Chapter 22

21 1 0
                                    

Agnes

Ewan ko ba bakit pag dating kay Edward, eh parang may sumpa na pag nakikita ko sya may bumubulong na lang bigla na, Magalit ka, magalit ka. Alam mo yung kumukulo agad yung dugo ko unang tingin ko pa lang sa kanya. Siguro nag umpisa lang to nung in-open nya yung topic tungkol samin ni Kit. Nakakagigil, ang sarap nya lang naman sakalin.

Ito, tulala ako sa isang fast food chain at iniisip ko ng iniisip Kung bakit ba ang init ng dugo ko dyan kay Edward. Sinama-sama pa kasi netong si Xian eh. Eh kasalanan ba ni Xian Kung mag kaibigan sila? Oo, bat pa kasi sila naging friends, di naman deserve ni Reyes. Di mo pa nga nakikilala ng lubos yung tao. Ah basta! Ayoko sa kanya. Feel na feel ko na. Wait nga, kinakausap ko ba yung sarili ko. Tumingin ako kay Xian na nasa harap ko, at tumingin din ako kay Cherry na katabi ko lang. Tapos lahat pala sila nakatingin sakin.

"Baka naman matunaw ako sa mga tingin nyo nyan." I kidded, para di halata.

"Di ka ice cream te wag ka mag assume!" Prince responded sarcastically and I rolled my eyes at him smiling.

"Nandyan na yung inorder natin oh." Cherry said.

"Ako na kukuha." Xian volunteered.

"Sasama na ko." I volunteered too.

"Wag na, ako na lang." Pa-epal ni Edward.

"Edi kunin mo." I whispered at inirapan ko sya hanggang langit.

"Sigurado ka? Madami yun ah." Xian said, nako hayaan mo yang mapahiya dyan, ang yabang eh.

"Oo nga, tara Agnes." Sabi nya kay Xian, aba loko to ah sinama pa ko.

"Ako? Mag isa ka! Ikaw nag presenta dyan eh." At umupo na ko sa upuan ko. I smirked after I sat down, ang tanga lang. Pano nya mabubuhat lahat yun. Bahala sya dyan.

"Edi ako na lang." and he left.

Naiinis talaga ako sa fact na ganon ang ugali nung lalaking yun. Limang oras ba naman kami mag kasama! Tsaka ang hangin nya kaya! Dinaig nya pa yung electric fan na naka number 3 na eh! Sobrang ang sarap ipamukha sa kanya na di nya naman ikinagwapo yang pag papasikat nya, edi kung ganon, palitan nya yung araw para mas masaya!

"Did you enjoyed?" Xian asked me while we're on his car. At ihahatid nya kaming tatlo nila Prince pauwi ng bahay. Nasa passenger seat ako at si Cherry, Prince at Edward ay nasa likod. Tulog nga lang sila,

"Oo naman." I looked at him and smiled. Kahit hindi naman talaga dahil kasama si Edward.

"Mabuti naman, at baka ipunta pa kitang disney land kung hindi." Pag bibiro nya.

"Sus! Sila mama nga hindi kami mapunta don ikaw pa kaya?"

"Basta ikaw." He looked at me but I looked away. Ayoko nang kausapin si Xian dahil ayokong bigyan ng ibang meaning yung mga sinasabi nya. I faked a yawn and I tried to act asleep but I guess I did fell asleep.

"Agnes! Agnes!" Narinig kong may tumatawag sakin ng pabulong while I felt someone tapping my shoulder.

"Yah?" I opened my eyes and saw Edward. Kala ko pa naman si Xian. Nasira tuloy yung gising ko.

"You're home, dito na din ba sila Prince?" He asked me.

"Oo." Sabi ko sa kanya at sinubukan kong tanggalin yung seatbelt ko pero di ko matanggal. Anong sumpa ba ang bumabalot sa seatbelt na to at si Xian din ang nag kabit sakin kanina. May password ba to?

"Ako na nga." He said and removed my seatbelt. Aba, anong himala ang sumapi dito? I thought. "Kasimple-simpleng bagay di mo magawa." He smirked. Okay na sana eh, kaso nasa dugo talaga ng unggoy na to yung kayabangan nya.

"Alis nga!" Tinulak ko sya, pero slight lang tapos bumaba na ko.

"Welcome nga pala ha!" Sabi nya habang tumatawa. Aba, na tuwa pa syang may naiinis sya.

Lumapit ako kay Xian "Thanks for today." I said and smiled, baka naman kasi sabihin nito di ako marunong mag pasalamat.

"Hay nako, kayo na lang kaya maging couple!" Narinig kong sabi ni Cherry na nasa tapat ng pinto namin. Tinignan ko sya nang masama dahil nagulat ako sa sinabi nya.

"Pag nag thank you ba, couple na agad?" Sabi ni Edward, at konti na lang talaga eh masasapak ko na to.

"Sige na." Sabi ko at padabog na nag lakad ako papunta sa bahay.

"Agnes!" I heard Xian at lumingon ako. "Thanks for today too." And I smiled at him in response dahil ayoko nang magsalita. I saw Edward at the corner of my eye at mukhang naiinis sya. I wonder why.

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon