Scene #5

33 2 5
                                    

[Kent]



Maliwanag pa sa akin lahat nang nangyari nung birthday ni Karyll. Kasingliwanag ng araw. 



"Ha-happy Birthday Karyll."



Halos uutal-utal ko nang sinabi sa kanya dahil sa gulat ko nang makita niya. Shiz! Buti na lang naitago ko kaagad yung sketch pad. 


"K-kent?" 


Parang nakakita naman ng multo yung hitsura niya. Kung yung sitwasyon namin eh parang dati, pagtatawanan ko sya. Pero hindi eh. Iba na ngayon. At di ko alam ang dahilan.



"S-sabayan na k-kita?" Para ka namang tanga Kent! Bakit ka ba nauutal? 


"H-ha? Ay, h-hindi na kailangan." At bigla siyang umiwas ng tingin. 


"Bakit naman?" Bakit nga ba? 


"Pupuntahan ko pa si Sean." At bigla na lang siya naglakad palayo. 



Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko yun mula sa kanya. Sean? Yung bestfriend niyang iniyakan niya? What the fck.


Hinabol ko sya at hinablot yung braso niya.


"Kayo na ba?" Mukhang nagulat siya dahil bigla ko na lang siyang hinila. And she give me the expression I really don't want to see from her.


Her expressionless face.


"None of your business." At hinablot na niya ang braso niya. Naglakad na rin siya palayo.



Kaya hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin na ginawa at sinabi ko yun sa kanya. 


What an idiotic move, Kent. 


Great. Just great.


Paano mo mababalik yung pakialam sayo ng best friend mo kung ganyan ka kagago?


Tignan mo. Namura pa ako ng sarili kong konsensya.



"Katrina!" Sigaw ko nang makita ko ang straight niyang buhok na naglalakad sa corridor. Lumingon naman siya para hanapin ako. Nung nakita niya ako ay napakunot siya ng noo. 


Nilapitan ko naman siya agad.



"Kent? Bakit?" Tanong naman niya ng makadating ako sa harap niya.


"Help me. Please." Desperadang sagot ko sa kanya.


"Saan naman yan?" Nagtatakang tanong pa rin niya.





"Getting back my best friend. Getting my Karyll."





dear kentWhere stories live. Discover now