Dear Kent,
Gabi ngayon. Malamig at umuulan.
Napagdesisyunan kong lumabas muna para bumili ng pagkain.
Ako lang mag-isa ngayon sa bahay.
Errrrr. Nakakatakot.
Dumiretso ako ng 7-11 dahil eto lang ang pinakamalapit na pwedeng pagbilhan dito.
Pero di na ako nakatuloy sa loob dahil sa nakita ko.
Isang lalaki, nakaluhod at basang-basa na. At halatang umiiyak siya dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha.
Ekspresyon ng kalungkutan.
At yung lalaking yun ay ikaw.
Masakit para sa akin na makita ang sitwasyon mo ngayon.
Masakit dahil nakita kitang nasasaktan.
Masakit dahil nakikita ko ang aking matalik na kaibigan na umiiyak.
Masakit dahil nakikita kong umiiyak ang taong matagal ko nang gusto.
Dahil hindi kita kayang makita na ganyan ang itsura.
Walang atubili ay pinayungan kita at niyakap.
Nagulat ka sa ginawa ko at tinatanong mo ko kung bakit nandito ako.
Di kita sinagot at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sayo.
Di nagtagal ay naramdaman ko rin ang malalamig mong braso sa bewang ko.
At umiyak nang tuluyan sa aking balikat.
Kung kaya ko lang pawiin yang masakit na nararamdaman mo ngayon,
Ginawa ko na, para sayo.
Love,Karyll
YOU ARE READING
dear kent
Teen Fiction"Kent." "Yes?" "Is it a sin to love you?" ||Dear series #1; epistolary|| ||Karyll Madrigal's story || ||ongoing ||