***
"Waaaaahhhhh~! Kailan ka pa dumating?"
"Mga ilang linggo pa lang. Grabe ka!"
"Bakit di mo sinabi sa akin? Huhuhu."
"Pupunta nga dapat ako nun. Eh umuulan. Alam mo namang bahain sa amin."
"Eeehhh~ Kahit na! Dapat tinext mo ko."
"Di ko alam number mo. Haha."
Nandito kami ngayon ni Sean sa rooftop. Haha. Nandito pa rin kami. Ayoko pang bumaba. Baka makita ko lang sila.
"Tara. Baba na tayo."
"A-ah? A-ayoko p-pa."
"Bakit? Dahil kay Kent ba?"
"P-paano m-mo n-nalaman?"
"Tinext sa akin ni Katrina kanina."
Walang hiyang Katrina na yun! Napakadaldal!
"Ako bahala sayo. Wag kang mag-alala."
*********
Bumaba na kami ng rooftop. Sinabi niya na kakatransfer lang niya last week. Pero ngayong week lang siya nagsimulang pumasok. Kakatamad daw . Kagaguhan,
"Ayos ka na ba?"
"Ah? O-oo. Okay na ako." Nginitian ko na lang siya at sumunod sa kanya.
Pero nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko. Bigla tuloy nmula yung mukha ko.
"B-bakit?"
"Basta. Ako bahala."
Siya daw bahala? Bakit naman?
"SEAN PARE! NAKABALIK KA NA?" Kilala ko ang boses na to. Hindi.
"Kent pare. Oo. Haha."
"May kasama ka ba?"
"Ah oo." tapos ay pinapunta niya ako sa harap niya at inakbayan. "Si Karyll."
Nakita kong parang nanigas si Kent sa kinatatayuan niya. Walang umiimik sa aming apat. Oo. Apat. Kasama ni Kent yung girlfriend niya.
"K-karyll? Anong ibig sabihin nito?"
"H-ha?"
"Nililigawan ko sya, Kent. Last week lang."
Tumingin ako ng naguguluhan kay Sean. Eto ba yung sinasabi niyang bahala siya?
"Kent darling. Nagugutom na akooo~" Malanding sabi nung girlfriend ni Kent. Nakaramdam tuloy ako ng inis.
"Karyll, bakit di mo sinabi sa akin? Akala ko ba walang lihiman?"
Tanong niya sa akin. Mas lalo tuloy akong nagalit.
"Walang lihiman? Eh bakit di mo sinabi sa akin na may girlfriend ka na? Tapos ako tatanungin mo niyan?"
"Sasabihin ko na--"
"Kailan mo balak? Ngayon kung kailan alam ko na? Kent. Ayaw ko ng gaguhan." Sinabi ko sa kanya at hinila na si Sean papunta sa cafeteria.
***
YOU ARE READING
dear kent
Teen Fiction"Kent." "Yes?" "Is it a sin to love you?" ||Dear series #1; epistolary|| ||Karyll Madrigal's story || ||ongoing ||