Chapter 9

193 5 2
                                    

"Good Afternoon, I'm Kirby Perez. Nice to meet you all."

Nanlaki yung mga mata ko. Diba sabi niya, Di niya naman ako classmate?  O_O

Tiningnan ko sina Erin, Macey, Isha and iba pa. Nakatingin na din sila sakin, yung mga mata nila, nagtatanong ng "Bakit andito siya?" 

"So, be nice to your new classmate." Tapos nag "yes" naman lahat tapos naririnig ko yung iba namin classmate na babae, nag s-squeal. Lalandi ah. Pogi naman kasi tong si Kirby.

"Mr. Perez, you can seat there." Tapos tinuro yung empty seat ni Kai...

NI KAI!!!! O_O

Maglalakad na si Kirby ng... Tumayo si Kai sa tabi ni Eris, "Sir! That's my proper seat ho." 

"Mr. Raniego! Bakit wala ka sa proper seat mo?"  

"Mehehe. Mainit doon, sir." Sagot nito. Tapos umupo ulit.

Si Kirby nakatayo lang, nakatingin kay sir. "Hay nako. Macey, saan ang empty seat pa dito?" Di naman kasi siya adviser namin.

Agad naman tinuro ni Macey yung empty seat malapit samin. Sa likod din. Tapos umupo si Kirby, tiningnan ko siya, I gave him the SABI-MO-HINDI-TAYO-MAGKAKLASE-LOOK. Tapos nagsmile lang siya tapos nag wink. Parang ewan to >:|

Nag start na ang lesson. Nakakawalang gana naman tong TLE namin. Drafting pa. Wala ako alam sa pag d-drawing eh. Measurements and etc! Nakakapikon. May kumalabit sakin kaya napalingon ako sa likod.

"Kilala mo yung new classmate natin?" Tanong ni Kai. I just nodded. Di na ata galit. 

"Wooh~" Pero mukhang oo parin.

"Weird mo."

"Mas weird ka." Pagtataray nito. Lalaki ba to? kala ko babae lang ang nagtataray!!

Tapos tumingin na ulit ako sa harap. Lumilingon ako kay Kirby, pero nakatingin lang sya sa unahan. Natapos yung araw ng sobrang tagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal. 

May kanya kanyang lakad yung mga kaibigan ko kaya ayun. Iniwan ako mag isa. "Erin! Wait mo ako!!!" Nakita kong hinahabol ni Kai si Erin. Ayan nanaman eh >_< 

"Shoo!" Pang-shoo ni Erin kay Kai tapos tumakbo ng mabilis palabas ng classroom.

"Saan kaya 'yun pupunta." I whispered to myself.

"I dont know.." Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Kirby sa tabi ko, nakatayo na ako sa harap ng desk ko kasi nag aayos na ako ng gamit.

"Di kita kinakausap.." Pangtataray ko sakanya.

"Bipolar mo din noh? Eh sinong kinakausap mo? Sira ulo ka na. Kinakausap mo sarili mo." He joked. I just glared at him.

Nakita kong wala ng tao sa classroom namin, kaming dalawa nalang.

Umupo siya dun sa seat ko, kaya ako napaupo sa upuan sa harap ng seat ko. I sighed heavily.

"Si Kaiser Raniego.. Yun ba?" He asked habang nakatingin sakin. I nodded. "Psh. Di naman gwapo. Mas gwapo pa ako eh." Tapos nag smile ulit siya.

Tiningnan ko lang siya.

"Diba mas gwapo ako~? Diba~?" O_O He's acting cute.

"Haha.. Anong ginagawa mo?" I asked.

"Hindi mo na tanda? Diba nung bata tayo, yung kalaro natin sa playground na may crush sakin, tapos na iinsecure ka?" He asked.

"Kelan naman ako naging ganyan?" 

"Sabi mo pa nga eh, Kirby~ Kirby! Diba mas maganda ako~? Diba~?" He repeated it again, pero iba na.

Tumawa ako ng malakas. Hindi bagay sakanya. "Tumigil ka na, di bagay sayo! Para kang bakla! HAHAHAHAHAHHAHAHHA." Maiiyak na ako sa kakatawa.

Even Though It Hurts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon