Kent's POV
Karyll Madrigal has logged out.
Ano bang nagawa ko? Di ko lang nasabi sa kanya na may gf ako, nagalit na! F*ck. I'm going insane here. Di ko na alam ang gagawin ko. I can't afford to lose my bestfriend.
'Bestfriend lang ba talaga tingin mo sa kanya?'
My conscience hit me. Ewan ko ba. Everytime na lang na may nagagawa akong hindi maganda kay Karyll, nagsasalita. Pero hindi naman siya ganito kay Wendy, my gf.
Pero napaisip ako.
Bestfriend nga lang ba talaga tingin ko kay Karyll?
---------
Thursday morning...
6:30 pa lang ng umaga ay pumasok na ako. Gusto kong magsorry sa kung anuman ang iba ko pang nagawa kay Karyll.
Nasa klase niya si Wendy kasama ang mga kaibigan niya. Ewan ko ba dun, parang iniiwasan niya ko lately. Hay. Kent. Disturbing thoughts. Malay mo, busy lang.
Nasa gate ako ngayon at kasalukuyang hinihintay siya. Pero mukhang mamaya pa yun dumating kaya napagdesisyunan kong pumasok ulit para dun na lang maghintay.
Pero dapat sana kanina ko pang naisipang pumasok.
Nakita ko si Karyll nakaluhod habang umiiyak at nababalot ng putik sa harap ni Wendy.
***
ESTÁS LEYENDO
dear kent
Novela Juvenil"Kent." "Yes?" "Is it a sin to love you?" ||Dear series #1; epistolary|| ||Karyll Madrigal's story || ||ongoing ||