Chapter 13

521 14 4
                                    

Nagsimula ng pumasok si Hanamichi sa extension school ng Canada sa Japan. Kaibahan sa Canada hindi sya player ng team Japan kaya hindi sya ganon kasikat sa university. Sa pagpasok nya may ilang students na nakakakilala sa kanya. Gusto nyang magfucos sa studies nya habang di sya maglalaro pero ipinatawag sya ng coach ng team Japan. Pumasok sya sa basketball gym ng Japan campus.  Nandun ang buong team ng Japan campus at napatingin sa kanya ang lahat.

"Sya yung varsity player ng main campus sa Canada"

"Ang bangis naka school uniform sya pero makikita mong magaling xa"

"Grabe ang tangkad."

Bulungan ng mga players ng team Japan

"Bakit nandito yang mayabang na yan." Naiinis na tanong ni Ryan

Nilapitan ni Ryan si Hanamichi "oi yabang bakit ka nandito? Hindi mo ito teretoryo. Diba player ka ng Canada at hindi ng Japan?"galit na tanong ni Ryan

"Pinatawag kasi ako ng coach nyo." Sagot ni Hanamichi

"Mr. Sakuragi nandito ka na pala." Bati ng coach ng team Japan

"Magandang umaga po. Ipinatawag nyo daw po ako? May maiitulong po ba ako sa inyo?" tanong ni Hanamichi

Si Ryan naman ay nakikinig sa pinag uusapan ng dalawa.

"Kailangan ko ng assistant coach at magte-train sa mga players ko, since hindi ka pwedeng maglaro para sa school naten pwede bang magcoach ka at tulungan mo sila sa training. Kahit tuwing free time mo lang?" Tanong ng coach ng Japan

"Alam po ba ito ng coach ko sa Canada?" tanong ni Hanamichi

"Oo Mr. Sakuragi nagtatanong kasi ako ng training pattern sa coach mo ay inirikuminda ka nya sa akin.  Kayang kaya mo daw yun. Payag din sya na tulungan mo ako. Maari ba Mr. Sakuragi?" Tanong ng coach

"ganon po ba? Sige po tutulungan ko po kayo. Kailangan ko din po kasi ng training at practice. Lahat po ng nalalaman ko ay ibabahagi ko sa mga players nyo. " sagot ni Hanamichi

" salamat Mr. Sakuragi, pwede ka na bang magsimula bukas?" tanong ng coach

"Opo coach, makaka asa po kayo." sagot ni Hanamichi

"Team assemble" sigaw ng Coach. Naglapitan naman ang lahat ng members ng Japan basketball team

"Ito si Mr. Sakuragi, player sya ng Main University sa Canada. Dito sya nag aaral pero sa team ng Canada sya naglalaro. Sya ay magiging Coach at Trainor nyo." pakilala ng coach

"Coach bakit sya? Student lang din sya tulad namen at ahead pa po ako ng one year sa kanya." Reklamo ni Ryan

"Kasi magaling sya." Sagot ng coach

Ngumiti naman si Hanamichi kay Ryan, na ikinainis lalo ni Ryan sa kanya.

"Sige nga laro tayo, sino sino ang mga first year dito?"tanong ni Hanamichi

Tumaas naman ang mga kamay ng mga first year. "Sige kayong apat ang kateam ko at yung first five nyo ang kalaban naten, ayos bay un first five?"   nakangiting tanong ni Hanamichi

"Minamaliit mo ba kame?" inis na sabi ni Ryan

"Laro lang to, wag kang masyadong mainit jan." sabi ni Hanamichi at naghubad ng uniform. Humanga naman ang mga tao sa gym sa ganda ng katawan ni Hanamichi lalo na ang mga babaeng nanonood.

"Grabe ang hot nya." Sabi ng mga babae na nanonood at nasigawan sila

"Sige mayabang, tingnan naten kung makapuntos kayo." Sabi ni Ryan

"Ganto guys ha, wag kayong masisindak sa first five nyo, lahat tayo dito magagaling. Ako bahala sa ilalim, kaya ko ding magshoot sa malayo at sa 3 point line. Basta pasa lang pag hindi kaya." Sabi ni Hanamichi sa mga first year

At nagstart na ang laro. Unahan lang maka 5 points, ang unang maka 5 points sya ang panalo sabi ng coach nila. Iniinis ni Hanamichi si Ryan sa mga ngiti nya. Sa jump ball palang lamang na lamang na si Hanamichi kasi mas matangkad sya, pagsalo ni Henry(First year) ipinasa agad nya kay Hanamichi na nakatakbo agad sa ring at naidunk ang bola. Sigawan naman ang mga babaeng nanonood sa gym

"Grabe yun, sigundo palang" sabi ng coach ng Japan

Opensa naman ang mga first year, nagtangkang magdunk si Ryan pero na supalpal sya ni Hanamichi, nasambot ni David(First year) ang bola at ipinasa kay Hanamichi, ipinasa naman ni Hanamichi kay Ian (first year) na nasa 3point line at itinira ang bola, pasok. Five points na, hindi nakaporma ang first five ng team. Naghigh five sina Hanamichi at mga first year.

"Ang galling mo sir Hanamichi, nakakaganang maglaro pagkalampi ka." Sabi ni Ian

"Hindi ganon yun, magaling kayong lahat." Sabi ni Hanamichi

"Ang lupit mo sir Hanamichi, ngayon lang kame nakalaro at nanalo pa." sabi ni David

"Sige bukas kasama nyo na ako sa training lalo pa kayong gagaling" sabi ni Hanamichi

"Nakaka excite namang magpractice bukas." Sabi ng mga first year

"Mayabang" galit na sabi ni Ryan

Lumapit si Hanamichi ky Ryan at sinabing "Nice game captain" . lalong nagngit ngit sa galit si Ryan.

"Coach balik na lang po ako bukas, mejo mahirap po kapag nakaschool uniform." Paalam ni Hanamichi

"Salamat Mr. Sakuragi" sabi ng coach. Papalabas na si Hanamichi ng may mga babaeng naglapitan sa kanya.

"Hi po Kuya"

"Ang galling mo naman kuya"

"Kuya pedeng magpapicture" sabi ng mga ito

"Next time na lang girls" sabi ni Hanamichi at umalis na ng gym.

Pumunta si Hanamichi sa school na pinapasukan ni Kumi. Hinihintay nya sa labas si Kumi.

"Asan na bayun, baka naman nakalabas na sya. Di ko kasi alam sked nya." Sabi ni Hanamichi sa isip nya

Papalabas na si Kumi ng makita nya si Hanamichi. Nakaramdam sya ng kaba at naalala nya yung nangyari sa park. "Anong gagawen ko?" sabi ni Kumi sa isip nya

Nakita ni Hanamichi si Kumi at nilapitan nya ito.

"Boss" sabi ni Hanamichi

"Bakit ka nandito?"" tanong ni Kumi

"Bakit ayaw mo?" balik tanong ni Hanamichi

"Bakit Boss pa rin tawag mo saken?" tanong ni Kumi

"Nasanay na kasi ako. At ikaw lang ang Boss ng buhay ko. " Sagot ni Hanamichi

"Ah yun lang ba yun?" Tanong ni Kumi

"Oo bakit may iba pa ba?" sagot ni Hanamichi

"Yun lang pala Okey." Pagsusungit ni Kumi

"Hindi ka ba masayang Makita ako?" tanong ni Hanamichi

"Hindi, nasanay na kasi akong wala ka." Sagot ni Kumi

"Aray naman, ang saket naman non. Ikaw kasi namiss kita, lagi kitang miss." Sabi ni Hanamichi

Nakaramdam naman ng kilig si Kumi at namula ang muka.

"Oi bakit ka namumula?" sabi ni Hanamichi

"Hindi ako namumula" inis na sabi ni Kumi

"Ang pula pula mo kaya" sabi ni Hanamichi

"Hindi nga eh." Sabi ulit ni Kumi

Lumapit si Hanamichi at may ibinulong kay Kumi "Okey lang namang aminin mo na miss mo ko. Kasi ikaw lagi kitang miss at nandito ka lang naman lagi sa puso ko."

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache  Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon