Nakauwi na ako sa bahay after this stupid day.
After nung nangyari sa parking lot. Sobrang naiinis, na nagagalit na na napipikon na nalulungkot. Mixed emotions. Nakakasjalsjal sarap manuntok!
Umupo lang ako sa sofa at nanuod ng tv. Every minute chinicheck ko phone ko. Naghihintay na mag text ang isang tao na gustong gusto kong makausap.
Sino?
Hindi ko alam kung bakit, pero si Erin ang gusto kong mag appear ang name sa phone ko.
Gusto ko na ngang itapon yung phone ko eh.
"Antagal ni ate!" Pasigaw na sabi ko at tumayo ako. Tumaas ako at pumasok ng kwarto, nag bihis. Punta ako sa coffee shop namin. Andun siguro si ate nagtatambay.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko at nag drive na papunta sa coffee shop namin. Si ate nag mamanage nun.
Pumasok ako at grineet ako nung mga barista sa shop. Nag smile naman ako at dire-diretso sa office ni ate. Pag pasok ko, lumalamon siya nung blueberry cheesecake.
"Ate!" Sigaw ko at sinira yung pinto. "Oh kapatid! Kain ka." Alok niya.
"Ayoko. Gusto ko dinner."
"Maya maya, treat kita!"
Tapos umupo ako, nag wiwifi lang ako habang siya lumalamon pa din at may ginagawang paper works. Oo, maraming trabaho ang Ate Joan ko XD Nurse sa clinic namin tapos nagmamanage nitong coffee shop.
"Ate.."
"Hmm?"
"Ano kasi.. May problema ako. Pahingi advice."
Magaling si ate sa mga pag advice advice sa mga kaibigan niya kaya hingi na din ako. Gusto ko din malaman kung bakit ganto ang nafeefeel ko.
"Anong problem? Lovelife?" She asked, she also stopped typing on her laptop tapos tumingin siya sakin.
Tumango ako.
"Wow.." Ngumiti siya. Tapos tumayo siya at lumapit sakin, hinug niya ako mula sa likod na kinadiri ko naman, "kadiri! Alis nga." Tapos kumalas siya at umupo sa harap ko.
"Inlove ka na ba Kai? *u*" Nagniningning ang mga mata niya. Nag make faces lang ako.
"Ano ba yang problema mo? Kwento mo dali!" Excited niyang sabi, nag face palm muna ako bago mag kwento.
"Eh kasi ganto yun, ano.. erm.." Nagkamot ako ng ulo, di ko kasi alam kung pano ko ikukwento. "I started feeling some !@#$% nung naging magkatabi kami ngayong third year. Pero nagagandahan na 'ko sakanya nung pag transfer ko palang nung 1st year.. Tapos ano.."
"Si Erin ba yan? :)" Ngiti-ngiting tanong ni Ate. Tumango nalang ako.
"Tapos ngayon si Hapon." I continued. "Si Jiji? Ano sakanya?" She asked. "Oo, si Yuji, Ate. May gusto siya kay Erin. Tapos kahapon, may ginawang plano si Yuji, nanliligaw na siya ngayon kay Erin... Pero before kahapon. Nung friday, masaya ako kasi kaming dalawa yung magkasama after ng training, tapos palagi kaming magkausap the whole day." Tumatango lang si Ate.
"Tapos niyaya kaming kumain sa labas, ako, si erin, si Yuji, tapos dalawa pang kaibigan namin. I asked her questions about Yuji, kung nililigawan siya, kung may gusto siya at etc! Tapos sinagot niya yun, Oo raw may gusto siya. Tapos nagbago mood ko, nainis ako na na-e-ewan. Tapos mas nainis ako nung hinatid na namin si Erin pauwi, niyakap ni Yuji si Erin. After nun, ayoko munang kausapin si Erin. Kaya kanina hindi ko siya kinakausap ng buong araw kahit kinakausap niya ako. Tapos may nangyari, dahil sakin muntik na siyang masagasaan sa parking lot kasi may palabas na kotse. Nakakainis nga Ate eh. Huhugutin ko na sana siya. Kaso naunahan ako." I said.
"Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siyang kausapin. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pag magkasama sila ni Yuji. Hindi ko alam kung bakit masakit sa dibdib nung nakita ko silang naglalakad paalis sakin..." I ended.
Nag sigh si Ate.
She hugged me ulit. "Inlove ka na nga!" Sabi niya after akong i-hug. "Hindi nga sabi."
"Bakit ba deny ka ng deny, Kai?" She asked. "Alam mo kung bakit ganyan ang nararamdaman mo? Kasi mahal mo na si Erin without realizing it. Sabi mo naiinis ka kasi sinagot ni Erin na may gusto siya kay Jiji? Naiinis ka kasi silang magkasama palagi? Naiinis ka kasi nililigawan na ni Jiji si Erin? Alam mo kung bakit ka naiinis? Kasi nag seselos ka. Nag seselos ka kasi you care about her, you care about her kasi YOU LOVER HER." She said.
Tahimik lang akong nakikinig sakanya.
"Naiinis ka din kasi naunahan ka ni Yuji sa paghigit sakanya. Dapat lang na mainis ka. Kasi naunahan ka din, pati sa pag ibig." She continued.
Tahimik lang ulit ako. Di ko pa na-poprocess sa isip ko.
LOADING LOADING LOADING.
100%
"Kaya ganto nafeefeel ko kasi, mahal ko si Erin?" I asked. She nodded. "Mahal mo siya lil bro! Inlove ka na! FOR THE VERY FIRST TIME INLOVE ANG NAG IISANG TAGAPAGMANA NG RANIEGO FAMILIAAAA!" Sigaw niya na parang baliw.
"Para kang baliw ate." Sabi ko.
"So, anong plano mo?"
Ano nga ba? Ngayong narealize ko ng mahal ko nga talaga si Erin.. Kaso nilalayuan niya na ako.
"Kinausap niya ako kanina, last convo na daw namin yung kaninang pagkausap niya sakin. Lalayuan niya na ako kasi hindi ko siya kinakausap..." I said.
"Tanga mo." Sabi ni Ate -___-
"Talino mo, promise." Sabi ko naman.
"Alam kong nahuhurt ka kaya di mo siya kinakausap. Oo, my lil bro, NA HU-HURT KA. Pero dapat kinausap mo siya! Para naman hindi na magkanda leche leche ang lovelife mo."
"Eh pano si Yuji.."
"Wag mo munang isipin si Yuji. Oo, selfish na kung selfish, kapatid. Mahal mo si Erin. Ipaglaban mo. Malay mo, mahal ka din niya?"
"Pero may gusto nga siya kay Yuji kaya wala akong pagasa!"
"Ewan ko sayo! Masyado kang negative. Think positive naman jan, gayahin mo 'kong maganda mong Ate."
-___- Maganda raw. Eww. HAHAHAHA
"Eto lang mapapayo ko sayo Kai, i take back my words earlier. Matalik na magkaibigan kayo ni Yuji since birth. HEHE. Kung ganun na talaga kamahal ni Yuji si Erin, at hindi mo pa naman gaanong kamahal si Erin. Layuan mo na. Hayaan mo na silang dalawa. Pero kung kayang layuan ni Yuji si Erin para sayo, why not. Pero eto lang ha..."
"Wag niyong hayaan masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa iisang babae." She continued.
Tumango ako. Siguro, I'll try my best na layuan na din si Erin. Anjan naman si Abi diba? May gusto siya sakin maybe She'll help me na layuan si Erin. Ta-try ko na ding mahalin si Abi...
"Thanks Ate. Ang korni ng paguusap natin, feeling ko nababakla ako." I said tapos tumayo ako.
Lumabas na din ako ng office ni ate, "Kai!" Lumingon ako, si Ate ulit. Dala na yung bag niya.
"Kain na tayo ng dinner sa labas.." She said and sabay kaming lumabas ng coffee shop..
-----------------------------------------
YOLO
BINABASA MO ANG
Even Though It Hurts.
Teen FictionHave you ever fallen inlove with a boy so hard and you found out that your bestfriend is inlove with him, too? Would you let your happiness slip out of your hands just to see your bestfriend happy? Or will you be selfish and be happy while your best...