Chapter 6

64 2 0
                                    

Agnes

"Agnes, gising na! Male-late ka na!" Katok ni mama sa pinto. Ang haba pala ng tulog ko. "Agnes, bumangon ka na dyan ah! Male-late ka nanaman."

"Opo ma," Tinignan ko yung oras sa cell phone ko, 4:57 am palang, oa din tong si mama, ang aga aga pa eh. Humiga ulit ako.

"Hoy Agnes, wag na wag mong babalakin na matulog ulit."

Napa-upo ako sa kama ko at tumingin ako sa paligid ng kwarto ko, "May CCTV na ba dito?" Bulong ko sa sarili ko.

"Wala," Sabi ni mama sa likod ng pintuan.

So does this mean she can read my thoughts?

"Agnes, alam ko na yang mga ini-isip mo ah! Wala tayong CCTV, di tayo rich kid! Okay?" Wait, anong sabi ni mama? Rich kid daw?

"Ah okay," Bulong ko.

"Oh sya, bumangon ka na dyan ah!"

"Opo!"

"Gigisingin ko na din yung mga kapatid mo ah!"

"Opo," Tinatamad pa ko e, sige, pag bibigyan ko na yung sarili ko, last fiv—

"Oo nga pala, walang last five minutes ah! Papasukin talaga kita dyan!"

Nandun pa si mama?!

Kumaripas ako ng takbo papuntang bathroom para maligo. Ang creepy.

Bumaba na ko agad after kong maligo, naka handa na din sa lamesa ang pagkain at nandun na din yung mga kapatid ko.

"Ate, anong section mo?" Tanong ni Allysse, kapatid kong mas nakaka-bata ng isang taon.

"C, bakit? Ano bang section mo?" Hinila ko yung upuan at umupo.

"A," naka-ngusong sabi ni Allysse, "Ayoko nga sa A, lagi kasing una sa mga program ang mga section A diba?" Maarteng sabi nya may kasamang dabog.

"Oh ano naman? Maganda nga yon, para pag kunwari may kaparehas kayo ng step, sasabihin nilang sila ang gaya-gaya, hindi kayo, alam mo kung bakit? dahil kayo ang nauna at sila ang nahuli. Di mo ba naisip yon?" Pagpunto ni kuya Japs, mas nakaka-tandang kapatid, two years ang tandan nya. 2nd year college na sya at architecture ang kinuha nyang course. Bukod don, St. James High graduate sya. For short, sa school namin sya grumaduate.

"Oo nga, swerte nga kayo e," Pag sang-ayon ko kay kuya Japs.

"Ang galing talaga ng kuya ko!" Kunyaring puri ni Allysse.

Nag-tawanan lang kami. Pero sana nandito si kuya Bry, mas masaya siguro yon. Namiss ko tuloy sya.

"Ay, wait ate, kaklase mo ba si Edward?"

"Sino yon? Parang wala naman akong kilala sa section namin na Edward," Sabi ko at sumubo ng pancake.

"Nako ate, si Edward Reyes! Yung umalis ng one year, tapos bumalik ulit!"

"Oh anong gagawin ko?" Sino ba yun? Ang hilig talaga ng kapatid ko sa mga ganto.

"Tinatanong ko nga kung kilala mo.."

Parang narinig ko na yung pangalan na yon, di ko lang sure kung saan.

"Bakit mo ba tinatanong? E hindi nga e."

"Eh kasi crush ni Allysse yon!" Sabi ni kuya Japs habang tumatawa.

"Kuya, kilala mo yon?" Tanong ko.

"Oo, kabatch mo yun! Magkaiba lang kayo ng section."

"E pano mo nakilala?" I asked again.

"Sa basketball team, nandun sya ah. Di mo alam?" Nabilaukan naman agad ako, hindi ba sya si Edward Cullen?

"Yah, nasa basket ball team sya dati, and that's why sasali ako sa cheerleaders squad," Nagflip ng hair ni Allysse.

"Baho ng buhok mo, naligo ka ba?" Pang-aasar nanaman ni kuya Japs kay Allysse.

"Ah okay, never heard of him," I said before drinking my water. Totoo naman. Pero sino nga ba yon?

"Ate kaklase mo yon! Pag nag kita kayo pakilala mo ko ah!" Allysse nudged me.

"Pano pag ayoko?" Ngumiti ako na parang nang-aasar.

"Ate sige na, alabyu!"

"Hoy Allysse! Di kayo bagay nun!" Nandidiring sabi ni kuya Japs.

"Kayo ah! Tama na yang kulitan, Tapusin nyo na yang pagkain nyo para mahatid na din kayo ni papa," Sabi ni mama habang sinasaway kami.

"Ano okay na ba kayo? Tara na, male-late na kayo oh, 5:30 na," Sabi ni papa habang bumababa ng hagdan. Napakahigpit nya talaga pag dating sa oras.

"Pa, e ito ngang si Allysse nakakadalawang subo pa lang," Sumbong ni kuya Japs.

"OA mo kuya! Porke tapos na kayo ni ate ah! Tsaka matatapos na ko noh!"

Tumayo na ko at nilagay ang pinagkainan ko sa sink, "Nak, ako nang bahala mag hugas nyan," Sabi ni mama sa akin. I nodded.

"Oh tara na," Aya ni papa.

"Ito kasing si Allysse babagal-bagal," Pinitik ni kuya sa noo si Allysse.

"Aray kase!" Hinampas nya naman si kuya bilang ganti, "Ito na nga," Dabog ni Allysse habang naglalagay ng panagkainan sa sink.

"Anak, may sakit ka ba? Kanina ka pa tahimik ah," Tanong ni mama habang nakahawak sa balikat ko.

"Hindi ma, ang daldal ko nga po e, okay lang po talaga ako," I smiled and she doesn't looked convinced, "Ako pa!"

"Oh edi kung ganon, tara na," Pag mamadali ni papa.

"Oo na nga po pa, wait ka lang," Sabi ni Allysse sabay kuha ng bag.

"Oh sige, bye, mag-ingat," Paalam ni mama at isa-isa kaming humalik sa pisngi ni mama.

"Bye ma! See you po!" Pahabol ni kuya Japs. Kahit gaano talaga kapasaway si kuya hindi nya maitatagong mama's boy sya.

My Love Error 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon