2. Stranger

3.2K 88 56
                                        

Beatrix

Beep!! Beep!! Beeeeeeeep!!!!

Napatingin ako sa mga nagbubusina sa'kin sa likod. Stressed na stressed akong napasapo sa noo ko habang humihingi ng despensa sa kanila.

Alangan naman, bigla akong nasiraan ng kotse sa gitna ng daan. Di ko naman sila masisi dahil for sure nagmamadali din ang mga ito. Although hindi naman traffic sa part na'to, pero ngayon nagcocause na'ko ng traffic.

"Damn! Love, please pick up the phone." Sabi ko habang nakatayo ako sa unahan ng hood ng car ko. I don't know what to do.

Kanina ko pa tinatry tawagan si Madison pero hindi nya sinasagot.

"Hoy kung wala kang alam sa kotse mo, 'wag ka nalang mag-kotse! Mag jeep ka nalang!" Sigaw nung lalaki sa'kin sabay paharurot ng kotse nyang mas bulok pa sa kotse ko. Bwisit!

Past 9am na at tirik na ang araw. Sobrang pinagpapawisan na'ko dito.

"Madison, please!!!" Pagmamakaawa ko na sana sagotin na nya yung call ko. Nauna na kasi sya sakin sa company kasi may early client meeting sya. At ako naman ay papunta na sana doon kaso eto nga, nasiraan pa ako.

Damn! First day ko pa namang babalik ngayon sa company, pero eto na nga ang nangyari.

Lagapak na ang pawis ko sa noo. Walang tigil ang kakabusina sa'kin at wala ding tigil yung paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

Madison please!

Tinatry ko pa ding tawagan sya. Kahit mga kaibigan ko tinawagan ko na din pero ni isa walang sumasagot.

Oo, wala akong alam sa kotse. Eto pa yung gift sa'kin nila daddy noon at dahil sa tagal ko ng hindi nagagamit ito nung umalis ako, ewan ko ba kung anong nangyayari.

I tried calling her again and again, but wala. Pinagtatawanan din ako ng ibang mga tao dito. Bakit hindi? Naka corporate attire ako habang naka-high heels, ang arte ng datingan ko pero andito ako sa gitna ng daan at pinoproblema yung kotse ko.

Sasamaan ko na sana ng tingin ang mga ito nang biglang may pumarada sa harap ko na naka-motor. Wala din akong alam sa motor pero ang angas ng motor nya at halatang mamahalin. At kasing tingkad din ito ng araw ngayon— collor yellow. Mas nakadagdag pa sa kaangasan yung naka-all black yung driver nito at naka helmet din ng black.

Pinatay nya ang kanyang motor at lumapit sa'kin na hindi hinuhubad ang kanyang helmet.

Urgh! Thank God! Parang may tutulong na sa'kin!

"You're causing a traffic." Mahina pero madiin na sabi nya nang makalapit ito sa'kin.

Automatic naman napataas ang kilay ko sa sinabi nya pero dahil totoo naman yung sinabi nya ay humingi nalang din ulit ako ng paumanhin.

"I'm sorry. My car has a problem. I was trying to call for help, but out of reached kasi eh." I explained.

Tumango naman ito at tiningnan yung kotse ko. "Open the hood." Sabi nya. Di ko naman maiwasang mapakunot yung noo ko. Kung pagbabasehan ko kasi yung tindig at katawan nya ay mukha itong babae pero yung boses nya sobrang deep, aakalain mong lalaki ito.

Humarap ulit ito sakin. "Are you just going to stand there?"

Bigla naman akong natauhan sa sinabi nya at dali-daling pumunta sa loob ng kotse. Nung nabuksan na yung hood ay lumabas ulit ako para tingnan yung ginagawa nya.

May kung ano ano syang kinakalikot dito. Sakto namang nag ring yung phone ko.

Dali-dali ko itong sinagot ng makita na si Madison yung tumatawag.

Chasing Forever (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon