9. Groundbreaking Ceremony

373 21 4
                                    

Beatrix

"Architect Villapando, wait up!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. It was Cristina. Hinihingal ito nang makalapit sakin habang hawak-hawak ung dibdib nito habang nakatungo at nakahawak ung isang kamay nya sa tuhod. Nasa basement parking na kami at bubuksan ko na sana ang aking kotse nang tinawag ako nito.

"Breathe, Cristina. Breathe." Sabi ko naman at lumapit dito para haplosin ang kanyang likod. "Okay ka lang? Ba't ka kasi tumatakbo?"

Umubo muna ito ng ilang beses bago nakangiting umayos ng tayo. "I'm fine ma'am. May—" huminga ulit ito ng malalim. "May pinapasabi lang po si Architect Luis sa inyo."

"What is it?"

"Tumawag po sya sa'kin. Hindi daw po sya makakasama sa inyo ngayon."

Napakunot naman noo ko sa sinabi nya. "Tumatawag po sya sa inyo pero di ka daw po sumasagot eh." Dagdag pa nito.

Automatic naman na hinanap ko yung phone ko sa dala kong bag pero di ko mahanap. Shit! Naiwan ko pa ata na nakacharge sa office.

"Did he mention why he couldn't go with me?" Tanong ko dito. Patay na, nagmamadali pa naman ako and I need him to be with me. Groundbreaking ng project namin mamaya and I need to go now para di ako ma-late.

"Emergency daw po. Nagtext na din po sya sa inyo."

"But my phone's not with me!" Medyo napataas ang boses ko sa frustration. Damn! Of all the times na pwede ko maiwan ang phone ko, why now?

Napatingin ako kay Cristina at mukhang nagulat ata sya sa reaction ko. "I'm sorry, Cris. But thank you for informing me."

"Gusto nyo po kunin ko po sa taas yung phone nyo?" Tanong nito.

Napatingin ako sa watch ko at napapailing nalang ako sa isip ko. "I don't have time. Cris, can I ask for a favor? Please inform Madison na papunta na ako ng Bulacan and my phone's not with me. I'll find a way to contact her when I get there. Thanks and I really have to go."

Di ko na hinintay yung sagot nya at nagmamadaling pumasok sa sasakyan ko. Dapat kasi umalis na ako kahapon eh. Andun na yung ibang team ko kahapon pa para masiguradong okay ang lahat. Usapan namin ni Luis na ngayon kami susunod pero nagka emergency ang baklita. I hope he's okay though. Di ko tuloy macheck kung anong nangyari sa kanya.

Napapailing nalang ako habang nagdadrive. First time kong umalis na walang phone and feeling ko kalahati ng buhay ko ang wala.

Okay, I don't want to sound exaggerated or anything, but sa field ng work ko, my phone is really important. Ang dami daming kliyenteng tumatawag sakin dun. At paano ko macocontact si Madison kung wala yun?

Oh my God! Tyak magagalit sa'kin yung bayawak na yun kapag hindi nya ako macontact!

"Damn it! Nasan ba kasi ung isip mo Beatrix at naiwan mo yung phone mo!"

I'm trying to calm down kasi hindi pwedeng mainit ang ulo ko habang nagdadrive but di ko talaga mapigilang hindi mabwisit sa sarili ko eh.

I silently prayed na hindi din magloko 'tong kotse ko ngayon lalo na't medyo malayo ang byahe ko at bukirin pa ang madadaanan ko.

Pero sa kamalas-malasan, kung saan halos walang mga bahay, and I'm in the middle of nowhere, tumirik ang kotse ko.

Gusto kong maglupasay dahil sa inis pero ang nagawa ko lang ay sipain yung gulong ng kotse ko.

"Damn it!"

Paano ako makakatawag ng tulong nito if I don't have my phone with me?

Goddamn it. May ikakasira pa ba yung araw ko ngayon?

Chasing Forever (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon