Chapter 3

245 9 4
                                    

After ng nangyari noon sa clinic, nagpatuloy nalang ang tinuturing kong "daily routine" kung saan inaasar si Kai kay Abi. Para hindi naman halata na may gusto ako kay Kai. Pero napapansin ko kay Abi this past few days hindi siya masyadong kinikilig, or better yet, pinapakita na kinikilig siya. Bakit kaya.

Naglalakad kami ngayon ni Abi sa school field. Kakatapos lang kasi ng practice ko sa Archery and walang practice si Abi sa tennis. Sina Macey & Chrystal naman may inasikaso sa classroom, si Isha & Hara may practice sa dance club.

"Puntahan kaya natin si Kai sa taekwondo club? Yiee!" 

"Anu ba, Erin..."

Badtrip? May period? HAHA

"Problema mo? Ba't di ka kinikilig? Haha."

"Eh, kasi naguguluhan na ako."

"Naguguluhan, saan?"

"Kay Kai."

"Ano sakanya?"

"Should I tell him?"

"Should you tell him what?"

"LG MO ERIN!! Should I tell him that I like him? Mag confess na kaya ako? I can't keep it na kasi eh. Gusto ko ng malaman niya. Malay mo may chance din ako sakanya diba?"

Ouch </3 Oo, may chance din naman kasi. Like, my bestfriend is popular in our school. Maganda siya, matalino, approachable & tennis player sa school. Sinong lalaki ang  hindi magkakagusto sakanya?

"Ha? Oh, ikaw bahala." </3

"Pero diba pangit pag babae yung nag confess? >_<"

"Oo, siguro. Pero sa Japan & South Korea mga babae nauunang mag confess ah? HAHA! ^_^"

"Hello? Pilipinas tayo. Hahaha."

"Joke nga lang. Pero kung gusto mo ng malaman nya, eh di go! Supportado kita jan, best!" Oo. Suportado ko siya. Pero pano ako? :(

Hinug niya ako, "Thanks best! Ngayon na plano kong mag confess eh. Okay ba?"

"Hala, ambilis ha?" Di pa ako ready ma-broken hearted. Hindi pa :(

"Ngayon na. Tara at puntahan natin siya sa Taekwondo club."

-----

Taekwondo Club's Practicing Hall

"Hyaa!"

"Haa!"

"Woohaa!"

Nakarinig kami ng mga hiyaw bago buksan yung pintuan ng hall. At pakabukas namin ay nakita namin si Kaiser na may ka-sparring. Nag paalam kami sa trainor ng club kung pwede manood ng practice nila, pumayag naman ito at pinaupo kami sa isang mat sa sahig.

Tinitingnan ko si Kai, ang galing niya. Ang taas at lakas ng sipa niya. Nakakabilib *u* Nakakainlove nga din eh. Tapos naalala ko, ngayon pala ako mabobroken hearted...

Nakatitig pa din ako sakanya ng....

Lumingon siya at tinanggal yung head gear niya. Tapos nag wave siya sakin. Tapos kay Abi. Ang gwapo niya, wet look! 

Tapos ginulo nya yung buhok nya na basa ng pawis habang papalapit samin.

"Hi girls. Naparaan kayo?"

"Mag practice ka nga lang. Wag mo kaming intindihin. Mamaya na tayo.. I mean KAYO! mag usap..." Inemphasize ko talaga yung 'Kayo.' 

Napalingon naman si Kai kay Abi. "Ano pag uusapan, Abs?" Oh, may pa Abs-Abs pang nalalaman.

Even Though It Hurts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon