Chpater 9

45 1 0
                                    

Agnes

Days passed by so fast. Week end na agad ngayon. Di ko padin tinatanong sila Prince kung babalik ba talaga si Monique. But besides that issue, marami ding teachers ang umalis, kaya maraming bago.

Hindi kami matapos tapos sa tanong na, "What is your expectations?" at syempre sa "My name is.." Sawang-sawa na kami. Halos lahat kasi puro bago na.

"Treasure! That is what you are! Honey you're my golden star!" Ang ingay nanaman ni kuya Japs, tanghaling tapat.

"Kuya!" Sigaw ko. Nasa loob kasi ako ng kwarto, nag-iisip ako dito ng tahimik tapos magiingay sya.

"I came in like a wrecking ball!" Ito nanamang si Allysse. Jusko po.

"Ang sakit sa tenga!" I said to myself as I covered my ears.

"Dun ka nga! Mas magaling akong kumanta!" Prostesta ni kuya.

"Che! Wag ka nga! Inggit ka nanaman dyan sa mala-anghel kong boses!" Sigaw pabalik ni Allysse.

Di ko na to kaya, mas umiingay pa sila habang tumatagal. Lumabas ako ng kwarto at hanggang pinto lang, I crossed my arms and said, "Tapos na ba kayo?" Parehas silang tumahimik agad.

"Si Allysse kasi," Sumbong ni kuya.

"Ikaw nga yun eh! Ang ingay mo!" Tinulak sya ni Ally.

"Weh! Naki sabay ka lang!" Sabi ni kuya at hinampas ng unan sa mukha yung kapatid namin.

"Pwede ba! Tigilan nyo na yan! Para kayong sasali sa contest na walang mic! Ang ingay!" Sigaw ko sa gitna nilang dalawa. Sabay sara ng pinto.

"Allysse, Jasper! Ano ba yan?" Narinig kong saway ni mama.

Humiga na lang ako sa kama, tutal, wala naman akong gagawin.

"Anak gising na," Malumanay na sinabi ni mama. Monday na agad? Ang bilis naman oh.

"Aggie kumain na tayo," Sabi nya habang tinatapik iyong braso ko.

"Opo ma, maliligo po muna ako," Nakapikit kong sinabi habang nag stretching muna ako at humikab-hikab.

"Anong maliligo?" Sabi nya na parang sobrang nag tataka.

Ang weird neto ni mama. Binuksan ko yung pintuan at nasilaw ako sa liwanag nung ikaw, "Mama ayaw mo ba kong paliguin?"

"Bat ka maliligo? Gabi na ah, sasabihin ko lang e, kumain ka na tayo ng hapunan," Kalmadong sabi ni mama.

"Ha? Hapunan na?" Nanlaki iyong mga mata ko.

"Naalimpungatan ka yata Agnes," Sabi ni papa na kakalabas lang ng kwarto nila.

Pumunta agad ako sa kama at Tinignan yung oras sa cellphone ko, 7:34 na pala. Ako pala yung weird.

"Sige ma, bababa na lang po ako."

Mama nodded in response. Ang haba pala ng tulog ko.

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon