3. Toast

855 41 13
                                        

Beatrix

"Alright guys, let's make a toast for our friend na handa nang magpatali. Nicky, you still have time to back out man, just tell us."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Daniella na makatayo habang nakataas ang hawak nyang wine glass habang nakangisi kay Nicky. Kararating lang nya kaninang hapon mula sa Hongkong.

We're currently at Caviar Restaurant and Champagne Bar. Dito nako dumerecho pagkatapos kong puntahan yung location ng bagong project namin.

As for Madison, she's still in a dinner meeting with a client. Buti nalang kasama nya si Kuya Rain ngayon, atleast hindi ako masyadong mag-aaalala sa kanya. Pero miss ko na sya eh. Sana makahabol sya.

"Dang Nicky! I never thought na ikaw ang pinaka unang magpapatali samin." Natatawa pang dugtong ni Dan.

Lahat naman kami natawa sa sinabi nya. Parehas lang din naman kami ng reaction nung nalaman namin yung engagement nila. Dan wasn't able to attend our House Blessing so parang continuation na din to ng celebration namin. And kaibahan lang, yung bayawak ko naman ang wala.

"Well, what more can I say? Masyado kasi akong rare gem na ayaw na akong bitawan ni Pia." That's Nicky and she's pertaining to Sophia.

At ang huli naman ay nabwisit. As usual, aso't pusa talaga yang dalawang yan. Lahat kami hindi makapaniwala kung paano sila nagtatagal.

"And of course, another toast for my princess doll who finally have her own castle with her princess charming."

Bumaling ang tingin ko sa katabi ko na sakin na pala nakatingin. Her eyes are sparkling, and I can clearly see how genuinely happy she is for me.

I smiled warmly at her, blushing a bit myself.

Princess doll. That's how my parents call me and nahawaan nga nila si Daniella. All these years, she still calls me that endearment andyan man o wala si Madison.

"You guys, sa dinami dami ng nangyari, I'm so happy that our friendship remains strong and intact. I won't trade this family for anything." Dugtong nya pa.

"Awwww..." Pare-parehas kaming na-touch sa sinabi ni Dan.

"Cheers!"

Masayang sabi ni Luis at nakipag-toast kay Dan.

Isa isa namang tumayo ang mga kaibigan ko at nakipag-toast na din.

I checked my phone kung tumawag or nagtext na ba si Madison, but wala. Nagtext nalang ako sa kanya na iupdate nya ako kapag natapos na yung client meeting nya.

I don't want to sound like a clingy girlfriend kasi alam ko naman kung nasan sya.

"Isabella, where's Madi?"

"Client meeting." Nakangiting sagot ko kay Daniella at ininom ko yung wine na hawak ko.

"Ohh. Masyado namang nagpapayaman yung kapatid kong yun, gusto na ata gawin lahat ng projects nyo." Natatawang sabi nya.

"Well, you know her, sobrang workaholic. But she knows to balance her time naman." Kibit-balikat kong sagot.

"Really now, bruh?" Sabat naman ni Luis. "Eh just last week parating sakin ka nagpapasama bumili ng mga kailangan nyo sa bahay nyo dahil hindi pwede yung jowa mo."

"Tsk tsk tsk! Baka may babae." Sulsol pa ni Sky.

Sinamaan ko naman ng tingin ito. Palibhasa sa lahat, sya lang yung papalit-palit ng girlfriend.

"Gago ka Sky! Kung di ka masaya sa papalit-palit mo ng gf, wag ka manira ng relasyon." Natatawang sagot ni Nicky dito.

Nag-peace sign naman si Sky samin at nilagok yung isang baso ng alak.

Chasing Forever (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon