Chapter 2

255 7 4
                                        

I didn't know how hard it is to keep a secret from your bestfriend. Syempre, pag bestfriend ang pinag usapan, lahat niyan alam sayo, pati deepest darkest secrets mo alam niyan.

Well, alam naman ni Abi lahat ng akin, wala naman akong tinatago sakanya.

Except for one..

Na mahal ko talaga yung mahal niya.

Iniisip niyo siguro ngayon na mas mabuting sabihin ko sakanya to, mag usap kami, ek ek! Ayokong sabihin sakanya kasi ayokong magalit siya sakin, kasi di ko sinabi sakanya. Or mag away kami dahil sa isang lalaki. Kaya nga motto namin ay, "Sisters before Misters." Mas okay ng ganto, ako lang naman nasasaktan. Kaya ko naman tagalan eh.

"Erin! Kain na tayo~" Sabi ni Macey habang inaayos yung gamit niya. Lunch break na kasi.

"Tara." Sabi ko sabay tayo ng upuan ko.

"Ay! Wait! Una na pala kayo! Ipapasa ko pa to sa faculty room!" Hirit ni Macey.

"Sama na ako, Macey! Daan tayo kay crush! :D" Kilig na sabi ni Hara. Kaya umalis na din sila with Chrystal. Si Abi naman, pumunta sa kapatid niya sa grade school department.

Kaya naiwan kami ni Patricia at dumiretso na ng canteen.

6 kaming mag bebestfriend: Ako, si Macey, Hara, Abi, Chrystal and Patricia

We're all childhood friends. Tapos hanggang ngayon magkakaibigan pa din. Same schools din kami from the start. And ang maganda pa niyan, same village kami. Since mga parents namin, magkakabatch and magbabarkada nung college sila. We call Patricia sa nickname niyang 'Isha' Cute eh >:D<

Pumunta na kami ni Isha sa canteen at dumiretso sa counter at bumili ng pagkain naming dalawa at umupo sa isang bakanteng table.

Lutang ang isip ko. Ewan ko kung bakit. Naiisip ko kasi siya...

"Iniisip mo nanaman si Kai..."

Napalingon ako bigla kay Isha.

"Ha?"

"Alam ko na, Erin..."

Bumilis tibok ng puso ko. Alam niya? Ang alin? Na mahal ko si Kai? 

"Alam mo? Haha! Ang alin, Isha?" Pasimple kong tanong. Wag kang magpapahalata, Erin! Wag.

"Na mahal mo si Kaiser."

Mahina niyang sabi.

Wala talgang sikretong hindi nabubunyag.

Napayuko nalang ako.

"Alam mo, Erin. Kahit di mo aminin, alam kong mahal mo siya. Di mo yun madedeny. We've known each other for a long time na. Alam ko halos lahat sayo. Mula sa mood mo, hanggang sa nararamdaman mo. Alam ko yan."

"Pero bakit yung iba, hindi?"

"Di ka kasi nila tinititigan ng maigi. May kanya kanya tayong problema kaya ganun. Pero ako, kitang kita ko sayo kung anong mga problema ang nariyan. Lalo na sa mga mata mo."

Teary eyed na ako ; _ ;

"D-di ko siya m-mahal...." Nauutal kong sabi :( Ayokong umiyak. Tama mga sinasabi ni Isha.

"Indenial queen." Narinig kong mag sigh si Isha. Ba't ang galing niyaaa ;_;

"Di n-nga sabi."

"Oo na. Whatever. Kahit anong sabihin mo. Basta alam mo jan sa kaloob-looban ng puso mo...

MAHAL. MO. SI. KAISER." 

Mahina lang yung pagkasabi niya pero parang ang lakas para sakin...

"Oo, mahal ko nga......."

Even Though It Hurts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon