Chapter 10

53 1 0
                                    

Agnes

I'm walking alone papunta sa school. Hindi kasi ako sumabay sa mga kapatid ko. Monday nanaman. Pero okay lang, maaga pa kasi masyado.

Tulala lang ako habang naglalakad, lutang yung isip ko. Iniisip ko kung babalik ba talaga si Monique. Yung kung ano yung mangyayari pag bumalik na sya. Nakakabaliw na. Ano bayan!

Habang naglalakad ako, may nakita akong lata ng sofdrinks. Huminga ako ng malalim at sinipa ito ng malakas. Pagkatapos non, nag lakad na lang ulit ako. Balik sa normal.

"Shit!" May narinig ako. Ano bayan, ang aga-aga bad vibes agad?

"Hoy ikaw! Halika nga dito!" Ang aga aga naman nitong magalit.

Pinag patuloy ko pa din ang paglalakad.

"Di ka ba titigil?" Sigaw ulit nya, "Hoy ano ba! Babaeng nag bato ng lata ng soft drinks!"

Lumingon ako, hindi ko sya namukhaan dahil madilim pa masyado. Nakawhite shirt and school pants lang sya. Kaso nga lang, baliw na ata to' eh, wala namang kausap. Pinag patuloy ko na lang ulit ang pag lalakad ko.

"Hoy! babaeng naka uniform!"

Tumigil ako. Tumingin ako sa paligid ko. Ako lang naman yung tao dito na naka-uniform. So ako nga?

Lumingon ako, papalapit sya. Ano bang ginawa ko?

"Binato mo ba to ha?" Matapang na tanong nya. This voice sounded familiar again.

"Hindi, bakit ko naman ibabato yan?" Nakita ko yung lata na hawak nya, yan yung latang sinipa ko kanina ah.

"Ikaw lang ang ibang tao dito except sakin. Kaya, please? Don't deny it!"

"Di ko nga binato yan," I answered truthfully. Di ko naman talaga binato e.

"Are you kidding?"

"Actually, hindi kidding pangalan ko," I responded sarcastically.

"Miss, you're making me look like an idiot," He said shaking his head, "Ano nga?! Did you threw this? Nakikita mo ba to?" Timido nya yung dumudugong sa noo nya. Sinipa ko lang, bakit may ganto?!

"Hindi ko nga binato yan!" Mabilis kong sinabi, "Kasi... ano.."

"Ano?!"

"Ano eh, sinipa ko yan," Mahina kong sinabi at tumakbo ako papalayo. Ayoko pang mamatay!

"Hoy! halika dito!"

Ang bilis nyang tumakbo. Bibilisan ko din syempre kasi maaabutan nya na ko!

Hinihingal na ko, kanina pa ko tumatakbo. Ayun! Buti may malaking puno. Tumakbo agad ako papunta don at nag tago.

"Fuck!" Sinipa nya yung pader.

Please sana di na nya ko makita. Please. Please.

Buti na lang umalis na din sya agad. Nakahinga naman agad ako. Kaso saan ako dadaan? Wala na atang labasan dito. Tumakbo ako pagka-alis ko sa puno, baka makita nya pa ko. Baka dito may daanan papuntang school. Bahala na!

"Ay kabayo!" Napa-upo ako sa pag kakabangga. Aray ansakit ng pwet ko. Grabe naman tong bumangga sakin. Bakit ba lately lagi nila akong binabangga?!

"Miss okay ka lang?" Tanong nung lalaki sakin.

"Are you stupid? Sinong okay ang natumba?" Pinipilit ko tumayo pero masakit talaga.

"Agnes?" He said. Wait, paano nya nalaman ang pangalan ko?

Tumingin ako sa taas para makita ang mukha nya.

"Kit?" I said just like how he said my name.

Kit offered his hand para tulungan akong tumayo pero hindi ko tinanggap. Pinilit kong tumayo mag-isa.

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon