Chapter 26

409 11 4
                                    

Kinabukasan habang tulog na tulog pa si Kumi ipinagluto sya ni Hanamichi ng breakfast.  Dinala ni Hanamichi ang breakfast sa kwarto habang natutulog pa rin si Kumi. Parahang naupo si Hanamichi sa tabi ni Kumi at pinagmasdan ito.

"Ang ganda ganda mo Boss, hanggang ngayon di ako makapaniwala na ang isang gung gong na tulad ko ang may girlfriend na ganito kaganda at napaka mapagmahal pa." Nakangiting sabi ni Hanamichi habang naka titig sa natutulog na si Kumi

Nangbiglang nagising si Kumi, ngumiti ito kay Hanamichi at sinabing "Good morning Love" bati nito

"Magandang umaga Boss, breakfast in bed." Sabi ni Hanamichi

"Ganyan ka ba talaga kasweet. Maswerte ako dahil ikaw ang unang nakita ko ngayong umaga, then may pa breakfast in bed ka pa." namumulang tanong ni Kumi

"Sayo lang po. Dahil ikaw ang nag iisang babae sa buhay ko." Sagot ni Hanamichi

"Thank you Love. I love you, I alwats do." Sabi ni Kumi at nagsimula na silang kumain

"I love you too Boss, ikaw lang ang mahal ko." Sabi ni Hanamichi

"Hmmmm anong sked mo ngayon Love? Magpapasundo na ako kay mama, baka kasi maging busy ka today." Sabi ni Kumi

"Boss may offer samen, photo cover ng isang magazine. Nanghihinayang ako sa TF mejo malaki din kaya magpapaalam sana ako kung papayagan mo ko. Pero kung ayaw mo hindi na ako sasama." Kinakabahang tanong ni Hanamichi

"Oo naman Love kelan yan? Pwede ba kitang  samahan?" Sagot ni Kumi

"Talaga Boss? Thank you Boss. Mamayang 3pm ang photo shoot. Kasama ko din sina Paul at Josh." Masayang sabi ni Hanamichi.

"Okey sama ako ha. Kaya pala ang sweet mo may dahilan.  " Sabi ni Kumi

"Hindi naman ganon Boss, pumayag ka o hindi pagsisilbihan pa din kita. Mahal na mahal kasi kita at sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo nagdudulot ito sa akin ng kakaibang ligaya. wahahahha." Sabi ni Hanamichi

"Oo nga pala Love, kailan ka babalik sa Japan. Ako kasi kailangan ko ng bumalik sa makalawa, may exam kasi ako. Magdadalawang linggo na din kasi akong absent." Tanong ni Kumi

"Sa makalawa din, sabay na tayo. Tapos na ang championship at nakamit na namen ang tagumpay. Si Ivy naman masaya na kay Paul kaya kampante na kong makakabalik sa Japan dahil alam kong okey na sya at may mag aalaga na sa kanya. Panahon na para umuwi ako sa Japan at ikaw naman ang atupagin ko." sagot ni Hanamichi

"Love naman kinikilig naman ako dyan sa sinabi mo. Tapos iniisip kong sabay tayong sasakay sa plane. Ang romantic naman non."tuwang sabi ni Kumi ngumiti naman si Hanamichi

"kain ka na Boss mamaya pupunta tayo sa university. May surpresa ako sayo." Sabi ni Hanamichi

"Sa university? Baket? Anong surpresa?" tanong ni Kumi

"Kukunin ko na po kasi ang records ko. May contract kasi kame ng dean namen. Na pagnagchampion ang team papayag na silang magtransfer ako ng tuluyan sa Japan at sa Japan team na ako maglalaro.. Para hindi na ko malayo sayo. Ayoko kasing napapalayo ako sayo." Paliwanag ni Hanamichi

"Talaga Love? Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Ayoko na din ng napapalayo sayo." Kinikilig na sabi ni Kumi

"Oo hindi na ko mappalayo sayo. Wala ng rason para bumalik pa ako dito." Sabi ni Hanamichi

"Sige samahan kita sa university?" sabi ni Kumi

After kumain ay nagbihis na sina Kumi at Hanamichi para magpunta sa university.

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache  Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon