Chapter 14

35 1 0
                                    

Agnes

"Pasalamat ka niligtas kita kanina," Bulong ng bulong tong si Reyes. Paulit-ulit kanina pa, "Pasalamat ka talaga nandun ako e," He said, for the nth time.

Nag didiscuss kami sa araling panlipunan at wala na akong maintindihan dahil sa mga pinag sasabi nito.

"Ang swerte mo talaga kasi nan—"

"Pwede bang tumigil ka na?" I whispered back.

"Di ka pa rin kasi nagpapasalamat," He pouted. Kala nya naman ang cute nya.

"Mamaya na." Pasalamat sya hinahabaan ko yung pasensya ko. Pero ako nga pala ang dapat mag pasalamat.

"Tignan mo! Pati yan kinatatamaran mo?" Napalakas nyang sabi.

"Mr. Reyes, haven't I told you na bawal mag salita sa klase ko?"

"Uh, not yet ma'am." He said and stood up.

"What?" Tinignan nya ng masama si Reyes.

"Ay, yes ma'am," He smiled, "I'm sorry." Umupo na ulit sya.

"Good then, buti pa tong si Malayas, e hindi ka kinukuntsaba."

Bumalik na sa pag tuturo yung teacher and I stucked out my tounge at him.

"Oh ano ka ngayon?" I grinned.

Uwian na, nasa labas na ko at hinihintay ko na lang lumabas si Allysse. Katulad last week, mag hihintay nanaman ulit ako ng napaka tagal. Naisip kong pumunta na lang ulit ng library. Malamang wala masyadong tao dun.

Nag lakad na ko, nang makasalubong ko bigla si Reyes. Di ko sya pinansin, dumaan ako na parang di ko nakita, naa parang hangin lang sya. Oo na, the snob award goes to Agnes Gaile Malayas. Nang malagpasan ko sya, narinig ko yung sinabi nya.

"Malayas, where are you going?"

Tumigil ako sa pag lalakad at lumingon, "Ikaw san ka pupunta?"

"Ako unang nag tanong ginaya mo lang."

"Sa library, sige mauuna na ko." I almost started to walk but I stopped, I just feel like I still need to talk to him.

"Hey! Wait, dun din kasi ako pupunta." I can hear him walking towards me.

"Oh edi pumunta ka, ano ngayon?" I started to take the first step up stairs. I don't know why, parang kailangan kong lumayo sa kanya but at the same time I have to be close to him.

"Sungit nito," I heard him mumble, "Wait, samahan mo ko, di ko kasi alam kung saan yon."

"Sa second floor, pumunta ka mag isa mo." Mahina kong sinabi.

"Diba dun ka nga pupunta? Bat di ka pa sumabay?"

"I changed my mind," I closed my eyes for awhile and then sighed, "Sige na, may kailangan pa kong puntahan."

"Hey wait—"

Tumakbo na ko paakyat ng second floor. Ayokong makita yung pag mumukha ng lalaking nagawan ko ng kasalanan na lagi naman akong nililigtas. Parang feeling ko tuloy sobrang unfair ko.

Hingal na hingal ako at buti na lang may drinking fountain every floor dito kaya uminom muna ko.

Naglakad na ko papuntang library at tumabi muna ako, baka may mabangga nanaman ako. Hinanap ko na yung luma kong I.D sa bag, I checked everything. Every pocket, wallet, or yung iba kong pwede pag taguan pero di ko mahanap. Nasan na ba yun? Di kaya nahulog ko lang yun or naiwan sa bahay? Pero hindi eh, di ako nag iiwan ng I.D sa bahay. I looked around, San ko ba kasi naiwan yon?

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon