Kent's POV
Naglalakad na ako sa papunta sa school. Kung titignan mo ako ngayon, parang wala akong problema. Pero...
Karyll Madrigal: STAY.AWAY.FROM.ME.
Bakit niya kailangang sabihin yun? Bakit ba gusto niyang lumayo ako sa kanya? Ano bang mali ang nagawa ko? Dahil ba kay Wendy?
Sa totoo lang, ayokong pumasok ngayon. Pero tadhana nga naman, dinamay pa nanay ko. Pinipilit akong pumasok para ibigay yung regalo niya kay Karyll.
Shet. Nakalimutan ko pa. Birthday niya pala ngayon.
Di ko namalayan na tumatakbo na pala ako. Papunta sa paborito niyang gift shop.
"Good morning po sir!" Nakangiting bati sa akin ng cashier pagkapasok ko palang ng gift shop. Ngumiti na lang ako pabalik.
Ngayon, anong gagawin ko dito?
Naglibot-libot na lang ako dito dahil wala pa akong maisip na dahilan kung bakit ako nandito. Ano ba talagang ginagawa ko dito? Then my conscience spoke.
Ano pa bang ginagawa mo sa paborito niyang gift shop? Edi bilihan siya ng regalo!
Naliwanagan ako sa sinabi ng conscience ko. Birthday niya ngayon. Birthday ng bestfriend ko. Bestfriend ko. Bestriend...
Bestfriend ba ang turing niya sa akin?
Ano ba yan! Kung ano-ano iniisip ko! Mabilhan na nga siya ng regalo! Pero ano ba ang gusto niyang regalo?
3rd year kami noon at sabay kami palaging umuwi. Sa palagi naming nadadaanan na parke ay may kumuha ng atensyon nating dalawa.
"Wow! Gift shop! Tara Kent! Punta tayo!" May bagong bukas na gift shop dito sa tabi ng park. At dahil siguro mahilig sa mga regalo itong babaeng kasama ko ay mabilis siyang na-attract dito.
Sinundan ko na lang siya dahil tumakbo na siya papasok dito. Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Karyll. Tumingin ako sa paligid at nakita kong napakacomfy ng theme nitong gift shop. Di na ako magtataka kung mapagdesisyunan ni Karyll na magpabalik-balik dito.
YOU ARE READING
dear kent
Teen Fiction"Kent." "Yes?" "Is it a sin to love you?" ||Dear series #1; epistolary|| ||Karyll Madrigal's story || ||ongoing ||