Chapter 14

510 12 8
                                    

"Boss maganda ka pa sa lahat ng maganda... Sunduin kita mamaya, isasama kita sa practice namen." Chat from Hanamichi

"Kung sabihin kong ayoko" chat From Kumi (Kinikilig)

"Okey , kung ayaw mo. 😭😭😭" chat from Hanamichi

"Oo ayoko talaga. For sure aalaskahin mo nanaman ako." Chat from Kumi

"Okay kung ayaw mo hindi na kita pipilitin. Baka may nanliligaw na sayo kasi ang ganda ganda mo." Chat from Hanamichi

End of Convo

"Hay naku nakakainis ka talaga, nagpapapilit lang naman ako eh" inis na sabi ni Kumi sa sarili

Japan Campus

Pumasok si Hanamichi sa morning class nya. Then after ng class nya tutulong sya sa practice ng basketball team. Wala pa syang masyadong kaibigan sa campus nila kaya madalas syang mag isa at mas gusto nya iyon. Pero dahil sa nangyaring  laro nila sa gym kahapon ay nagsimula na syang pag usapan at makilala sa school.

"Sakuragi totoo bang tinalo nyo ng mga first year ang first five ng basketball team?" tanong ni Aaron classmate nya

Ngumiti si Hanamichi at tumango

"Talaga ibig sabihin may mas magaling na ky Ryan dito sa campus, matitigil na ang kahambugan nya" sabi naman ni Rico isa pa sa classmate nya

"Siguro napakahusay mo, isipin mo natalo nyo ang first five na mga first year lang kalampi mo." Sabi ni Cyndy

"Hindi naman sa ganon. Dapat sa team tulungan para manalo. At mahuhusay ang mga first year na nakakampi ko. Konteng practice lang pwede na silang isabak sa laro." Sagot ni Hanamichi

"Sige na mga classmates mauna na ko." Paalam ni Hanamichi , pumunta na sa school ni Kumi

SA Labas ng School nina Kumi naghihintay si Hanamichi.

"Tagal naman ni Boss, baka malate ako nito sa practice. Dapat pala inalam ko sked nya." Sabi ni Hanamichi sa sarili

"Hi Pogi ang tangkad mo naman at ang laki ng katawan mo. Your so hot." Sabi ni Ashlee kay Hansmichi

"Hi din sayo Ms. Ganda, thank you." Nakangiting sabi ni Hanamichi

Kinilig naman si Ashlee at lumapit pa kay Hanamichi " Well what are you doing here?" Tanong ni Ashlee

"May hinihintay lang Ganda" sagot ni Hanamichi at inilapit ang mukha nya kay Ashlee, dahilan para kiligin si Ashlee

"Really? Girlfriend mo?" Nagpapacute ni Ashlee

Nang biglang "EHEM EHEM" sabi ni Kumi

Nagulat si Hanamichi at biglang lumayo kay Ashlee "Boss nanjan ka na pala?" bati ni Hanamichi

"Bakit ka nandito? Para makipaglandian?" inis na tanong ni Kumi

"Miss ganda sya ang hinihintay ko, ang Boss ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Hanamichi kay Ashlee dahilan para mainis at magwalk out si Ashlee

"Ayun habulin mo yung kalandian mo!" Utos ni Kumi

"Boss naman, nagHi lang ako eh." paliwanag ni Hanamichi

"Kung hindi ako dumating sure ako nakipaglandian ka na dun." Inis sabi ni Kumi

"Bakit ka ba nagagalit dyan? Nagseselos ka ba?" pang aasar ni Hanamichi at bigla namang namula ang mukha ni Kumi

"Hindi, bakit naman ako magseselos? Boyfriend ba kita? Ang panget panget non, hindi sya kaselos selos!" inis na sagot ni Kumi na namumula pa rin

"Bakit ka namumula? Nagseselos ka eh? Selos sya! Haha" sabi ni Hanamichi

Dahil naiinis si Kumi lumakad sya at iniwan si Hanamichi "Alam mo naman pala na nagseselos ako bakit nakikipaglandian ka pa rin." Bulong ni Kumi

Hinabol sya ni Hanamichi hinawakan sya sa kamay at sinabing "Sorry na Boss.."

"Bakit ka ba nandito? Para alaskahin nanaman ako?" tanong ni Kumi

"Isasama kita sa practice namen, if free ka and if you want," sagot ni Hanamichi

"Bakit gusto mo kong isama?" tanong ulit ni Kumi

"Kasi po I always miss you, kaya hanggat maari, hanggat pede I want to be with you." Bulong ni Hanamichi at hinalikan ang kamay ni Kumi

"Grabe parang mahihimatay ako" kinikilig na sabi ni Kumi sa sarili

"Yun ba talaga ang dahilan? Na namimiss mo ko at gusto mo kong makasama?" Namumulang tanong ni Kumi

"Opo Boss ko" nakangiting sagot ni Hanamichi

"Tara na nga, baka malate ka pa"kinikilig na pag aaya ni Kumi at hinila na si Hanamichi

Japan Campus gym

"Boss iwan muna kita dito, magbibihis lang ako. Dyan ka lang ha, wag kang sasama sa iba, wag mo kong ipagpapalit, wag mo kong iiwan." Sabi ni Hanamichi at pumasok na para magbihis

"Grabe masyado mo kong pinapakilig.  Miss na miss din kita kung alam mo lang." sabi ni Kumi sa isip nya

Nakita ng team si Kumi na napa-upo sa bench.

"Captain di ba sya yung taga Aiwa na crush mo? Yung laging nangdedeadma sayo. At tumatanggi sa mga regalo at panliligaw mo?" Tanong ni Kevin

"Oo sya nga, dati hindi nya ko pinapansin. Ilang beses na din nya akong binasted.  Pero ngayon nandito sya para mapanood ako. Baka narealized na nya kung sino ang binabalewala nya." Sabi ni Ryan

"Captain lapitan mo na. Tyak ikaw ang dahilan ng pagparito nya." sabi ni Dexter

"Sige, manood lang kayo dyan." Mayabang na utos ni Ryan

Linapitan ni Ryan si Kumi at kinausap ito. Dahil napakayabang ni Ryan hindi feel ni Kumi na makipag usap dito. Naiirita si Kumi sa tuwing lumalapit at nakikipag usap ito sa kanya.

"Hi Kumi, bakit ka nandito? Panonoorin mo ba ako? Narealized mo na ba kung sino ang sinasayang mo?" tanong ni Ryan

"Excuse me? Ano yun?" sagot ni Kumi

"Wag ka ng magpakipot dyan, ako ang pinakamagaling samen kaya ako lang ang gugustuhin mong mapanood. Wag kang mag alala hindi pa naman huli ang lahat, kung tatanggapin mo na ako bilang manliligaw mo, napakaswerte mo." confident na sabi ni Ryan

Napabuntong hininga naman si Kumi. Lumabas na si Hanamichi nakajogging pants at fitted na t-shirt na bumabakat ang maganda nyang katawan at kumpletong abs. Lumapit sya kina Kumi at Ryan. Natanaw naman sya ni Kumi na papalapit sa kanila.

"Love" sabi ni Kumi

"Boss.. Ryan may problema ba tayo?" sabi ni Hanamichi na tinabihan si Kumi at humawak sa baywang nito

"Mayabang ka" sabi ni Ryan

"Chill captain tinatakot mo kasi ang girlfriend ko." Sabi ni Hanamichi

"GIRLFRIEND? GIRLFRIEND NYA DAW AKO" kinikilig na sabi ni Kumi sa isip nya

"Mayabang ka, may araw ka rin saken." Galit na sabi ni Ryan at umalis

"Grabe captain pinanood ka namen, ang lupet non." Pang aasar ni Kevin

"Gusto mong mag100 laps o isasara mo yang bibig mo?" galit na sabi ni Ryan

"Chill po, peace tayo Captain, isasara ko na po ang bibig ko." sabi ni Kevin

"Okey ka lang Boss? Sorry sa nangyari. Pangako hindi na kita iiwan mag isa" bulong ni Hanamichi kay Kumi

"Kinikilig ako" sabi ni Ian

"Ako din" sabi ni Dexter

"Magsitigil kayo, sige magwarm up na" nagagalit na sigaw ni Ryan

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache  Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon