"Ganto.. 1, 2, 3 4 and 5! tapos 6, 7, 8. Then talon, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1!"
Sinunod naman namin yung turo ni Hara. Kasali kasi kami sa presentation para sa Teacher's Day namin. Mabuti nalang si Isha and Hara nasa group ko din. Mga dancers ^_^
Two groups kada section. Since may 3 sections kada year, 9 maglalaban laban by year level tapos yung mananalo lalaban sa ibang year.
Tapos bunutan pa yung nangyari sa klase namin. At ang malas ko pa, nabunot ako. Baka kasi makita yung dancing talent ko. Chos! 4 kami sa isang group, Ako, si Isha, Hara and Aes. Tapos yung isa lahat boys, sina Angelo, Kai, Allen, Karl and Jessie. Then yung isang group naman lahat din babae, sina Abi, Diann, Cynthia, Nina & Ella. Sasayaw kami pati sina Abi. Ewan ko lang dun sa mga boys.
"Okay, isa pa girls." Hirit ni Hara kaya pinatugtog ko na yung sasayawin namin at sumayaw na. Konti nalang at mapeperfect na namin.
Nagpapractice lang kami sa classroom since wala ng lessons kasi sa Friday, presentation na. Busy na lahat kaya pinagbigyan na ng mga teachers.
After namin mag practice nag break muna kami at pumunta ng canteen. Halos lahat ng students naglalakad lakad sa campus, I guess yung mga hindi lang kasali sa presentation since wala ngang lesson XD Swerte ha. Sana di lang din ako napili TT_TT
"Ate, tubig po, yung malaki." sabi ko sa nagbabantay sa canteen.
"Ate, isa din po." Tapos lumingon ako sa likod ko. Si Kai. "Hey, Erin ^_^" Bati nya sakin. Tinalikuran ko lang siya. "Taray mo :P" Tapos di ko pinansin, inabot na din yung tubig ko tapos sakanya then nagbayad kami.
"Oh." Inabot ko. "Taray mo. Meron ka? ^___^V" Nainis ako kaya binato ko sakanya yung tubig. Mabuti nalang at nasalo nya at pumunta na ako sa table kung asan sina Hara. At malas ko din, kasama yung mga kagroup niya sa table namin.
"Huy, galit ka?"
Tinarayan ko lang ulit siya. Nakakainis eh. Oo, may gusto ako sakanya pero pag minsan mga joke niya hindi nakakatawa. Ikaw ba naman sabihan non! Lalaki pa naman. Di na nahiya tong lalaking to. AAAAAAAARRRRRRRRRRRGGGGGGGH! Nakakainis lang.
Uminom ako sa bottle ko, "Galit ka nga?" Tanong nanaman niya. Pakainom ko ay pinatong ko yung bottle sa table at hindi ulit siya pinansin. Wala ako sa mood para pansinin siya ngayon, nakakabadtrip talaga.
"Erin galit ka?"
"Huuuuy Erin..."
"Erin libre kita burger, you want?"
"Sorry naaa~~~"
Sunod sunod niyang sinabi, ako naman nakatingin lang kina Hara na naguusap usap. "Erin, masyado ka naman seryoso. Nagjojoke lang naman ako eh."
Tapos tumingin ako sakanya. Syempre poker face.
"Kala ko ba ang JOKE nakakatawa?"
"Oh, sorry na. Di na mauulit. Promise. Di na ako magjojoke about sa mga bagay na related sa girls >____<"
Tapos nag nod ako. "Oo na. Ang kulit mo eh."
"Yes! Bati na tayo ha?" Tapos tumabi siya saakin. "Dun ka nga umupo! Masikip na!" Tapos tinulak ko siya... "Ayoko. Naiinitan ako dun."
"Ang arte mo talaga. Init lang yan, di ka mamatay jan!"
"Anong init lang. Ikaw kaya dun. Iitim ako jan. Tsk!"
"Ang bakla mo, promise!" Tapos tinulak ko ulit siya ng malakas.
Napalakas yung tulak ko causing him to fall. Hinatak niya yung braso ko para hindi siya mahulog pero mas mabigat siya sakin kaya pati ako nahulog. Hindi naman malakas yung pagkahulog namin, napaupo nga lang.
BINABASA MO ANG
Even Though It Hurts.
Teen FictionHave you ever fallen inlove with a boy so hard and you found out that your bestfriend is inlove with him, too? Would you let your happiness slip out of your hands just to see your bestfriend happy? Or will you be selfish and be happy while your best...