Chapter 10

574 14 8
                                    

Agaw atensyon ang pagdating nina Hanamichi at Kumi sa reception ng kasal ni Hanagata. Una dahil nagulat ang lahat dahil nakabalik na pala si Hanamichi mula sa Canada.  Pangalawa dahil alam ng lahat na may nakaraan ang dalawa. At pangatlo dahil naka basketball short at varsity jacket lang ng team nya sa Canada si Hanamichi. Lumapit ang dalawa kina Hanagata at sa asawa nito.

"Congratulations sa inyo Hanachan at Laila, masaya ako para sa inyo. Laila pagpaloko loko sayo yang si Hanagata sumbong mo saken ha, lagot saken yan. " nakangiting sabi ni Kumi

"Congrats Hanagata at sa misis mo." Bati ni Hanamichi at kinamayan si Hanagata at ang asawa niti

"Salamat, Kailan ka pa nakabalik Sakuragi?" Tanong ni Hanagata

"3 days ago, nadaanan lang ako ni Boss sa convenience store, pilit nya kong isinama dito." Sagot ni Hanamichi

"Sa suot mo halata ngang nadaanan ka lang nya." Natatawang sabi ni Hanagata

Naupo sina Kumi at Hanamichi, natanaw ni Hanamichi si Ryota na kumakaway sa kanya.

"Boss pwede ba akong pumunta dun, kina Ryota? Mangangamusta lang. Tanong ni Hanamichi ky Kumi

"Ikaw ang bahala. Pero bakit Boss pa rin tawag mo saken, hindi na naman tayong dalawa?" Tanong ni Kumi na nakakaramdam ng kilig

Lumapit si Hanamichi kay Kumi "Bakit gusto mo bang maging tayo ulit, alam mo bang miss na miss na kita." bulong nito.

"Magtigil ka nga dyan, wag kang assuming jan. Sige pumunta ka na sa mga kaibigan mo." sabi ni Kumi

"Okey madame namang magaganda sa Canada na patay na patay saken." Pang aasar ni Hanamichi

"Edi dun ka na sa mga babae mo! Ang landi landi mo kalalaki mong tao." Inis na sabi ni Kumi

"Wag ng magalit Boss, smile ka na. Ang ganda ganda mo. Punta lang ako kay Miyagi at Ayako. Babalikan kita agad." Sabi ni Hanamichi at hinalikan si Kumi sa pisngi bago pumunta sa table nina Miyagi

"Namiss ko ang pagbulong bulong nya saken, ang mga pang aasar nya saken. Miss na miss na din kita Hanamichi Sakuragi." Sabi ni Kumi sa sarili

"Tol iba ka talaga, wedding ito naka ganyan ka. Ikaw na ang varsity player ng Canada." Bati ni Miyagi at yakapan ang dalawa

"Tol, nadaanan lang ako ni Boss sa convenience store at pilit nya kong isinama dito.. Ngayon lang din kame nagkita." Sabi ni Hanamichi

"Ha? Ibig sabihin hindi pa ulit kayo? Akala ko naman nagcomeback na kayo tulad ng pagcomeback mo dito sa Japan." tanong ni Miyagi

"Hindi pa tol" sagot ni Hanamichi

"Darating din kayo dun. Kailan ka pa ba dito sa Japan, di ka man lang nagpasabi ahh!" tanong ni Miyagi

Dumating naman si Ayako.

"Nyaaaa Ayako bakit mo naman nilunok ang bola? Ano yan?" gulat na tanong ni Hanamichi

"Tol magkakababy na kame ni Ayako. Alam mo naman matagal ko na syang pinapantasya. Kaya minadali ko na, baka iwan pa ko." Tuwang sabi ni Miyagi

"Welcome back Hanamichi Sakuragi ninong ka ha." Sabi ni Ayako

"Oo naman." Sagot ni Hanamichi

"Tol si Mitsui may pasabog pag nakita mo tyak magugulat ka" sabi ni Miyagi

"Bakit tol magkakababy na din sya?" tanong ni Hanamichi

"Engaged na sya" sabi ni Ayako

"Yung manyakis na yun, sya nagturo sakeng mambabae,mauuna pang mag asawa saken." Sabi ni Hanamichi

Dumating si Mitsui

"Tol kumusta" bati ni Mitsui ky Hanamichi

"Ayos naman tol, eto single na ulet." Sagot ni Hanamichi

"Tol fiancée ko nga pala si Haruko Akagi" pagpapakilala ni Mitsui ky Haruko

"Kumusta ka Sakuragi, welcome back."bati ni Haruko at yinakap si Hanamichi

"nyaaaaa...Haruko my loves...BAKET????  hahaha" tumawa ng malakas si Hanamichi

"Ano bakit ka tumatawa, wag mo sya tawagin ng ganon, makatikim ka saken." inis na sabi ni Mitsui

"Wala, bantay salakay ka kasi. Naalala ko bago ako umalis, sabi ko bantayan mo si Haruko. Binantayan mo nga Tol." Natatawang sabi ni Hanamichi

"Wala eh nainlove ako eh." Sagot ni Mitsui

"Ayos lang yan tol, masaya ako para sa inyong dalawa." Sabi ni Hanamichi

"Salamat tol, teka hanep ha. Nasa kasalan ka nakaganyan ka" sabi ni Mitsui

"Nadaanan lang ako ni Boss sa daan" sabi ni Hanamichi

Maya maya pa nagsalita na ang host ng program sa wedding nina Hanagata at Laila. Bumalik na si Hanamichi sa table nila ni Kumi. As wedding tradition kukunin ng groom ang garter sa legs ng kanyang bride at ipapasa sa mga boys sa reception. Pilit na pinasali nina Mitsui si Hanamichi kahit ayaw nito. At tulad ng gusto nilang mangyari kay Hanamichi tumigil ang garter. Then tradition sa bride naman ihahagis ang flower nya sa mga babae sa reception at kung sino ang makakasalo sya ang susuotan ng garter. Sa kamay ni Kumi bumagsak ang flower ng bride.

Hinila ni Hanagata si Hanamichi sa gitna at hinila ni Laila si Kumi sa gitna...

Sumigaw si Miyagi "comeback is real"

Nagkahiyaan naman sina Kumi at Hanamichi at hindi makatingin sa isat isa.

"Tingnan mo oh parang wala past." sabi ni Mitsui

"Upo ka na Kumi" sabi ni Laila

"Sige na Hanamichi " sabi ni Hanagata

Naupo si Kumi at lumuhod sa harap nya si Hanamichi para ilagay ang garter. Lahat ay kinikilig habang inilalagay ni Hanamichi ang garter sa leg ni Kumi. After mailagay kailangang magsayaw ng dalawa.

Lumapit si Mitsui sa operator ng music, pina-play ang kantang "still in love".

Isinayaw ni Hanamichi si Kumi. Nakatingin lang silang dalawa sa isat isa. "Namiss mo ba ako? Nandito na ko at hinding hindi na ko lalayo sayo." Sabi ni Hanamichi ky Kumi  Tumango naman si Kumi. Niyakap ni Hanamichi si Kumi at ganon din si Kumi kay Hanamichi. Natapos ang kanta at naupo na sila, pero hindi na binitiwan ni Hanamichi ang kamay ni Kumi.

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache  Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon