Chapter 25

419 12 2
                                    

Dahil unang pagkakataong nag-Champion ang Vanier's nag organize ng magarbong party ang University para sa mga varsity players nito. Lahat ng students na nag aaral sa university ay invited para makisaya sa parting ito.

"Boss sigurado ka okey lang ba talaga sayo na umattend tayo nung party sa university? Pwede naman akong hindi pumunta dun. " Tanong ni Hanamichi

"Oo naman Love, sigurado ako. Yung party na yun ay para sa inyong mga varsity players, kaya dapat nandun ka. Para makapag-celebrate kayo ng mga teammates mo." Sagot ni Kumi

"Sure ka ha? Pwede namang hindi pumunta. At okey lang saken kung hindi tayo pupunta." Sabi ni Hanamichi

" Bakit parang ayaw mong umatend? Ano bang ikinatatakot mo? Takot ka bang makita ko ang mga kalandian mo dun dati? Oh baka naman may mga karelasyon ka dun na naiwan mo nung umuwi ka sa Japan?" Tanong ni Kumi

"heheheeh, wala akong ikinatatakot  Boss. Alam mo bang sayo ko lang gustong makipaglandian at ikaw lang din ang gusto kong karelasyon. Wala akong itinatago sayong kahit ano. Kaya tara na,  umatend na tayo ng party."  sabi ni Hanamichi

"Siguraduhin mo lang. Baka gusto mong i-dunk ko ang bola sa mukha mo. Akala mo ha!" Sabi ni Kumi

"Boss naman, I love you. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang babae ng buhay ko." sabi ni Hanamichi

"Tara na nga! Tama na yang pambobola mo. Walang epekto saken yan." sabi ni Kumi na kinikilig

"Oi Boss, wala man lang I love you too?" Tanong ni Hanamuchi

"Wala" kinikilig na sagot ni Kumi habang hinihila si Hanamichi

Sa party nandun na ang buong team at si Ivy na kasama ni Paul. Maya maya pa ay dumating naman sina Hanamichi at Kumi. Agad hinanap ni Hanamuchi ang mga teammates nya, nang matanaw nya  ang mga ito agad silang lumapit sa mga ito para makisaya.

"Hi boys congrats to all of you, ow Hanamichi your back, I miss you. Did you miss me?" tanong ni Ivel na lalapit kay Hanamichi

"Hi Ivel, nice to see you. By the way meet my girlfriend Kumi." nakangiting sabi ni Hanamichi at humawak sa baywang ni Kumi

Dahil sa inis nagalit si Ivel at nagwalk out.

"wow same with Captain, he rejected lots of hot girls because of his girlfriend Ivy." sabi ni Josh

"Love ganito pala dito, madameng gustong manlandi sayo. Kaya pala  enjoy na enjoy ka dito sa Canada." Sabi ni Kumi

"Boss landian lang yung. Ikaw mahal kita, mahal na mahal. At uulitin ko, ikaw lang ang babae sa buhay ko." Bulong ni Hanamichi kay Kumi

"Pinakikiig mo nanaman ako" sabi ni Kumi sa isip nya

"Boss saan ka nga pala matutulog? Pwede bang sa condo ko na lang? Gabing gabi na kasi, baka hindi ka na masundo ni Tita." tanong ni Hanamichi

"Gusto mo bang sa condo mo ako matulog?" balik tanong ni Kumi

"Oo! Gusto kitang masolo, pero alam ko naman ang limitasyon ko. Kaya kung papayag ka na makasama ako buong gabi, na tayo lang dalawa, wala kang dapat ikatakot  hindi ako lalampas sa limitasyon ko." Sagot bi Hanamichi

"Magpapaalam muna Ko kay Mama. Tama ka malalim na ang gabi at baka pagod na si Mama." Sagot ni Kumi

"Talaga payag ka? Salamat sa tiwala Boss" galak na sabi ni Hanamichi

"Gusto din kitang makasama at alam ko namang wala kang gagawen saken na ikakasira ng tiwala saten nina Daddy at Mama." Sagot ni Kumi

"oo ayokong sirain tiwala nila saken. Ipinagkatiwala ka nila sa akin at tinanggap nila at bilang boyfriend mo. Kaya napakalaki ng respeto at paggalang ko sa kanila." sabi ni Hanamichi

"Mahal kita Love.." sabi ni Kumi

"Ang sweet mo naman, mahal na mahal din kita Boss." Sabi ni Hanamichi at niyakap si Kuni

"hey love birds we're going.  We want to spend time in private. How about you?" tanong ni Paul

"Go ahead captainand  take good care of Ivy." bilin ni Hanamichi

"Yeah I will bro! You know I love her so much." sabi ni Paul

"Sissy ingat kayo ni Baby Boy." Paalam ni Ivy kay Kumi at umalis na sila ni Paul

"Boss tara?" pag aaya ni Hanamichi kay Kumi

Humawak naman si Kumi sa braso ni Hanamichi at naglakad na sila pauwi sa condo ni Hanamichi. Tahimik silang naglalakad na nakangiting  nakatingin sa isat isa.

"Nandito na tayo Boss. Sigurado ka bang okey lang sayong dito matulog?" tanong ni Hanamichi at tumango naman si Kumi

Pumasok sila sa unit ni Hanamichi "Boss shower lang ako ha. Wag kang aalis." Paalam ni Hanamichi at Hinalikan si Kumi sa pisngi

Tahimik na nagmamasid si Kumi sa loob ng condo ni Hanamichi "Kame lang ang tao dito, kinakabahan ako. Pero gusto ko syang makasama. Kinikilig akong isiping kame lang ang magkasama ngayong gabi. " Sabi ni Kumi sa sarili

After mag-shower lumabas na si Hanamichi na nakaboxer lang, sa ganda ng katawan nito hindi naiwasan ni Kumi na mapatingin dahilan para mamula ang mukha nito. Agad namang napansin iyon ni Hanamichi kaya ngumiti ito kay Kumi at sinabing "Hi Boss"

"Love wag ka namang mang akit dyan. Magsuot ka nga ng damit. " sabi ni Kumi na namumula

"okey magdadamit na po. Pinakita ko lang sayo ang katawang  pinapantasya ng mga babae sa university. Hindi mo din ba ako pagnanasahan.EHEHEHHE joke lang." nakangiting sabi ni Hanamichi at nagsuot na ng damit

"Boss ito muna suot mo." Sabi ni hanamichi at iniabot ang jersey nya kay Kumi

"Okey, thank you Love"sabi ni Kumi at nagbihis

Paglabas ni Kumi, suot nya ang jersey ni Hanamichi, kahit maluwag ang jersey halata pa rin ang magandang hubog ng katawan nya, dahilan para mapasipol si Hanamichi.

"Maaga tayong magpahinga, alam kong pagod ka. Dito ka matulog sa kama, ako sa sofa. Okey ba yun Boss" sabi ni Hanamichi

"Hmmmm. Dito ka na lang din sa kama. Tabi na lang tayo,  wala ka namang gagawen saken diba?" Tanong  ni Kumi

"Gusto mo bang may gawen ako? Pwede naman yun kung irerequest mo." Pilyong tanong ni Hanamichi

"Peace tayo Love, hehe bata pa po ako. Study first muna po." namumulang sagot ni Kumi

"Sure ka pwede ako dito sa tabi mo?" tanong ni Hanamichi at huniga sa tabi ni Kumi. Yumakap si Kumi sa kanya at inilagay ni Hanamichi ang kamay nya sa baywang ni Kumi

"Alam mo Boss kahit tayong dalawa lang dito wala akong gagawen sayo. Hihintayin ko ang tamang panahon. Ganon kita ka mahal, sa pagmamahal kasama dun ang respeto." Sabi ni Hanamichi

"Para sa isang lalaki kailan ba yung tamang panahon?" tanong ni Kumi

"Kapag kasal na tayo. Sa tamang panahon papakasalan kita at pagdumating ang araw na yun humanda ka.  Walang peace peace tayo sa pagkakataong yun."nakangiting sabi ni Hanamichi

"Talaga Love gusto mo kong pakasalan? Ganon mo ko kamahal na gusto mong ako ang makasama mong  bumuo  ng pamilya at makasama mo habang buhay?" Kinikilig na  tanong ni Kumi

"Oo naman, gusto kitang pakasalan. Pagkasal na tayo akin ka na at hinding hindi mo na ko pedeng iwan at ipagpalit sa iba. Oo ikaw ang gusto kong makasamang bumuo ng matagal ko ng pangarap, ang masaya at kumpletong pamilya. Ikaw din ang nag iisang babaeng gusto kong makasama habang buhay." Sagot ni Hanamichi

Natahimik si Kumi sa sobrang kilig.

"Good night Love, thank you sa respeto at pagmamahal mo saken. Napakaswerte ko kasi may boyfriend akong henyo." Sabi ni Kumi at yumakap ulit kay Hanamichi

"Good night Boss mahal na mahal kita." Sagot ni Hanamichi  at hinalikan si Kumi sa noo

"Mahal na mahal din kita Love" sagot ni Kumi

Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache  Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon