Dear Kent,
TANGINA!
Lahat na ng pwedeng mura ay sasabihin ko sayo!
Ang sarap mong sabunutan ngayon! Alam mo ba yun?
Lalo na yung kasama mong hipon! Mila ba yun?
Ang landi-landi amputs!
Sarap niyong hambalusin gamit ang flagpole! Grrrrrrr!
Nandito ako ngayon sa apartment ni Sean.
Buti pa sya may apartment.
Syempre dito ako naglabas ng galit.
Ang galing nga eh, may maliit syang room doon
Na kung saan pwede kang mag-Tacsiyapo.
Yung Tacsiyapo yung nagbabasag ng gamit para mailabas yung galit.
Ilang plato, baso, bowl at lampshade ang nabasag ko dahil sa inyo.
Nasa kusina ngayon si Sean.
Nagluluto daw ng dinner namin.
Pero bago siya pumunta sa kusina. May sinabi sya sa akin.
Saranghae?
Tignan mo to, pumunta lang ng ibang bansa, naging alien na.
Magoogle translate nga pag may time.
Love,
Karyll
YOU ARE READING
dear kent
Teen Fiction"Kent." "Yes?" "Is it a sin to love you?" ||Dear series #1; epistolary|| ||Karyll Madrigal's story || ||ongoing ||