Chapter 17

18 1 0
                                    

Agnes

I blinked a few times as I opened my eyes at nakita ko yung ceiling ng kwarto ko. I have a blurry vision kasi kakadilat ko pa lang ng mga mata ko.

"Aggie, bakla, kamusta na pakiramdam mo?" Hinawakan nya yung noo ko para icheck kung mainit ako. I glanced at the side of my bed para tignan si Prince. Nandito talaga sya.

"Okay lang ako. Wala naman akong sakit e." Nginitian ko sya.

"Oo, kaya pala ang init mo." Inirapan nya ko.

"Bat ka ba nandito?" I asked, kasi mag isa lang sya. Sinubukan kong umupo pero medyo di ko pa kaya, kaya inalalayan ako ni Prince.

"Masamang dumalaw?"

"Hindi pa naman ako patay ah or mamatay." I kidded and Prince bursted out laughing.

"Hoy wag kang ganyan," Mahina nya kong hinampas.

"Di ka ba umuwi? Anong oras na ah." I asked again kasi naka uniform pa sya.

"Ha? Shunga ka ba? Ikaw ah! Porke may nameet ka lang na fafa ganyan ka na." Taas babang kilay nyang sinabi.

Tinignan ko yung oras sa phone ko, it's 2:30 pm

"Teka, oo nga. Pano ko naka uwi kagabi?" I asked. Pinilit kong alalahanin pero wala.

"Tanong mo kaya sa nanay mo." He rolled his eyes and smiled.

"Pano nya nalaman yun e kakakilala ko lang sa kanya."

"Haller! Nababaliw ka na ba?"

"Prince, absent ba ko?"

"Shunga! Malamang, nandito ka nga oh."

"Seryoso? Pano ko nakauwi?"

"Nako, buti kilala nang pamilya natin yang si Xian." Pumasok si mama at nilapag yung mga gamot sa isang table.

"Xian? Sino yun?" I asked.

"Di mo na talaga maalala si Xian?" Tanong ni mama na para bang nakasama ko na dati si Xian.

I shook my head.

"Oh? Si Xian, kababata mo yon. Yun nga lang, lumipat ata sila sa U.K kaya nawala sila bigla. Sobrang close kayo non." Mom said.

"Bat di nya sinabing kilala nya ko? Tsaka ma, pano mo nalaman?"

"Ano ka ba, syempre di ka naman na daw nya nakilala. Kitang kita ng Lola mo ang paglaki mo kasama si Xian. Pag uuwi nga kami ng Pilipinas dati, sya lang ang kinekwento mo." Pinipilit kong alalahanin pero di ko matandaan.

"Pano nya nalaman yung bahay natin?"

"Sabi nya kasi, habang natutulog ka na daw, tinignan nya yung I.D mo at nakita nya yung address natin. Nalaman nya lang na ikaw nga yung kababata nya dahil dun sa apelyido mo."

"He went through my stuff?"

"I don't know. But still, naihatid ka nya."

"Still—"

"Sush! Pupunta sya dito mamaya para makita ka ulit. Ang sweet nya, diba?" Prince nudged me because of what mama said.

"Ma, ano ba yun pupunta lang sweet agad?"

"Syempre, si Xian yun eh." Sabi ni mama na nakangiti. Ano ba yun? Bakit ba parang ako lang yung hindi kilala si Xian?

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon