"Uyyy~ Kaiser! Tawag ka ni Abi! Tingnan mo to!"
"A-anu ba Erin!!" Kinikilig na nauutal na sabi ni Abi.
"Hahahaha!" Tumawa lang si Kaiser sa nakasulat sa wrist ng bestfriend kong si Abi.
Hinila agad ni Abi mula sa pagkahawak ko ang kamay niya at umaaktong, naiinis at nagagalit siya. Pero sa totoo niyan, kilig na kilig yan. Kumbaga, 'scripted' na tong mga panglilink ko sakanya. Haha. Eh simula palang sinasabi ko na to sakanya, 'Anu ba! Way to para maging mas close kayo.'
"Anu ka ba Erin! Nakakainis ka na!" Sabi ni Abi.
"Yuck. Bura mo nga yan nsa wrist mo, Abi. Hahahaha" Sabi ni Kaiser na tawang tawa pa.
"FEELING MO KAISER!!!!!!!!" Yan, nagalit nanaman si Abi.
Si Abi? Bestfriend ko siya since Grade 1. Abigael Martinez ang full name niya. Well, he's inlove with Kaiser.
At si Kaiser?
Inlove din ako sakanya :(
"Love-Hate talaga relationship niyo, noh? The more you hate, the more you love. Kaya Go lang kayo!"
Eto nanaman ako. Umaaktong masaya. Kahit sobrang nasasaktan na. Eh tanga kasi ako! HAHAHA. Ipaglink ba naman ang bestfriend sa taong mahal na mahal mo.
"Tumigil ka nga, Erin. Haha." Sabay upo ni Kaiser sa tabi ko. Di kami seatmates. Totoo niyan, nasa pinakadulo yan si Kaiser, dun sa may bintana. Pero palagi siyang lumilipat sa tabi ko kasi andun yung electricfan na malakas. At nasa unahan ko ay si Abi.
Pinagmamasdan ko si Kaiser na pinagtitripan si Abi, hinahawakan nito ang mahabang wavy na buhok ni bestfriend at tinataboy naman ni Abi yung kamay ni Kaiser at nagsasagutan sila. Whenever na ganto ang nangyayari, nangliliit ako. Feeling ko, walang nakakapansin sakin. Feeling ko di ako napapansin ni Kaiser.
Nagseselos ako.
Masyado silang close. Well, close, in a way na parati sila nag aaway, tapos magbabati, mag aaway at magbabati. Palagi din silang magkatext at tinatawagan din ni Kai si Abi. Pano ko nalalaman? Masayang nagkukwento sakin ang bestfriend ko sakin. Eh ako? di man lang matext or tawagan. GM lang. Assuming naman kasi ako.
"Huuuy? Althea." Tinapik-tapik ni Kaiser yung pisngi ko.
"UGH!" Sabay hampas ko sa kamay niya.
"Hala! Ang taray talaga."
"Duh."
Napapaspeechless nalang ako pag gumaganyan siya. Kasi naman! Sumisweet-sweet siya tapos ARRRRRGGGGGGGGGGGGGGH! Kainis lang.
Oo, aaminin ko may pagkamataray ako. Pero pag naiinis lang ako. Mabait ako tapos charming >:D<
Nag ring na yung bell at pumasok na yung teacher namin para magstart ng afternoon classes. Nagroll call muna ito.
Di niyo man lang ba naisip kung pano kaming dalawa ng bestfriend ko nainlove sa iisang lalaki?
Transferee siya nung first year kami. Nag transfer siya sa school namin mid-august tapos agad ko naman siyang naging crush. Crush lang talaga, Hanga. Kasi ang gwapo niya. Matangkad. Maputi. Tapos blackbelter pa sa Taekwondo at magaling mag volleyball. Sinong hindi magkakacrush dun? Tapos agad agad lang naman nawala yung pagkacrush ko sakanya since, inlove ako nun sa isang boy since first year na kasalukuyang 3rd year noon. Classmate din namin siya, at agad naman siyang nakadjust samin since andun yung tatlong bestfriend niyang lalaki, yung isa kasabay na mag taekwondo tapos yung dalawa football player ng school.
Tapos ngayong third year namin, yun na. Naging close na kami sa isa't-isa tapos iisang circle of friends kami. Naging close kami nung palagi siyang lumilipat sa tabi ko kahit napapagalitan siya ng adviser namin kasi wala sa proper seats. Dahil sa pagka-sweet niya, nahulog muli yung loob ko. Naging crush ko siya. Tapos di ko maamin-amin sa sarili ko na mahal ko na siya. Hanggang sa nagconfess si Abi na mahal na daw niya si Kaiser. Doon ko lang narealize na mahal ko na din pala si Kaiser.
"Erin Althea Astillero?"
Saklap lang ng kapalaran ko.
"Ms. Astillero."
"Erin!"
"Ha?! Ah! Present Ma'am." Tapos nagtawanan mga classmates ko. Eh, sa paborito ko mag daydream eh.
"Yan kasi, di nakikinig."
"Look whose talking..."
Ikaw, nakikinig ka ba sa tibok ng puso ko?
"Look whose talking, na ano?"
"Wala." Maikli kong sagot.
Nagtinginan kaming dalawa tapos agad ko namang inalis yung tingin ko sakanya at tumingin sa unahan. Pero nakikita ko sa corner ng mata ko na nakatitig siya sakin, lumingon ako sakanya at
"ARAY KO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Sigaw niya ng malakas. Nagulat yung buong klase pati yung teacher namin. Kinurot ko kasi ng sobrang lakas!
"What's happening back there, Mr. Raniego & Ms. Astillero?"
"YIIIIEEEEEEE!" Tukso ng mga classmates ko.
"KINU-*deathglare ko sakanya*-Ah, wala ma'am. Naipit po kasi yung kamay ko sa table. Hehehe!"
--------------------------------------------------------------------------------
A/N: Hi! :) Sa mga readers ko na mga classmates and bffs ko! Hahaha. Hi guys! Labyu all :"> Sana dumagdag din mga readers ko. Nyahaha :D Okay man yung chapter 1? Ang korni. LOLOLOL. WELL~~~~ HAHAHAHA :"D
BINABASA MO ANG
Even Though It Hurts.
Teen FictionHave you ever fallen inlove with a boy so hard and you found out that your bestfriend is inlove with him, too? Would you let your happiness slip out of your hands just to see your bestfriend happy? Or will you be selfish and be happy while your best...