Chapter 12

32 1 0
                                    

Agnes

Nag ring na yung bell, "Okay class, we'll continue this tomorrow, Malayas and Reyes, please stay, babalikan ko kayo," Tinuro nya kaming dalawa, "Okay, Class dismiss."

Recess na after ng 2nd subject. Kasabay namin ang 1st year kaya lagi kaming walang pake sa kanila kasi sobrang laki ng age gap namin. Pero bakit kami pinapaiwan ni sir?

"Gurl, mauna na kami ni Cher ah, kanina nya pa gustong mag c.r, sasamahan ko lang," Paalam sakin ni Abby.

"Wait lang, hintayin nyo naman ako. Saglit lang naman ito.."

"Ateng, di ko na talaga kaya, ang gwapo kasi ng katabi mo e," Sabi ni Cherry then I heard this guy beside me smirked at napataas ang kilay ko, "Sige na bye na. Kita na lang tayo sa cafeteria."

"Aggie, mauna na din ako, may ipapasa pa ko kay ma'am Benilya na project," Ipinakita nya iyong reaction paper nya, "Last week pa to nakalimutan ko kasing ipasa kanina, sorry nandyan naman si Ethan e," Tinuro nya si Ethan na nag aayos ng gamot, "Sige girl una na ko, see you," Mabilis na lumabas si Prince.

"Oh ano? Aalis ka din?" Malungkot na tanong ko kay Ethan.

"Ha? Oo e, may ibibigay kasi ako kay Sir Rias, sorry," Ginulo nya iyong buhok ko, "Kung gusto mo babalikan na lang kita?"

"Seryoso ka?" I asked smiling.

"Oo nga, sige na. Nasi-cr na din ako, dun na lang pala sa cafeteria. Sorry talaga."

"Hoy! Teka!" Sasabihin ko pa sanang balikan nya na lang ako. Pero huli na. Nakalabas na si Ethan. Ano bayan. Padabog kong nilagay yung libro ko sa bag ko.

"Baka masira yung bag," Napatingala ako, si sir Gab.

"Ah sir ano po bang meron?" Tanong ni Reyes.

"Ah, gusto ko lang na kayong dalawa ang maging representative ng section natin sa dadating na Mr. and Ms. St. James High."

Anong sinabi ni sir!?

"Sir? Ano po ulit? Medyo nabinge po ako dun ah," I sheepishly smiled.

"Sabi ni sir, tayo yung magiging representative ng section natin dun sa— Wait, contest ba yun sir?" Inulit ni Reyes sakin na tila binge talaga ko.

"Weh di naman kasi sya yung tinatanong," I mumbled.

"Anong sabi mo?" Tanong sakin ni Reyes yabang. Bagay na bagay.

"Ah oo, alam mo naman yon diba Malayas? Matagal ka na dito diba?" Biglang singit ni sir Gab.

"Seriously? With this girl?" Yabang said in disgust.

"Ah sir, ayoko po. That's not my thing. Pwedeng iba na lang po?"

"Ikaw at si Reyes lang ang nakita kong good looking at compatible sa isa't isa. Kaya, naisip ko agad yung contest na inannounce lang last week."

"Eh sir sa mukha nyang yan?" Ganti ko kay yabang.

"Hey! Mukha ko lang?"

"Oo, oh edi mukha mo din."

"Good," I laughed a little when he didn't get what I said, "Teka, anong sabi mo!? Inulit mo lang!"

"Nauto ka naman," I nearly smirked, "Palibhasa, puro yabang lang."

Then suddenly nakita naming nakangiti si sir, "Tignan nyo, ang cute nyo tignan," Tumigil kaming dalawa.

"Eh sir, please wag na lang ako," I begged.

"Ang arte mo ah. Pasalamat ka at gwapo yung magiging kapartner mo." Reyes butted in.

"Weh ang kapal ng mukha, sino nag sabi sayong gwapo ka?"

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon