mo, napaharap ako sayo nang wala sa oras.

Namula ako ng makitang ang lapit pala ng mukha mo sa akin.

Natulak kita ng mabilis.

Ewan ko bakit ganun, 

Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?


Love,


Karyll

dear kentWhere stories live. Discover now