Chapter 8

180 4 2
                                    

"Nakita ko si Erin, with Raniego lumabas ng campus kaninang lunch."

"Saan daw pupunta?"

"Ewan.. Hindi ko naman sila nakausap."

--

5:26 am. Heto ako sa kama ko, nakatitig sa kisame. 

Ewan ko ba. Wala ata ako sa sarili ko kahapon pa after ng lunch. Hinanap ko kasi si Erin. Tapos naabutan ko si Nam, sa may corridor, kaya tinanong ko siya. At yun nga. There's a lot of question na umiikot sa ulo ko.

"Ba't sila mag kasama? At silang dalawa lang."

Ehhhhhh kasi naman! Baka may gusto si Erin kay Kai? :( Pero sabi niya wala naman eh! Ano ba 'yan.. Pano pag meron? Awwwww! Edi magkakandaleche leche na ako.

"Anak! Bumangon ka na! Baka malate ka sa pasok mo."

Narinig kong tawag ni mama, kaya tumayo na ako at nag ayos na para pumasok. Kahit si mama at mga kapatid ko napansin na malumbay ako. Iniisip ko kasi kung may gusto si Erin kay Kai. Or! Si Kai ang may gusto kay Erin? :(

Eh kasi si Erin, maganda, matalino, sporty, mabait. Kahit sinong lalaki din magkakagusto sakanya. Tsaka, si Kai.. Pag minsan nagtatanong siya about kay Erin. Kung bakit daw palagi mainit ulo niya sakanya..

"Ma, alis na po ako." Sabay sara ng pinto. Naglalakad lang din  ako papuntang school. Malapit lng naman, tapos pag sinuswerte, nakakasabay ko yung mga bestfriends ko since isang neighborhood lang kaming lahat.

Dadaanan ko pala yung bahay ni Erin. Sana makasabay ko siya. Para matanong ko na din :(

"Best!" Sigaw ko. Palabas palang siya ng gate. Ngumiti siya sakin at nag wave. Parang maganda gising niya. Ano kaya reason kung bakit? Si Kai kaya?

"Good morning, Abi!" Tapos sumabay siya sakin mag lakad. "Ganda nanaman ng gising mo ah, Inlove?" :(

"I dunno! Hehehe. Oh, ba't parang matamlay ka?" Tanong niya.

Nag sigh ako. "Wala. Trip ko lang." Sagot ko. Pero ang totoo, hindi ko alam kung may gusto ka ba kay Kai or may gusto siya sayo. Nasasaktan ako :|

"Lakas ng trip mo ah. Wag ganyan. Gayahin mo ako, maganda mood! HAHAHA." Tapos nag smile lang ako sakanya.

Malapit na pala kami sa school. Di ko pa natatanong kung bakit absent siya.. Sila kahapon ni Kai.

"Erin, nga pala..."

"Uy! Hi Erin!" OMG Si Kai... "Hi Abi!" Tapos lumapit sakin si Kai. Nag "hello" naman ako sakanya. Kinukulit niya ako pero di ako masyado nakikipagkulitan sakanya. Nakita ko si Erin may katext sa phone. Or nag te-text-text-an lang? Kasi diba pag na-a-awkward ang isang tao, nag papanggap siyang nagtetext? Hehe. 

"Oy, ba't matamlay ka?" tanong sakin ni Kai habang pinopoke yung shoulders ko. I just shrugged his hands off.

"Tumigil ka nga. Ang aga aga ang kulit mo!" Sigaw ko sakanya. Na shock siya, pati na din si Erin. 

Oo alam ko bad yung ginawa ko >_< Di porket may gusto ako sakanya, eh pwede niya na pagtripan ang feelings ko! 

"Woah. Chill. Scandalosa." Sabi ni Kai at naunang maglakad. Aww. Scandalosa? :( Nagalit ata. Grabe! Siya pa may ganang magalit. 

"Ang ingay niyo. Grabe." Sabi ni Erin. Lumingon ako sakanya, "Problema mo ba, Abi?" She asked. Ako pa talaga maingay? Sinong nang kukulit kanina? Argh! Problema ko? Kayo ni Kai ang problema ko!

"You're all pissing me off today." Then I walked out leaving Erin on the school gate, dumbfounded. 

Nakapasok na ako sa building. At dumiretso sa classroom namin. Seriously. Nakakainis! Nakakainis talaga! Una magiging sweet sakin si Kai. Tapos sunod, he'll ask random questions about Erin, then sweet nanaman, then di ako papansinin, tapos si Erin ang papansinin niya. Nakakagulo! Di ko maintindihan kung MU ba kami or kaibigan lang talaga ang tingin niya sakin...

Even Though It Hurts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon